CHAPTER 29:
"Marami ang makakakita at baka awayin ka nila." paalala ko, wala din akong magagawa dahil hindi ko naman palaging makakasama si Rain. Ngumuso at basa mo sa mukha n'ya na 'tama ka nga', napangiti ako at nagtungo sa kotse ko. Pinagbuksan ko si Rain ng pinto, inirapan n'ya lang ako. Ayaw n'ya siguro ang pinagbubuksan s'ya.
Sumakay ako ng kotse at inayos ang seatbelt ko. Napatingin ako kay Rain na nakasimangot.
"Palagi ka nalang nakasimangot." puna ko.
"Paano kasi, parang nasa daily routine ko na dapat ay makita ko kayo ngayong araw." natawa ako sa sagot n'ya. Pinaandar ko ang kotse at saka nagtungo papunta sa Locus Mall. "Bakit nga kaya palagi nalang kayong nagpapaikta sa harapan ko at susulpot sa kung saan?" tanong n'ya, simpleng tanong na hindi ko mahanapan ng sagot. Masyado ba s'yang tanga o nagtatangahan? Hindi n'ya ba napapansin na apat kaming lalake na nagkakagusto sa kan'ya?
"Malay ko." ang tanging tugon ko, gusto ko sana s'yang ayain na pwede ko ba s'ya maging partner. Aktong bababa ito, kaya naman naglakas loob na akong hawakan ang kamay n'ya na halatang ikinagulat n'ya.
"M-May sasabihin ka pa ba?" tanong nito.
"Ahm... may kapartner ka naba?....kung wala pa, Can you be my partner?" sinserong usal ko.
"Hehehe." natawa s'ya na parang hindi alam ang isasagot. "P-Pasensya na Halli p-pero may k-kapartner n-na ako." naiilang na sagot n'ya. Naging awkward ba ako? Sino naman kaya ang kapartner n'ya? I'm absolutely sure na hindi pa s'ya naaaya ng mga pinsan ko dahil magdamag kaming magkakasama kahapon at kanina.
"Ganon? Ayos lang." sagot ko at bumaba na din ng bumaba s'ya.
"I think free naman si Keisha." panrereto n'ya sa kaibigan n'ya.
"Na. no thanks." nakangiting tanggi ko.
"Grabe makatanggi wagas? Ansama mo sa kaibigan ko ah." natatawang depensa n'ya.
"Ayoko ng madaldal eh." natatawang sambit ko. Akmang papasok na ako sa Mall pero pansin ko na hindi sumunod si Rain kaya nilingon ko s'ya. "Ayaw mo ba?" tanong ko pa.
"Hindi naman pero hindi ko kasi trip kumain sa mga restaurant eh." sabi n'ya.
"Edi ikaw bahala, saan ba gusto mo?" tanong ko. Pansin kong lumilinga-linga ito kaya ginaya ko s'ya. Pansin ko na nasa isang parang kainan na simple ang tingin n'ya. May kung anong kilabot akong naramdaman sa katawan ko. Don't tell me...
"Doon tayo." bumagsak ang balikat ko ng maging tama ang hinala ko. Ayoko sa lahat ay yung kakain ka sa mga gan'yan dahil kung sino-sino lang ang mga nakakatabi ko.
*SIGH*
Naku ka Rain, kung wala lang akong gusto sa'yo iniwan na kita mag-isa dito.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...