Chapter 79:

2.2K 49 0
                                    


CHAPTER 79:

-KINABUKASAN-

"Rain wake up...8:25 AM na." dinig kong sabi ni Kuya pero hindi ko naman narinig kung ano ang sinabe n'ya dahil bagong gising lang ako. Tumayo ako.

"I'm awake." tugon ko.

"I'll wait you." he said.

Inayos ko na ang sarili ko, kinalimutan ko na ang nakita ko kahapon.

Alam kong nawala na sa isip ko iyon.

Pero hindi mawawala sa puso ko 'yon.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Teka anong oras na ba? Medyo madilim kasi eh. Pero ok lang 'yan papasok pa din ako.

"Happy birthday!" bati ni Kin, napangiti ako dahil may suot itong party hat pero hindi s'ya naka-uniform kaya naman nangunot ang noo ko. "Don't you like what I did?" tanong nito at naupo sa tabi ko.

"Ba't hindi ka naka-uniform?" tanong ko.

"Aish, wala ka kasi kahapon. Walang pasok dahil sa unexpected meeting para sa sport festival sa September." sabi n'ya tumango naman ako. Bakit pa ako ginising ni Kuya? Abnormal tsk.

"Eh ikaw bakit ka naka-uniform?" tanong n'ya. -__-

"Kasi akala ko may pasok." sabi ko.

"So paano kung may pasok? Papasok ka pa din?" tanong n'ya.

"Hmm. Maaga pa naman eh." sabi ko napatingin pa ako sa glass wall sa likod bahay.

"Pfft!" pigil na tawa n'ya, dahilan para kunot noo ko s'yang tignan.

"Wae ire!?" inis na tanong ko.

"It's just you're so early!" aniya. Umarko ang kilay ko.

"Walang masama kung maaga akong papasok Kin." pagtataray ko.

"Maaga ka para bukas! 8:30 na!" sabi n'ya saka humagalpak ng tawa. Eh? Akala ko alas singko palang -__-.

"Edi baka hindi pala matutuloy ang flight? Mukhang uulan eh." sabi ko. Laging ganoon nalang sa birthday ko, kung hindi ulan o ambon bagyo. Kabadtrip.

"Mawawala 'yan after 10 AM." sabi n'ya. Tumayo naman ito at nagtungo sa ref.

"Ba't alam mo?" tanong ko. Kinuha naman nito ang cake na nasa ref. saka lumapit sa'ken.

"Nanonood kasi ako ng balita." sagot nito, inilapag n'ya ang cake sa tabi ng plato ko. Nakalagay. 'Happy 18th birthday Rain' debut ko na pala?

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon