Chapter 56:

2.5K 66 2
                                    


CHAPTER 56:

Umiyak ako dahil pakiramdam ko ay binalewala n'ya ako.

-

-

-

-

-

Nangmahismasan na ako sa pag-iiyak-iyak ko ay nakaupo pa din ako. Should I tell them the truth that I already remember them? Or should I keep it as a secret? Isesekreto ko nalang sa mga magpipinsan at kay Keisha at Kuya Ran ko nalang sasabihin. Tama! Tumayo na ako dala ang dextrose at umakyat uli sa kwarto. Nakita ko na wala na ang mga nakakabanas na mga reporter. Binuksan ako ang pinto at lahat ay napatingin sa'ken, tumingin si Levi pero nag-iwas ako. Nakita ko si Kuya na nakaupo sa isang single sofa at nakatulala sa bintana. May nakaharang na pader kung nasaan ang higaan naming dalawa ni Levi at kung saan ang nagmumukhang sala.

I missed my twin brother! Lumapit ako ng dahan-dahan at niyakap ito. Naramdaman ko ang igtad ng katawan n'ya siguro ay dahil nagulat ito, tinanggal ko ang yakap ko kaya tumingin si Kuya na parang gulat pa, ngumiti ako.

"Bogosipeo, Oppa." sambit ko. Ngayon ko lang din nalaman na marunong pala ako magkorean. Nanlaki ang mata n'ya. Nilagay ko ang himtuturo ko sa bibig ko. "You should be quite Kuya Ran." bulong ko. "Kuya gusto ko ng ma-discharge." sabi ko. Ayoko kasing matagalan pa rito lalo't kasama ko si Levi. Iniinis n'ya ako at sinaktan n'ya ako.

"Wait here." anito at saka mabilis na lumabas. Pagkatingin ko sa likuran ko kung nasaan ang higaan ko ay nakita kong nakatayo na si Keisha doon. Ngumite ako at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko.

"Shush." sabi ko. Parang tanga na tumango ito dahil hindi n'ya ako naintindihan at ang punto ko. Pumunta ako sa higaan ko at nahiga doon.

"Rain..." napatingin ako kay Halli na s'yang tumawag sa'ken. Ngingiti sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. Magpanggap ka Rain.

"Ano?" seryosong tanong ko.

"Kalimutan mo nalang ang sinabe ng mga reporters sa'yo kanina." anito, umarko ang kilay ko.

"Ano?" tanong ko.

"Yung kanina, na sinabe nila na girlfriend kita." anito, napatango ako ng maalala ko nga 'yon kanina.

"Ok lang." pagtataray ko. Maya-maya lang ay dumating na si Kuya Ran. Nakanguso itong lumapit.

"Bukas pa daw eh." anito. Pansin ko sa mga mata n'ya na nagtatanong ito.

"Saka na." tipid na sagot ko. Nagbasa ako ng magazine dahil bored na ako. Ramdam kong nakatingin si Levi kaya hindi ako tumitingin sa kan'ya. Pakialam ko sa'yo? Hmp. Bahala sa buhay mo, panindigan mo ang sinabe mong kolokoy ka.

-

-

-

-

Alas siyete na ng gabi...si kuya ay nakikipag-usap at kwentuhan sa mga magpipinsan. Si Keisha naman hindi ko pinapansin dahil baka mag-ingay ito bigla. Nang biglang napatingin ako at si Keisha sa pintuan. Si Kendle!

"Rain." tawag nito. Hindi ko maiwasang hindi ngumite dahil ngayon ay naaalala ko na s'ya, bihira ko lang makita ito dahil busy s'ya sa college life n'ya. Siniko ako bigla ni Keisha kaya tinignan ko s'ya ng masama. 'HALATA KA UY!' basa ko sa mga mata n'ya ngumuso lang ako. Inosenteng tinignan ko si Kendle.

"Mmm?" tugon ko.

"Hindi ka pa din pala nakakakilala?" anito. Narinig ko ang pagtikhim ni Ellie na bahagyang ikinagulat ko. Hindi ko na sinagot pa ang tanong na 'yon ni Kendle at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon