PROLOGUE (Page 1)

801 30 4
                                    

March 1, 1949

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


March 1, 1949

Labis ang galit at inggit ni Vicente Tolentino sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Josefino Tolentino Jr. dahil sa kaniya minana ang halos kabuuang kayamanan ng kanilang Ama.

Siya nalang palagi! Siya nalang lagi ang tama. Siya na ang magaling, sa kaniya nalang lagi napupunta ang lahat ng atensyon. Pinakawalan ko rin si Angelita dahil sa kaniya. Lahat nalang inaagaw niya saakin. Lahat nalang sa kaniya napupunta!

Tiim-bagang niyang pinapakinggan ang sinasaad ng abogadong kanilang kaharap ngayon. Kanina niya pa pinipigilan ang kaniyang inis.

"Josefino Tolentino Jr. Ibinilin sa akin ng iyong Ama na sayo ipamana ang walungpong porsiyento ng kayamanan niya."

Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. Mas lalong humigpit ang pagkakuyom niya sa kaniyang mga kamao, "Walungpong porsiyento!?"

Tumango ang abogado at tumingin kay Vicente, "Ibig sabihin, dalawampong porsiyento lang ang maipapamana sa iyo."

Napapangiting napapakamot ng ulo si Josefino. Maging siya ay hindi rin makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Parang masiyadong malaki naman ata ang walungpong porsiyento. Paano naman si Vicente? Bakit dalawampong porsiyento lamang ang sa kaniya?"

"Hindi ko alam," magalang na napailing ang abogado, "Iyon ang ibinilin sa akin ng inyong Ama. Sinusunod ko lamang ang kaniyang huling habilin." Napapabuntong hiningang dagdag nito.

Galing sa mayamang angkan ang apelidong Tolentino. Si Josefino Tolentino Sr. na Ama nila Vicente at Josefino ay nagmamay ari ng napakaraming kayamanan.

Bukod sa mga mansyon, nagmamay ari rin siya ng napakaraming hacienda sa probinsiya ng Samar, Leyte. Kilala ang kanilang Ama sa pagiging matulungin at mabuti kaya naman itinalaga siya ng mga tao na maging alkalde ng buong probinsiya.

Nauna nang pumanaw ang kanilang Ina na si Maria Versosa Tolentino dahil sa karamdaman kaya naman mag isang tinaguyod ni Josefino ang kaniyang dalawang anak.

Nagtataka si Vicente dahil maganda naman ang trato sa kaniya ng kanilang Ama noong siya ay bata pa lamang ngunit nang tumungtong siya sa edad na desi-otso'y tila nagbago ang ihip ng hangin.

Hindi na niya muling naramdaman ang pag aaruga sa kaniya ng kanilang Ama at ang buong atensyon nito ay napupunta na sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Hindi naman ata tama iyon! Si Josefino nalang palagi!" Nanginginig na ang kaniyang panga sa hindi na mapigilang galit.

Kaysa makasakit, pinili nalang niyang umalis nalang. Ilang beses siyang napapabuntong hininga habang binabaybay ang pasilyo ng kanilang mansyon hanggang sa mapako ang kaniyang mga paa sa labas ng silid ng kanilang mga katulong.

"Kaya pala ganun nalang kung tratuhin ni Don Josefino si Vicente."

"Kaya nga. Dati hindi naman siya ganoon sa kaniyang bunsong anak. Mabait na bata rin si Vicente, nakakalungkot lang dahil hindi pala siya tunay na anak ni Don Josefino."

Nag igting ang kaniyang panga. Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan at pakiramdam niya'y nabagsakan siya ng isang napakabigat na bagay sa kaniyang ulo.

Hindi na niya napagilan pa ang pagdausdos ng kaniyang mga luha dahil sa sakit at inis na nararamdaman.

"Si Vicente pala ay anak sa labas ni Don Josefino. Grabe! Naaawa ako para kay Vicente."

