CHAPTER 9

131 8 0
                                    

          Pinipilit magconcentrate ni Rico sa kaniyang exam papers ngunit paulit ulit na bumabagabag sa kaniyang isipan ang kasindak sindak na pangyayaring kanyang nasaksihan.

Kagabi pa siya ganito, wala sa sarili at madalas kung matulala sa malayo. Madalas kung mapabuntong hininga at madalas kung sambunutan ang sarili.

Napapikit siya ng mariin, yumuko at panandaliang nagdasal.

Lord, tulungan niyo po akong makapag isip ng maayos. Tulungan niyo rin po ako na makalimot sa nakita ko kahapon. Tulungan mo po ako sa aking exam. Marami pong salamat.

Inangat niya ang kaniyang ulo. Nagkaroon siya ng lakas ng loob matapos magdasal. Kaya ko 'to! Pagpapalakas niya sa sariling loob.

***

"Sana mataas ang makuha kong score..."

"Mataas 'yan! Tayo paba? Tsaka tiwala lang, igagrant ni Lord ang wish natin kasi humingi tayo ng gabay at gumawa tayo ng paraan para makapagreview." Nakangiting saad ni Janine.

Masigla niyang inakbayan ang nag aalalang kaibigan. Napatingin sa kanya si Diana at ginantihan siya ng matamis na ngiti.

Katatapos lamang ng kanilang exam. Maging si Janine ay kinakabahan rin sa magiging resulta nito. Ilang araw silang nagreview dahil doon ay hindi siya masyadong nahirapan kanina sa kanilang exam.

"Tara bes, punta muna tayo mall. Para makaparelax naman kahit papano." Suhestiyon nito.

Nakangiting sumang ayon si Janine sa naisip ng kaibigan. Pagkalabas nila sa Unibersidad ay nagtungo sila sa sakayan ng jeep saka pumunta sa kalapit na mall.

Doon ay namili sila ng kung ano ano. Mabuti na lamang at dala dala ni Janine ang kaniyang pitaka para makasabay siya sa kaibigan na panay ang gastos.

Pagkatapos nilang mamili ay nagtungo sila sa kilalang parlor. Doon ay nagpaayos sila ng buhok at nagpamanicure.

"Grabe, parang mas lalo ka atang gumanda, Diana. Anong meron?" Biro niya sa kaibigan.

Hinubad nito ang suot na salamin sa mata dahil pinalitan ito ng contact lens.

"Wala lang, gusto ko lang mag ayus-ayos." Kumapit ito kay Janine, "Tara." Saad nito at siya'y hinila.

"Uyy si Abigail oh!" Saad ni Janine nang makita si Abigail. Bahagyang napahinto si Diana sa paglalakad. Ayaw man niyang tignan ang isa pang kaibigan ngunit parang hinahanap ito ng kaniyang mga mata.

"Hi! Nandito rin pala kayo?" Salubong ni Abigail nang makalapit sa dalawa. Mas lalong napahinto si Diana nang makita ang lalaking nakasunod kay Abigail.

Kagaya ng nakaraang araw. Ibang iba parin ang awra ni Carlos kaysa sa nakasanayan lalo na't kasama niya si Abigail ngayon. Nakangiti ito na mas lalong kinagwapo ng kaniyang mukha.

"Carlos? Magkasama kayo?" Taka ni Janine nang makita rin si Carlos.

Napatulala si Diana sa binata. Agad na napaiwas siya ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Lumapit si Abigail sa dalawang kaibigan, "Medyo naiilang na nga ako e. Paano ba naman kasi 'tong si Carlos, nagpupumilit saakin na lumabas daw kami kahit saglit. Hindi naman ako nakatanggi, ayokong maging masama 'yung image ko." Bulong nito sa kaibigan.

Napalunok ng bahagya si Diana. Medyo nakahinga rin siya ng maluwag dahil wala naman itong ibig sabihin kay Abigail. Halata naman sa inaasta ni Abigail na napipilitan lang siya sa gustong mangyari ng binata.

"San na si Marcos?" Pag iibang bigla ni Diana sa usapan.

"Ah— nagkakalabuan na kami. Magbebreak narin soon. I don't know why pero pakiramdam ko fling fling lang ang habol niya saakin. Well, I'm not that kind of girl he wants to play with. Bahala siya sa buhay niya. Kaya nga I don't take relationship seriously because you know, ayokong magsayang ng luha sa kahit sinong lalaki. E, kung itong si Carlos ay may balak na manligaw, ayoko munang makipaglaro."

Bahagyang nagtaka si Diana. Ayaw niyang makipaglaro? Pero bakit nagkiss sila ni Carlos nung nakaraang gabi? May ibig sabihin ba 'yun? Fling lang ba 'yun?

Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kaniyang puso nang maalala nanaman ang gabing iyon.

"Ahm... Abigail, may itatanong lang ako, nasaan ka nung gabi ng Wednesday?" Tanong niya out of nowhere.

Nag isip si Abigail ng saglit, "Nasa bahay ako nun, nanunuod ng korean dramas, anong oras ba?"

"Mga around eleven. Nasaan ka?" Nagtataka itong napatingin sa kaniya. Napalunok siya ng ilang beses. Hindi niya nasisiguro kung aamin ba ang kaibigan.

"Ahm... Ano, s-sinundo ko si Carlos sa bar na pinagtatrabahuhan niya nung mga eleven pm. Pinasundo siya saakin ng mga kabanda niya kasi sobrang lasing na daw siya. Wala naman akong ibang nagawa. Hindi na ako nakatanggi. Nagtataka nga rin ako kung paano niya nakuha ang number ko, hindi naman kami close. May nagbigay ba sa inyo?"

Napatingin si Janine kay Diana, "Wala. Wala naman kaming pinagbigyan ng number mo."

"Hmm... Paano kaya niya nakuha? Nakaprivate naman lahat ng phone number ko kapag nilalagay ko sa mga social media accounts ko." Napakamot ito sa kaniyang ulo, "Bahala na nga. Sige babye, nakakahiya naman dito sa kasama ko."

"Sige, enjoy!" Paalam ni Janine habang kinakawayan ang dalawa habang ito'y papalayo.

"Iba talaga si Abigail. Maghihiwalay narin sila ni Marcos pero parang wala lang sa kaniya." Napapailing na saad ni Janine.

Napaawang ang bibig ni Diana. Mabuti pa si Abigail, laging may lumalapit sa kaniyang lalaki. Hindi naman ganun si Carlos sa mga babae maliban nalang kapag kay Abigail. Naiinggit ako sa kanya kasi 'yung lalaking nagugustuhan ko, hindi ko malapit lapitan. Hanggang sulyap nalang ako sa malayo.

"Diana, okay ka lang?" Nag aalala itong tumingin sa kaniya. "Bakit natulala ka dyan?"

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon