CHAPTER 85:
4:00 PM
Siguraduhin lang ni Lhian na ito na ang huli -__- tss. Kung sabagay ito lang naman ang unang beses na makikipagkita ako sa kan'ya palagi ko s'yang ini-indian eh. Ayoko na kasing makinig sa mga kasinungalingan n'ya. Siguro kung sa simula palang na doon din pala nagtransfer si Lhian 5 years ago baka sa iba na ako nag-aral.
"Devon..." napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses na 'yon ni Lhian, hinarap ko ito.
"Ano na namang kasinungalingan ba ang sasabihin mo?" walang emosyong tanong ko. Naupo ako sa bench. Ramdam kong naupo din ito sa bench na nasa likuran ko, ang bench kasi dito sa park ay magkatalikuran at magkadikit ang dalawang backrest.
"Hanggang ngayon ba sinungaling na babae pa rin ang tingin mo sa'ken?" tanong nito, nakatingin lang ako sa papalubog na araw, ang ganda..
"Wala namang magbabago do'n." sagot ko.
"Wala na ba talaga akong chance?" napatingin ako sa kan'ya, ngumiti ako at muling bumalik ang tingin sa langit.
"One is enough, two is too much but if I gave you another chance I already delude myself. Giving a chance is not easy as you think." tugon ko, ramdam ko ang titig n'ya. Kaya sinalubong ko iyon. "Hindi na ako magagalit kung makikita pa kita, our relation is now over. If our fate collide again, let's look to each other as a stranger." napatingin ako sa kan'ya matapos kong bitiwan ang mga kataga ko.
"I..I still have f-feelings for you Devon..." dinig ko ang basag sa tono ng pananalita n'ya.
"We are not on the same page Lhian, a lot of things happened a lot of things changed since you decieved me." tugon ko. Doon ko nadinig ang pigil ng pag-iyak n'ya. Kung noon hindi ko s'ya matiis dahil mahal ko s'ya ngayon hindi ko s'ya matiis hindi dahil sa iyon parin ang rason kundi ayokong may pinaiiyak na babae, manloloko ako pero hindi sa mga taong kilala ko.
"I-I'm sorry.."
"No need to be sorry for Lhian. Just accept the fact that we are not really meant for each other." sabi ko at tumayo na. "You better go home." sabi ko, tinapik ko pa ang balikat n'ya saka ako umalis ng park.
Kin's POV
"Ako na dito ah?" napapailing na tinignan ko si Elisha habang isinasalansan yung logbook at ibang papel sa drawer. Panghapon s'ya pero ang aga-aga nandito s'ya.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko nalang at muling inasikaso ang scholl newspaper, December na at kailangan maisaayos na ang pagkakasunod-sunod nito hanggang February.
"Teka ano ba 'yan?" tanong nito, napausog ako sa swivel chair ng biglaan itong lumapit!
"W-Wala! Pwede ba 'wag ka ngang istorbo! Palalabasin na kita!" singhal ko sa kan'ya. Ngumuso naman ito.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...