Chapter 84:

2.3K 47 1
                                    


CHAPTER 84:

Ana's POV (first time!)

"Sabi ni Khisha." sabi ni Patchot. Nandito kami ngayon sa field, panghapon kaming apat kaya wala si Khisha. Samantalang si Elisha akala mo whole day masubaybayan lang si Kin -__-'

"Oo nga kahapon! Unli lang te?" si Karla.

"Puntahan kaya natin?" sakto namang dumating si Elisha. *HIKAB*

"Ayoko inaantok ako." tugon ko.

"Sinong pupuntahan?" tanong ni Elisha.

"Sina Ran. At anong inaantok? Ang sabihin mo ayaw mo lang makita si Ran! Asus one-sided nga naman oh." si Karla, ang sarap pasakan ng maduming medyas ang madumi n'yang bibig.

"Alis na'ko." sabi ko at sinuot ang earphones ko.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" pahabol na tanong ni Karla.

"Gagawa ng assignment." sagot ko at binilisang maglakad, malayo naman talaga ang sagot ko sa tanong n'ya eh. ~O~ inaantok ako. *HIKAB*

"Nga pala!" biglang sabi ko ng nasa gate na ako bibili pa nga pala ako ng bagong relo.

-Locus Mall-

"Good afternoon Ma'am gusto n'yo pa bang..." *ILING*

"Good afternoon Ma'am.." *ILING*

Ano ba 'yan maiingay talaga ang mga saleslady kainis. Nagtungo ako sa Mr. Gadgets...pagkapasok ko binate naman ako nung guard. Napapailing na naghanap ako ng relo, nasira kasi yung bago kong bili last week nadaganan eh hehe.

Nang may mapili na ako ay mabilis akong nagbayad at lumabas bitbit ang relo.

"Ay!"

"S-Sorry Miss." ani nung lalake at dinampot ang nalaglag na paper bag yung pinaglalagyan ng relo ko. Pagkaliko ko kasi may nakabunggo sa'ken.

"Ellie?" sabi ko ng makita ang mukha n'ya.

"Ikaw si Ana?" paniniguro n'ya kaya naman tumango lang ako sabay tanggap ng paper na pinulot n'ya.

"Salamat." sabi ko, tinanguan naman n'ya ako at saka nagsimula na itong maglakad palabas. Nagkibit balikat lang din ako saka lumabas.

"Sumama ka kung ayaw mong mamatay." napahinto ako sa tangkang pagpasok ko sa kotse ko ng may magtutok ng patalim sa leeg ko. Hayop 'yan natunton agad ako ng mga kolokoy? ~O~ *HIKAB* wrong timing naman ang paghikab ko. Lahat ay napatingin sa kana.

"A-Ana?" sambit ni Ellie na kadadating lang. nanlaki ang mga mata nito ng bigla s'yang tutukan ng baril.

"Isama na 'yan." ani ni Stephan na s'yang may hawak sa leeg ko. Nakangiti ako ng bihagin ito at ilapit sa'ken.

"A-Anong nangyayare?" tanong nito.

"Hindi ko din alam eh." sabi ko.

"SAKAY!" utos ni Stephan at saka kami pinasakay sa likod ng isang puting Van. Piniringan nila si Ellie, ba malamang dadalihin nila kami sa lugar kung saan ako at itong mga goons lang ang nakakaalam.

"Hindi ba kayo natatakot kay Daddy kapag nalaman n'ya ito?" tanong ko sa lalakeng nakaupo katabi ni Ellie.

"Ikaw lang naman kasi ang kailangan ng totoo mong Ama." patungkol ni Stephan kay tito, epic din nila eh anong daddy? Mga tanga.

"Bobo ba kayo? Nakita n'yo ang resulta ng DNA test at hindi ako ang anak n'ya. Nababaliw lang s'ya." sabi ko, nakikpagkwentuhan lang ako habang sinisimulan ko ng tanggalin ang nakatali sa kamay ko.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon