CHAPTER 23:

3K 75 3
                                    


CHAPTER 23:



"Mmm. Iyon kasi ang gusto ng Lolo nila eh para hindi magkalayo-layo ang loob nila gaya ng nangyare sa mga Papa nila." maikling salaysay ni Chloe.


"Eh? Paano naman kung hindi sila magkakasama?" tanong ni Keisha.


"Magbabasagan sila ng itlog. Kapag may hindi sumama sa trip nila babasagan ng itlog." natatawang kwento ni Chloe. Nag-iwas ako ng tingin ng mapatingin si Ellie sa direksyon namin.


"Tapusin na nga natin ang pagkain." sabi ko at kumain na ako. Gumaya naman sila sa'ken.


"May lakad kaba?" puna ni Keisha. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Hoy!" sabay tinapik n'ya ako sa balikat. Sinamaan ko s'ya ng tingin.


"'Wag kang magulo." sabi ko.


"May iniiwasan siguro." nanlaki ang mata ko sa boses na 'yon mula sa likod ko.


"Oh Halli." tawag ni Chloe at nakatingin s'ya sa likod ko.


"Hi Chloe." bati ni Halli. Pansin kong nasa upuan na nila yung anim. Sumimangot ako at tinignan si Halli.


"Ano na naman?" kunot-noong tanong ko pero pakitang tao lang 'yon.


"Ang sungit naman, may ibibigay lang naman ako." nakangiting sabi n'ya.


"Ano?" normal na tanong ko.


"'Wag na mukhang galit ka pa." sabi n'ya at akmang lalakad kaya naman hinigit ko ang kamay n'ya.


"Ano nga?" tanong ko, pansin kong nakatingin ito sa kamay ko, naiilang na binitawan ko ang kamay n'ya. At muling tinignan ang pagkain ko.


"Joke lang." natatawang sabi ni Halli saka umalis. Gago 'yun ah! Napahagikgik naman si Chloe at Keisha. Hindi ko nalang sila pinansin. Ano naman kaya ang pumasok sa isip ko at pinigilan ko pa s'ya kanina?


Sabay-sabay na kaming pumasok sa room pagkatapos naming kumain. Naging close naman si Chloe at Keisha. Pagkadating sa room ay dumating na din yung teacher namin. Hindi ako makapagfocus masyadong occupied ang utak ko. Okupado ni Ellie at Levi. Hindi ko alam kung bakit. Biglang nagflashback sa utak ko yung una ko silang nakilala. >__< hindi! Focus Rain! Focus!



-DISCUSSION-


-DISCUSSION-



"Excuse Ma'am." lahat kami ay napatingin sa pinto ng may biglang gumambala sa discussion namin sa Biochemistry.


Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon