Hi po sa mga silent readers! Enjoy!❤️😍
***
"Ganito yung magandang surroundings. Yung hindi maingay, maaraw pero hindi mainit tsaka mahangin. Puro green, brown at blue lang ang nakikita." Komento naman ni Rico habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
"Sinabi mo pa Bro! nakakastress na medyo yung paligid sa Manila. Mainit at polluted. It's time to rest naman!" inunat pa ni Kurt ang kaniyang mga braso saka niyakap si Mika.
Napalingon si Rico sa tahimik na kaibigan na si Carlos. Nahuli niya itong nakatingin sa dalawang si Janine lalo na kay Diana. Napangisi siya at bahagyang nilapitan ang kaibigan. Pasimple niyang tinapik ang balikat nito.
"Bro, dahan dahan lang. Baka matunaw." Nakangising bulong niya. Natauhan si Carlos at patay malisyang tumingin kay Rico. "Akala ko ba hindi mo na siya gusto? Kinain mo rin ba sinabi mo noon Carlos?"
Napalunok siya. "H-Hindi ko na nga siya gusto,"
Humarap ito sa kaniya, "Sinabi ko yun dati nang makilala ko si Abi, nabura yung feelings ko para sa kaniya and I started liking Abi pero when I confirmed na wala akong pag asa kay Abi, I gave up. Nagmove on na ako kasi mas lalo lang akong masasaktan. Pero... alam mo Bro?"
"Ano?" hindi makapaghintay na tanong ni Rico sa kaibigan.
"Nung gabing lasing si Diana... Nagconfess siya ng feelings para sa akin." Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa masayang mukha ni Diana. "parang may naramdaman akong kakaiba. Naconfuse ako tapos I kissed her para alamin kung may natitira paba akong feelings sa kaniya..."
Nanlaki ang kaniyang mga mata, "What the!? You kissed her?" napatingin ang lahat sa kaniya nang mapalakas ang kaniyang boses. Napatikom si Rico sa kaniyang bibig.
"Uy! Sino yan? Bat wala akong alam?" pakikiosyoso ni Kurt habang pilyong napangiti. Lumapit ito sa mga kaibigan at umakbay sa dalawa.
"W-wala men!" kabadong tugon ni Carlos. Mas lalo siyang kinabahan at nahiya nang mapagtantong nakatingin rin pala si Diana sa kaniya.
"Wala Bro! napakatsismoso mo naman. Naglolokohan lang kami ni Carlos dito." Pagtatakip ni Rico sa kaibigan. Tinapik niya ang balikat ni Carlos, "Sorry Bro! napalakas ata. Hehe" bulong niya.
"Ano ba naman yan Bro!? damot niyo naman. Hayaan niyo boys talk naman to kaya atin atin lang."
Nagtaka ang mga kababaihan. Bahagyang napayuko si Diana. Tila may kaunting kirot siyang naramdaman nang marinig ang gulat na isinaad ni Rico kanina.
Malamang ibang babae yun! Nag aassume nanaman ako e, sa panaginip ko lang naman nangyayari yung mga ganung bagay.
"Ate Abi!" Sigaw ng tumatakbong bata papalapit sa kanila. Kasama na nito ang kaniyang mga magulang.
"Yan na pala sila!" masayang saad ni Abi. "Magandang umaga po, Tay Ernes, Nay Louis. Ito po yung mga kaibigan ko, si Mika, Janine, Diana, Kurt, Carlos, Reymundo in short Amanda at Rico." Saad niya habang tinuturo ang mga kaibigan.
"Magandang umaga po!" pagbati ng magkakaibigan.
"Magandang umaga rin sa inyo! Nako, pagpasensiyahan niyo na kung medyo natagalan kami sa paglabas. Pinaghahandaan kasi namin ang pagdating niyo." Ngumiti ang ginang. "Hali na kayo! Welcome na welcome kayo dito sa amin!" saad naman ng asawa nito.
Iginaya sila ng mga ito papunta sa gitnang bahagi ng palayan. Doon ay mayroong kubo na hindi kalakihan. Maraming puno rin doon na nagsisilbing silungan. Ngumiti nang pagkalaki laki ang batang lalaki at inalalayan ang hinahangaang Ate.
Medyo maputik ang kanilang nilalakaran, mabuti nalang at nakatsinelas lang ang magkakaibigan.
"Maupo muna kayo dito. Mag aasikaso lang ako saglit sa loob." Paalam ng ginang. Nagsitanguan naman ang lahat. "Tutulong po kami sa inyo." Suhestiyon ni Janine at Abigail. Ngumiti ang ginang at tumango bilang tugon.
"Tulong na rin kami." Saad ni Rico.
"Dyan nalang kayo. Makipag usap nalang muna kayo kay Tay Ernes." Saad ni Abi bago tuluyang pumasok sa kubo. Nagsipag upuan sa tapangko ang natirang magkakaibigan. Binati nila si Mang Ernes.
"Pagkakagandang lahi ninyo mga dodong at Ineng. Sa Maynila kayong lahat nakatira ano?" nakangiting tanong ng matanda. Nasa edad kwarenta na ang magkasintahan at sampung taong gulang naman ang kanilang anak.
"Hindi naman po." Mapagkumbabang saad ni Mika.
"Opo taga Manila po kaming lahat. Malapit na po kasi ang birthday ni Abigail kaya naisipan niyang dalhin kami dito sa Batangas bilang pabirthday. Maraming salamat po sa pagtanggap sa amin." Dugtong niya pa.
"Walang anuman. Malaki ang utang na loob naming mga taga San Jose sa pamilya nila Abigail. Halos lahat ng nakatira dito sa amin ay tinutulungan nila. Itong palayan na to," tinuro niya ang pagkalawak lawak na palayan. "Kung hindi dahil sa pamilya nila, wala saamin to ngayon."
"ahh... totoo nga po talagang mababait sila Abi."
"E tay, matanong lang ho, bakit parang kayo lang po ang narito sa palayan? Wala po ba kayong ibang kasamahan?" singit ni Carlos.
"Marami kami dito sa palayan. Wala lang yung mga kasamahan namin ngayon kasi nandoon sila sa San Lorenzo para ipadala yung mga bigas tapos yung iba maraming ginagawa."
"Ahh... Ganun ho ba. Ilang taon na po kayo dito sa palayan?'
"Simula bata pa lang ay nandirito na kami mahigit tatlongpung taon na. Sa mga angkan ko ang lupain na ito pero dahil sa marami silang utang pati itong palayan nabenta na nila dahil sa wala nang pambayad. Marami kaming masasayang alaala dito kaya masakit samin ang mawala ang palayan mabuti nalang talaga at may ginamit ang Diyos para tulungan kaming mabawi itong palayan."
"God is good talaga!" Biglang kumento ni Reymundo.
Napangiti si Mang Ernes, "Maiba tayo, kayo ba ay mga nobya at nobyo na?"
Napangiti rin silang lahat, "Sila lang po ang meron." Saad nila saka tinuro si Mika at Kurt.
"Kaya naman pala bagay na bagay itong dalawa sa isa't isa kasi magboyfriend at girlfriend na sila. E kayo? Bat wala pa kayong mga jowa?" napatingin ang tatang sa natitirang sila Reymundo, Carlos, Diana at Rico.
"Tay, out ako dyan." Saad ni Reymundo bago lumabas sa kubo. "Magseselfie muna ako sa labas." Bahagya namang napatawa ang matanda.
"Nako study first po." Napapangiwing sabi naman ni Diana.
"hay nako, sayang hija. Pagkaganda ganda mong dalaga. Kayo, nasa tamang edad naman na kayo, bakit hindi niyo subukang pumag ibig kahit minsan para naman kahit papaano maenjoy niyo ang pagiging teen ager niyo?"
Napakamot sa ulo ang tatlo. Napatingin si Diana sa kawalan dahil pakiramdam niya ay naaakwaran siya.
"Ikaw Hijo, bagay kayo nitong si, Sino ba ito?" Una nitong tinuro si Carlos. Napalunok siya nang ituro ng tatang si Diana.
"Si Diana po yan. Bagay na bagay po talaga yang dalawa! Masyado lang mabagal!" natatawang saad ni Kurt. Siniko siya ni Mika sa tiyan para patahimikin at agad naman siyang napirmi.
Napatawa ang Tatang, "Bat hindi mo siya ligawan Hijo?"
Hindi nakasagot si Carlos. Pinapakiramdaman niya ang katabi na si Diana.
"Biro lang ha. Baka mamaya sineryoso mo Hijo. Pero kung ako sayo, nako! Ligawan mo na!"
"Hehe." Tanging naitugon ni Carlos. Tikom naman ang bibig ng dalawang kaibigan. Nagkakahiyaan tuloy ang dalawa na si Diana at Carlos.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...