CHAPTER 7:

3.8K 120 4
                                    


CHAPTER 7:


"Luis akin na nga yung order ko." sabi ko at kinuha ko yung tray, nauna na akong naglakad papunta sa table namin.


"Sandali lang Levi!" habol ni Andy. Napatingin yung Rain sa'ken na masama ang tingin. Hindi ko na s'ya tinignan at naupo nalang ako sa upuan namin.


"Ang lungkot ng mga mata ni Chloe kanina." panimula ni Devon, hindi ako umimik at nagtuloy lang sa pagkain ko.


"Paano iwanan ba naman kasi bigla." si Halli. Hindi ko ulit iyon pinakinggan.


"Halli." saway ni Luis.


"Wae? I didn't say anything wrong hyung." tanggol ni Halli sa sarili n'ya.


"Manahimik na nga lang kayo parehas. Devon manahimik ka." saway ulit ni Luis.


"Oo na, yun lang naman ang napansin ko." sagot ni Devon.


"Chloe!" biglang tawag ni Halli, lahat sila ay tumingin sa entrance pwera sa'ken.


"Isabay na lang natin s'ya hyung? Wala s'yang kasabay oh." ani ni Kyle sa'ken hindi na ako sumagot.


"Sumabay ka na sa'men." pang-aalok ni Halli.


"Ah? H-Hindi na." tanggi nito. Hindi ako nag-aangat ng tingin at sa pagkain lang ang mga mata ko.


"Dali na!" pilit ni Halli, hindi ko alam kung nananadya ba s'ya o hindi.


"A-Ayoko nakakahiya." aniya.


"Dali na!" pilit ni Halli.


"'Wag mo nang pilitin kung ayaw." usal ko. Nag-angat ako ng tingin, nakatingin sila sa'ken pati si Chloe na naluluha ang mata. Napapikit lang ako.


"Sige na, ayokong sumabay eh." tugon ni Chloe at mabilis na umalis.


"Napaka-insensitive mo talaga eh ano?" singhal ni Halli sa'ken.


"Wala akong pakialam." tugon ko at nagtuloy sa pagkain.


"Ikaw itong hindi nagparamdam sa kan'ya ng apat na taon Levi!" sumbat n'ya, nabitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko.


"Away na naman." usal ni Devon at Andy.


"So what do you want me to do Halli huh? Welcome her with an open arms? What a f*cking idea!" singhal ko. Saka bigla nitong hinaklot ang polo ko.


"Sinaktan mo s'ya."


"Who cares if I hurt her? I can do it multiple times." sagot ko.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon