Chapter 70:

2.4K 61 0
                                    


CHAPTER 70:

 

Luis's POV

 

"Hahaha! Matatauhan din ang dalawang 'yan." si Andy, nandito kasi kami ngayon lahat sa room namin pwera kay Levi na nasa MHA Park ngayon.

"Aba basta ako, kukuin ko s'ya kay Levi 'pag pinaiyak n'ya ulit si Rain." utas naman ni Ellie.

"Ano kaya ang nangyari sa dalawang 'yon? Hindi kaya sinaktan din ni Levi si Rain gaya ng ginawa nung Allen?" tanong naman ni Halli. Kahit ako hindi ko mahulaan. Oo nga ano! Sino kaya ang Allen na 'yon?

*UBO*

*UBO*

Napatingin kami kay Andy ng bigla itong ubuhin. Napangiti ako.

"Ano kaya ang kalokohan ng Allen na 'yon?" sabi ko pa.

*UBO*

 

"Humanda rin sa'ken 'yon! Napakabata pa nila parehas tapos nagloko na agad s'ya?" biglang lumakas ang ubo ni Andy dahilan para 'pag hinalaan ko s'ya.

"Andy may gusyo ka bang ikwento sa'men?" tanong ko kaya napatingin sina Ellie sa kan'ya.

"W-Wala!" he demanded.

"Hoy! Andy sa tingin mo hindi ko napapansin 'yang paubo-ubo mode mo? Ikaw si Allen 'no!" utas ni Devon natahimik kami at hinihintay s'yang magsalita, napabuntong hininga ito, senyales na wala na s'yang magagawa kundi ang magsalita.

"Ako nga." tugon nito. "Pero hindi ko naman intention na lokohin s'ya!" depensa n'ya sa sarili n'ya bago pa kami mag-react. "Kasalanan n'yo naman kasi kung bakit ako napalapit sa kan'ya." biglang bintang n'ya.

"Hoy anong kami!? Hindi nga namin kilala si Rain noon!" atungal ni Ellie.

"Pwes ako kilala ko na s'ya, lagi ko silang nakikita sa forest park kasama ang mga kaibigan n'ya pati ang kakambal n'ya." kwento nito.

"Oh tapos anong konek at bakit kami ang sinisisi mo?" sabat ni Kyle. Nandito pala s'ya.

"Kung hindi n'yo kasi ako pinagti-trip-an noon at kung hindi n'yo inuutusan si Levi na kunin ang mga candy ko hindi ako maghahanap ng ibang kalaro!" aniya, napangiti ako ng maalala ang mga kalokohang iyon. Ako ang pasimuno sa lahat ng kalokohan noon. Ako ang nag-uutos kay Levi na kunin ang candy ni Andy, ako ang naglalagay ng ipis sa mga sapatos nila bago pumasok sa school kaya iiyak sila bago pumasok.

Tapos sinasabit ko ang mga brief nila sa puno ng bayabas. Minsan bago matulog ay nilalagyan ko pa ng langgam ang higaan nila. LT nga paggising nila may Kissmark! Hahaha!

"Ah, tapos sila na ang kalaro mo? Kaya pala lagi kang wala sa inyo noon eh." si Devon.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon