***
Year 2022,After all the challenges I faced, nakalagpas ako and thank God I'm still alive. Akala ko hindi na ako aabot sa kinalalagyan ko ngayon. Akala ko tuluyan na akong madedepress at magpapakamatay.
Matapos mamatay ni Kurt hindi ako tumigil sa paghahanap ng hustisya. Alalang-alala ko pa ang mga nangyari at ang mga naging imbestigasyon.
Nung araw na pumunta ako sa department store at umuwing inabutan ang malamig na bangkay ng magiging asawa ko, sobrang lungkot at galit ang naramdaman ko nun.
I was dying inside. Nalaman kong si Shaira ang pumatay kay Kurt. Nakita ko sa cctv kung paano siya pumasok sa loob ng unit. Naiwan kong nakasarado ang pinto kaya nakapasok siya. Sising-sisi ako n'un.
Inembistigahan ng pulis yung mga susunod na nangyari at nalaman nilang kumuha si Shaira ng kutsilyo sa kusina at naabutang niyang naliligo si Kurt. Walang awa niyang pinagsasaksak ang asawa ko lalong-lalo na sa leeg.
Gusto ko siyang sugurin, pahirapan at ilibing ng buhay dahil sa ginawa niya kay Kurt. Kung pwede lang gawin sa kaniya kung ano ang ginawa ni Hitler na pagpapahirap dati ginawa ko na sa kaniya.
Tinanong ko siya kung ano ang dahilan pero wala siyang sinasabi. Pero ang alam ko, hindi parin niya makalimutan yung ginawa sa kaniya ni Kurt. Ayaw niya lang umamin. Sobrang babaw naman ng dahilan niya para patayin si Kurt. Tungkol lang 'yun sa walang kwentang relationship na hindi inabot ng isang araw!
Simula nung lahat ng 'yun hindi ko nakikita 'yung sarili kong maging maayos ulit ang lagay. Sobrang sakit. Mas matindi pa sa pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko nalang mamatay at sumunod kung nasaan man si Kurt ngayon.
Araw-araw akong wala sa sarili. Nakakulong sa kwarto at paminsan-minsan lang kung kumain. Nasisi ko pa si Janine dahil iniisip ko nun na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Kurt dahil niligtas namin siya sa panganib.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi akong pinagsasabihan ng mama ko na ayusin ko ang sarili ko, para sa sarili ko at para narin sa magiging anak namin ni Kurt. Pero hindi ako nakinig at hindi ko 'yun ginawa.
Halos one month na ganun ang sistema ko. Nagising ako sa katotohanan. Tinignan ko 'yung tiyan ko na paunti-unting lumalaki. Narealize ko lahat ng pagpapabaya ko sa sarili ko.
Tinanong ko, "Anak, okay kapa ba?"
Tumingin ako sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Hindi na ako 'yung Mika-ng masigla, palangiti at approachable. Namayat ako at maga lagi ang mata dahil sa kakaiyak.
Hindi ako naawa sa sarili ko bagkus naawa ako sa batang nasa sinapupunan ko. Ang daming tanong na nagpop-up sa utak ko nun. Na kesyo magiging mabuti ba akong Ina? Na papatayin ko na rin ba ang anak ko dahil sa kapabayaan ko?...
Once narin akong muntik malaglagan and hindi na pwedeng maulit 'yun! I get up, inaayos ko ang sarili ko, pinilit kong maging masaya.
Nagkasundo ang magulang ko at magulang ni Kurt na papanagutan nila ang anak namin ni Kurt.
Kinailangan kong mag-stop sa pag-aaral para makabawi ng lakas at para narin maalagaan ko ang anak ko ng maayos.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...