CHAPTER 61:
-
-
-
-
Kinuha ni Cade ang buong hapon ko, gumala kami ng gumala, kumain ng kumain, mabuti at wala s'yang arte sa pagkain hindi gaya ng mga Sanders. Nanood pa nga kami ng sine eh yung horror. Naglaro kami ng mga arcades. At sumakay sa mga rides. Kumain ng ice cream at namili ng damit. Napagkakamalan nga kaming couple eh pero ang sagot naming parehas ay 'nagkakamali kayo' saka kami tatawa. Para kaming tanga.
Masaya ako kasi naman pinasaya ang ni kolokoy hindi naging boring ang hapon ko. Nagpicture-picture pa kami, matagal ko na kasing ka-trabaho itong si Cade at wala kaming bonding kasi busy ako sa pagtatrabaho at pag-aaral. May time na natalisod si Cade dahil sa bato paano na sa akin ang tingin kaya hindi nakita ang bato.
Masasabi ko na sweet ang araw na ito para sa isang couple pero hindi naman kami couple kaya ang masasabi kong masaya ito! Hahah! Alas-sais na ng parehas kaming napagod. At nandito kami sa isang mataaas na lugar at pinanood ang sunset kanina.
"Alam mo Rain kung wala lang akong girlfriend baka na-inlove na ako sa'yo." sabi ni Cade inirapan ko lag s'ya. "Seryoso." dugtong nito.
"Wala naman akong balak na magkagusto sa'yo no." tugon ko, ngumuso lang s'ya. "Tara uwi na tayo." aya ko saka tumayo. Tumayo na din s'ya at parehas kaming naglakad pabalik sa kotse n'ya.
==============
"Ingat ka." sabi ko kay Cade ng maihatid na n'ya ako. Kumaway ito at ganoon din ang ginawa ko umalis na s'ya at pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Kuya na nagbabasa ng libro.
"Ba't ngayon ka lang?" tanong n'ya ng hindi ako nililingon.
"Gumala lang kuya." sagot ko. Umakyat ako ng kwarto ko at nagpahinga. Busog na pa naman ako.
Levi's POV
Ngayong araw na ang pageant. Peste lang talaga na kahit si Chloe ang kasama ko si Rain ang nasa isip ko! Hindi kami ni Chloe gusto ko lang s'yang kasama para kahit papaano ay hindi masagi sa isip ko si Rain. Pero kahit anong pilit ko ayaw akong sundin ng katawan ko. Lalo pa ng makita ko s'ya nung Friday na may lalkeng nagsundo sa kan'ya. Ok sana kung isa iyon sa mga pinsan ko pero hindi eh.
Alam ni Chloe ang dahilan kung bakit kasama ko s'ya at ayos lang iyon sa kan'ya. Alam kong mali pero ito ang tama dahil 'mahal' ng mga pinsan ko ang babaeng 'gusto' ko. Iba ang mahal sa gusto at ang gusto ay nawawala. Hindi gaya ng pagmamahal ng mga pinsan ko sa kan'ya dahil matagal iyon mawala.
Lahat kami ngayon ay nasa backstage kasama ang aming mga partner. Katabi ko si Rain na mukhang kinakabahan dahil siguro sa special number n'ya. Naaalala n'ya pa kaya ang sinabe ko nung nasa hospital kami? Malabo malamang nakalimutan n'ya na 'yon.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...