CHAPTER 49:
Rain's POV
"Oo, pero ang huli kong naalala ay yung magre-review ako ng notes tapos may biglang pumasok sa isip ko na Ran. May kakilala ba tayong Ran?" tanong ko, bakas sa mukha n'ya na nagulat ito sa tanong ko. Kahit naman ako eh. Kasi 'yung Ran sa panaginip ko yata 'yon. Nakita ko s'ya pero walang mukha hindi ko din malaman kung babae ba s'ya o lalaki.
"Ok class. Get your one half index card and let's start." biglang sabat ni Ma'am. Kaya kahit gusto ko pang malaman ang sagot ay napilitan nalang akong kumuha ng index card.
Nagsimula na ang quiz......
Ang tahimik ni Keisha hanggang sa matapos ang klase kaya mas napili kong manahimik nalang.
"Rain, hindi ka muna papasok, sinabihan ko na si Ate Pia at si Boss mo sa Coffee shop. Hindi daw nila kakaltasan ang sahod mo." sabi ni Keisha.
"Bakit aabsent pa ako sa trabaho?" kunot noong tanong ko.
"Rain naman, makinig ka naman kahit isang beses oh, magpahinga ka na muna." aniya at mababakas sa mukha n'ya ang pag-aalala inambahan ko lang s'ya.
"Oo na! Drama nito." napipilitang sagot ko. Ngumiti s'ya na para bang naginhawaan sa sinabe ko. Sinukbit ko na ang bag ko at saka kami lumabas ng room saktong paglabas ko saktong napababa din si Levi sa hagdan. Inirapan ko lang s'ya at naglakad na ako. Nakita kong nakangiti si Keisha kaya binatukan ko ito. "Tawa sige." inis na sabi ko.
"Hihihi I'm just happy." aniya. Nauna na ako sa kan'ya sa parking lot.
---***---***---***----
Pagkauwi ko, nakita ko si Mama na nanonood, pinasadahan n'ya ako ng tingin sa unang pagkakataon kapag umuuwi ako. Hindi ko na s'ya pinansin at umakyat na ako sa kwarto ko.
-
-
-
Pagkabihis ko ng damit ay naupo naman ako sa study table ko para magbasa...nang makita ko ang litrato...napahawak ako sa ulo ko dahil parang kumirot iyon.
'Mommy!'
'Daddy'
'Pa! Ang sakit ng ulo ko Papa!'
Bakit kaya ako umiyak? Itinupi ko ang pahina para hindi ko na makita pa 'yon, at sinimulan na ang pag-aaral.
'Yan Rain mag-aral ka para parehas tayo maging doctor paglaki naten.'
"Ah..." mahinang ungol ko nang may pumasok na naman sa utak ko. Hindi ko na pinansin ang pangingirot ng ulo ko at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...