Napilitang umuwi ang magkakaibigan patungo sa Manila. Lahat sila ay tulala at wala sa sarili. Nais man nilang samahan ang yumaong kaibigan hanggang sa ito'y mailibing ngunit kinailangan nilang lumuwas upang hindi madamay sa gulo ng pamilya nila Abigail.
Nalaman sa imbestigasyon na ang bala na natagpuan sa gubat ay nagmatch sa balang nakuha kay Abigail.
At ang nagmamay ari sa balang iyon ay nagtugma sa baril na pagmamay-ari ni Magdalo. Ang dating nakaalitan ng mga magulang ni Abigail dahil sa usaping negosyo. Naayos na nila ang suliraning iyon dati ngunit nag-umpisa nanaman si magdalo sa pagbubulabog.
Kusa naman itong sumuko sa mga pulis ngunit nang siya'y tanungin ng mga pulis kung ano ang dahilan ay tanging sinasabi niya lang ay, "nawala siya sa sarili."
Hindi naniwala ang mga magulang ni Abigail at inisip nilang dahil nanaman sa negosyo ang pinamugatan ng pagkamuhi nito ngunit patuloy na tinatanggi iyon ng suspek.
Hindi lubos maisip ng magkakaibigan na sa isang iglap ay mababawasan ng isang miyembro ang kanilang circle of friends.
"Ngayon palang namimiss ko na si Abi. Nasanay na akong lagi akong may katabi dito sa harapan." Saad ni Reymundo.
Namaga ang mga mata nila Diana, Reymundo, Janine at Mika dahil halos isang buong araw narin silang umiiyak. Hindi talaga nila mapigilan lumuha sa tuwing maaalala nila ang namayapang kaibigan.
"Matalik ko na siyang kaibigan fourth year high school palang kami." Saad naman ni Janine.
"Kaming tatlo, sobrang saya namin. Ako, si Janine at Abi. Kahit na ibang-iba 'yung mga gusto at hilig namin kay Abi nagkakasundo parin kami. Ang sakit lang kasi hindi natin siya makakasama sa pagtupad ng mga pangarap natin." Napapaluhang saad ni Diana.
"Mamimiss ko 'yung kakulitan ni Abi. Kahit medyo maharot 'yun, mahal na mahal ko 'yung bruhang 'yun." Napapabuntong hingang saad ni Reymundo.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang magsalita si Mang Lito habang nagmamaneho, "Malapit napo tayo mga Ma'am at Sir, humihingi po ako ng dispensa dahil nadamay pa kayo sa gulong sinimulan ni Magdalo. Patawarin niyo po kami kung hindi namin nasure ang siguridad niyong lahat,"
Mang Lito sigh in a moment, "Masakit po saakin bilang driver nila Ma'am Maricel at Sir Gerald na mamatayan ng amo. Napakabait na bata si Abigail. Tinuring niya kaming kapamilya kahit na manggagawa lang kami sa bahay nila. Hindi niya kami trinatong alila. Halos magtatatlong taon na rin akong naninilbihan sa kanila at sa loob ng mga taon na 'yun napatunayan ko na mabait talaga ang pamilya sanchez,"
"Hindi ko lang mawari kung bakit may mga taong nagagalit sa pamilyang 'yun. Siguro ay dahil narin sa inggit. Marami kasi ang natutulungan ng mga Sanchez kaya marami ang tumatangkilik sa mga negosyo nila. Siguro 'yung mga kakompetensya nila sa negosyo ay naiinggit sa kanila kaya gagawa at gagawa ng paraan para masira sila."
Napamaang si Carlos, "E sir, diba ang sabi naayos na dati ang issue tungkol dun sa Magdalo at sa pamilya nila Abi? Bakit nagsimula nanaman?"
"Hindi ko sigurado, pero ang nabalitaan ko tungkol nanaman sa negosyo. Nagkaareglo na sila tungkol dun pero hindi ko talaga alam kung bakit nanaman sumibol ang galit ni Magdalo."
Ilang beses na napailing si Rico, "Iba talaga ang nagagawa ng inggit at galit."
Nang makarating sila sa harap ng Unibersidad ng Santo Tomas ay doon na huminto ang kanilang kinasasakyang van. Kinuha na nila ang kanilang mga bagahe at tinulungan sila ni Mang Lito sa pagbubuhat.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Ficção GeralTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...