CHAPTER 73:
Rain's POV
Nandito kami ni Levi sa Mall ngayon at gusto daw n'yang mag-shopping, akala mo naman babae.
~BRIZZK~
"Hello?" sagot ko ng tumawag si Lolo, ilang beses nang tumawag sa'ken ito hindi ko sinasagot dahil badtrip ako sa kan'ya.
"Akala ko hindi mo na ako kakausapin eh." may bakas na tuwa sa tinig ni Lolo. Napairap ako, ramdam ko naman sa tabi ko si Levi.
"I still hate you Lolo." nakangiting sambit ko.
"Hate ba yung nakangiti ka?" tanong nito, napalinga naman ako dahil nakangiti naman talaga ako.
"Nandito ka lang ba Lo?" tanong ko.
"Wala, napansin ko lang sa tinig mo." anito, sinamaan ko ng tingin si Levi ng nakikiusyoso sa usapan namin ni Lolo.
"Oh ba't ba kayo napatawag?" tanong ko.
"May matatanggap kang VISA and passport next week." sabi nito, umarko ang kilay ko, sinenyasan kong tumahimik si Levi at lumayo ako sa kan'ya.
"VISA? Passport? Next week? For what?" tanong ko. Napatingin ako kay Levi na ang sama ng tingin sa'ken.
"For you flight to Korea. Dahil may mga pipirmahan kang papel doon kayo ng kambal mo." anito, hindi ko ma-sink ang sinasabe ni Lolo.
"Papel?" tanong ko.
"Ipapasa ko na ang mana Apo at ngayon nakita ko na ang dalawang tagapagmana ko, oras na para magpirmahan ng kontrata." anito.
"Pag-iisipan ko Lo." tugon ko.
"Ok." tanging sagot ni Lolo. Bumalik ako kay Levi na ang sama ng mukha.
"What!?" inis na tanong ko, nakakaloko kasi ang mga tingin n'ya eh.
"Pinagtataksilan mo na agad ako ah." anito, gusto ko tuloy ihambalos yung mga paper bag sa mukha n'ya kaso 'wag na ang cute 'pag gan'yan.
"Oo! Inaagawan ka na ng Lolo ko!" sabi ko sa kan'ya.
"Humanda sa'ken 'yang Lolo mo." anito.
"Abnormal." bulong ko. "Tayo na ba? Makaselos wagas? At sa Lolo ko pa ah? Tuhurin kaya kita?" sabi ko sa kan'ya.
"Bakit hindi pa ba tayo?" tanong nito, umiling ako. "Ah? Bakit?"
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...