CHAPTER 30:
"Para ka ding si Levi eh, maarte sa una pero kakainin din pala." sambit nito kaya natigil ako sa pagnguya at takang tinignan s'ya.
"Kailan?" tanong ko.
"Kahapon." aniya na bahagya pang nangiti marahil ay may naalala s'yang nakakatuwang bagay.
"Napakain mo si Kuya ng pagkain na kinaaartehan n'ya?" paglilinaw ko. Tumango naman ito.
"Mmm. Yung fishball at kikiam." tugon nito saka muling sumubo ng kalamansi.
"Nagkasama kayo kahapon?" tanong ko, nanlaki ang mata nito at parang nagulat pa sa tanong ko.
"O-Oo." utal na sagot n'ya.
"So ang kaparehong tinutukoy mo ay si Levi?" paninigurong tanong ko.
"O-Oo?" sagot nito. Hindi ko alam kung bakit may kung anong nabuong galit sa kaloob-looban ko. S'ya na naman? Naunahan na naman n'ya ako? Lagi nalang? Kailangan ba laging umaayon sa'yo ang lahat? Kailangan bang parating ikaw ang nauuna? Bakit palaging ikaw Levi? "Ayos ka lang? Hindi mo ba nagustuhan ang kalamares?" tanong n'ya ng matahimik ako.
"Kalamares? Akala ko kalamansi." sabi ko nalang. Nakangiting umiling ito.
Muli akong kumain hanggang sa maubos ko ang kalamares.
"Ikaw ang magbabayad ah." sabi ni Rain, kunwaring napanguso ako pero ngumiti din, inabot ko kay Manang yung 1000 at saka kami lumabas ng kainan.
"Sandali lang hijo! Kay sobra man ang imong binayad." ani nung Ginang.
"Hindi na po, salamat po." sabi ko. Napatingin ako kay Rain na mukhang tanga lang. Nang muling pumasok yung Ginang sa loob nagsalita ako.
"Ba't gan'yan ang mukha mo?" tanong ko at naglakad kami papunta sa kotse ko.
"Parehas kayo ni Ellie eh no? Keep the change." sabi n'ya saka kami parehas na sumakay sa loob, nauuna kasi s'ya kaya hindi ko na nagawang pagbuksan pa 'ya. "Balik na tayo ng school baka hinahanap na ako ng mga 'yon." sabi ni Rain na inayos yung seatbelt n'ya.
Rain's POV
Sabado na ngayon. Alas singko palang ng umaga at hapon pa ang magaganap na sukatan, kailangan ko ding pumunta para mabayaran na yung tuition ko. Nang maihatid ako ni Halli pabalik sa school ang mga kurimaw kong mga kaibigan ay tulog pa din. Tapos non ay nag continue ulit ang practice. Bago ako umuwi kahapon ay nagpunta ako sa pinagta-trabahuan ko para makuha na yung sahod ko. Balak ko ngang ibigay kay Mama yung sobra eh kaso nabasa ni Papa ang utak ko kaya pinigilan n'ya ako.
Tumayo ako at inayos ang higaan ko, lumabas ako ng kwarto na dala ang mga damit ko na labahan. Pinuyod ko ang buhok ko at nilapag ang tatlong batya pati ang upuan, kinuha ko din ang mga damit nila na marurumi, hindi iyon madami dahil naglalaba siguro si Mama. Nagsalin ako ng tubig sa batya at naglagay ng powder na sabon.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...