CHAPTER 45:
Someone's POV
"Excuse me po Ma'am?" lahat kami ay napalingon sa pinto, isang lalaki na mukhang pagod ang nagsalita.
"Waaa! Devon!!!" tili ng mga kaklase kong babae.
"Yes Mr. Sanders?" tanong ni Ma'am.
"Nakita n'yo po ba si Rain?" tanong nito, ang kaninang tahimik kogdiwa ay biglang nagising.
"Hmm? Yung istudyante sa section 1 ng Einstein?" tanong ni Ma'am, tumango yung Devon. Sinong Rain kaya ang tinutukoy nila?
"Hindi eh." sagot ni Ma'am. Tumango yung Devon.
"Thank you po Ma'am." anito saka tumakbo ulit. Umingay ang room dahil sa bulungan. Sino kaya ang Rain na tinutukoy ng lalaking iyon?
"Agaw na agaw na talaga nung Rain na 'yon ang magpipinsan." dinig kong bulong ng babaeng nasa likuran ko.
"Oo nga eh, hindi bale may Ran pa naman tayo." patungkol nila sa'ken napailing nalang ako at yumuko kesa makinig sa usapan nila.
Keisha's POV
"Nandoon pa ba si Rain?" tanong ni Chloe. Parehas na kami ngayon na nag-aayos ng gamit.
"Oo, kainis s'ya hindi man lang ako naisipang i-chat na." atungol ko.
"Hahaha baka napagod lang." tawa ni Chloe.
"Kahit pa mukha tuloy akong tanga." sabi ko.
"Hahahaha. Sige na Keisha." paalam n'ya tumango ako at nang makaalis na s'ya ay ngumuso ako. Pahamak ka Rain!
Nang maisilid ko lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng room.
"AY PALAKA!" biglang tili ko ng biglang sumulpot si Halli sa harapan ko! "H-Halli?" tawag ko.
"Tara puntahan na natin si Rain, wala kasi akong kasama eh." anito, nagulat nalang ako ng bigla n'ya akong hatakin! WAAAAA! Halli! Kinikilig ako! Bwahahahahah! Nakangiti ako habang hawak ni Halli ang kamay ko. Shet kenekeleg talaga ako!
"H-Halli b-bitawan mo na ako." kunwaring usal ko.
"Ay sorry." anito at binitiwan nga. T__T dapat hindi ko nalang pala sinabe.
"Tara." sambit ko. Nakakadalawang hakbang palang ako nang bigla akong mapahinto at mapunta ang tingin ko sa Building H.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...