"Nalaman kasi ni Don Josefino na nagtaksil si Donya Maria at ang naging bunga ay si Vicente."

"Hay... matagal ko na ring narinig iyan ngunit ayaw ko na lamang magsalita. Hindi ko gusto saktan ang loob ni Vicente. Naaawa ako para sa batang iyon."

Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pinto. Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan kahit pa na ayaw na niyang marinig pa ang pinag uusapan ng mga ito. Halos unti-unting na ring nawawasak ang kaniyang puso sa mga narinig.

Hindi pala ako tunay na anak ni Ama. Kaya naman pala, isa lang pala akong pagkakamali. Kung tutuusin, basura lang pala ako sa bahay na ito.

"Ginoong Vicente!?" Gulat na saad ng isang katulong nang maabutan siyang nakatayo sa labas ng silid ng mga ito.

Nagulantang ang lahat ng nasa loob dahil sa narinig mula sa isang katulong. Para silang nabato sa kanilang mga puwesto.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at pinilit na magpakahinahon. "Tama ba ang lahat ng narinig ko?" Gusto na niyang manakit ngunit pinipigilan niya ito.

Hindi sumagot ang mga katulong bagkos ay nagsiluhod ito sa harap ni Vicente. Lahat ay yumuko at halos halikan na nila ang sahig.

Nagsisisi ang mga katulong kung bakit pa nila pinag usapan ang tungkol sa pamilyang Tolentino. Pakiramdam nila'y hinukay na nila ang kanilang sariling mga libingan dahil sa kasalanang ginawa.

"Sumagot kayo!" Napasigaw na ang kaninang mahinahong Vicente.

Dumausdos muli ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at parang gusto niyang manakit, saktan ang lahat ng nasa kaniyang paligid maging ang kaniyang sarili.

"Patawarin niyo po kami Ginoong Vicente. Patawarin niyo po kami..."

"Kung hindi ko kayo narinig, hindi ko pa malalaman. Nagsisekreto kayong lahat saakin!"

"Patawarin niyo po kami—" naputol ang sasabihin ng Mayor Doma nang biglang malakas na napatawa si Vicente.

Napakunot ang kanilang noo ngunit nanatili parin ang kanilang pagkatakot. Parang sinaniban ng masamang espiritu si Vicente dahil sa kakaiba nitong pagtawa.

"Magsilayas na kayo kung gusto niyo pang mabuhay ng matagal!" Huminto ito sa pagtawa at biglang nanlaki ang mga namumulang mga mata.

Takot na nagsitayuang agad ang mga katulong at mabilis na nagsiempake ng mga damit. Dali dali silang nagsilabasan sa masyon. Nanginginig sa takot na nilisan nila ang mansyong pinagsilbihan ng halos sampung taon.

Nanlilisik ang mga mata ni Vicente ngunit nanatili itong nakangiti. Patakbo siyang lumabas ng masyon upang puntahan ang kaniyang pamilya.

Sinalubong siya ng kaniyang asawa. Nag aalalang tinignan siya nito, "Bakit ganyan ang iyong itsura?"

Nginitian at mahigpit na niyakap niya ito. Nagulat naman ang kaniyang asawa dahil malamig kung siya'y tratuhin ni Vicente nitong mga nakaraang araw at ngayon ay bigla bigla nalang yayakap sa kaniya.

"Wag kang mag alala, saatin mapupunta ang lahat ng kayamanan ni Don Josefino." Bulong niya sa asawa.

Nagtatakang ginantihan nito ng yakap si Vicente'ng kaniyang asawa. Imbes na maging masaya sa mga narinig ay kinalabutan pa ito.

Bumitaw si Vicente at masayang tinawag ang anak, "Esmeralda, nandito na ang iyong napakagwapong Ama!"

Nabahala ang kaniyang asawa sa kaniyang kinikilos. Ano kayang mayroon sa lalaking ito? Parang bigla nalang nagbago ang kaniyang kondisyon.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon