***Abala sa pananaliksik si Diana. Tumayo pa siyang muli upang kumuha ng panibagong libro dahil kulang ang impormasyong kaniyang nakuha. Kasalukuyan siyang nasa library ng kanilang paaralan. Mag isa't tutok na tutok nanaman sa pag aaral.
"Lessen the proprietorship..." sinusulat niya sa kaniyang kwaderno ang bawat detalyeng kaniyang nababasa.
Kagaya ni Janine, BS in Accountancy rin ang kaniyang kinuhang kurso. Balak niya kasing maging CPA pagdating ng araw at dahil ito rin ang gusto ng kaniyang mga magulang para sa kanya.
Bata palang ay kilala na siya sa pagiging masipag at matalinong mag aaral. Mula elementary hanggang siya ay magcollege ay pinanatili niya ang matataas na grado.
Palasali siya mga paligsahang patalasan ng utak, madalas rin siyang makahakot ng maraming award sa kanilang paaralan. Hinirang siyang Valedictorian nang siya'y nagtapos ng elementarya at hayskul.
Habang abala ay nahagip ng kaniyang mata ang bagong pasok sa library na si Carlos. Gaya ng laging nakasanayan, mag isa nanaman ito. Nakaearphones, nakasuot ng jacket at nakapamulsa.
Bahagya siyang napangiti. Sa tuwing nakikita niya si Carlos ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Simula nang una silang magkita ay hinangaan na niya ito hanggang sa ngayon.
Mahitsura kasi ang binata bagaman ito'y tahimik at palaging nag iisa. Mahaba rin ang buhok nito na hanggang balikat ang haba. Nakaponytail pa ito kaya minsan ay aakalain mong babae kapag nakatalikod.
Ibinalik niya ang atensyon sa pag aaral. Masulyapan niya lang si Carlos ay buo na ang kaniyang araw.
Dahil sa pagiging palaaral ni Diana, hindi na niya nabibigyan ng atensyon ang kaniyang buhay pag-ibig at mga kaibigan kaya no boyfriend since birth ang peg ni Ate.
Napasulyap siyang muli kay Carlos. Nakita niyang umupo ito sa kalapit na upuan sa kabilang lamesa.
Napansin naman ni Carlos ang pagsulyap-sulyap niya. Ginantihan rin nito ang pagsulyap ni Diana. Napahinto siya dahil ito ang unang beses na tinignan siya ng binata.
"O my God!" Bulong niya sa sarili habang nakangiti.
Napalingon siya sa kaniyang nakalapag na cellphone nang ito'y magvibrate. Nakatanggap siya ng mensahe galing kay Janine na kanyang matalik na kaibigan.
"Sabay-sabay tayo mamaya sa cafeteria ha?" Saad ni Janine sa mensahe.
Agad siyang nagtipa ng mensahe bilang pagtugon, "Sige."
Ibinalik niyang muli ang atensyon sa pag aaral at panaka nakang napapatingin kay Carlos. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Siguro'y may sariling utak ang kaniyang mga mata.
***
"Abigail, saan mo gustong kumain mamaya pagkatapos ng class natin?" Tanong ni Marcos. Kasalukuyan silang naglalakad sa basketball court ng kanilang paaralan habang magkahawak pa ang mga kamay.
Napapakagat labi si Abigail sa tuwing mapapatingin siya sa nakasalikop nilang mga kamay.
"Kahit saan, pero dapat malapit lang dito sa University."
Napangiti ang binata. Binitawan nito ang kaniyang kamay at humarap ito sa kaniya.
"Oh, sige. Mauna na ako. Susunduin nalang kita mamaya sa room niyo."
Tipid siyang napangiti ngunit nabigla siya nang halikan siya ni Marcos sa kaniyang pisngi. Napayuko siya sa hiya at pakiramdam niya'y nagsisimula nang mamula ang kaniyang mukha.
"S-sige. Babye!" Kinawayan niya ito habang sinusundan ng tingin. Nakangiti niyang tinungo ang nasabing cafeteria para katagpuin ang mga kaibigan.
***
"OMG! Nandito si Papa Kurt Nathan!" Tumitiling saad ng baklitang si Reymundo. Magkakasama silang nagbreaktime sa cafeteria malapit sa kanilang paaralan.
Ngiting ngiti ito at walang pag-aalinlangang tumabi sa kinauupuan ni Kurt. Ito namang si Kurt ay tila walang nararamdaman dahil nakatuon lang ang atensyon sa babaeng kaharap nito ngayon.
Matalim ang mga tinging ipinupukol nito kay Mika at ganoon rin naman si Mika sa binata.
"Uyy! Anong nangyari dito sa dalawa?" Bungad ni Janine habang dala-dala ang tray ng sariling pagkain.
Umupo si Janine sa tabi ni Mika kasama si Abigail at Diana. Kagaya nito ay may dala-dala rin silang tray ng pagkain.
"Bat hindi pa kayo bumili ng mga pagkain niyo? Ano naghihintay pa kayong may bumili para sa inyo?" Sermon ni Abigail.
Biglang tumayo si Carlos sa kaniyang silya at dire-diretsong tumungo sa counter upang mamili ng pagkain.
Napakunot naman ang noo ng dalawang sila Abigail at Janine, "Ang cold talaga ng taong 'yun. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan 'yun nitong si Rico, ni wala ngang kinakausap ni isa sa atin."
Napangisi si Rico nang marinig ang isinaad ni Abigail, "Ano ba kayo? Ganyan talaga 'yang si Carlos. Tropa na kami nun. Hindi na kayo nasanay sa kaniya." Saad nito.
Nilantakan na nila Abigail at Janine ang kanilang biniling pagkain. "Bakit ba cold 'yun?" Biglang tanong ni Diana.
"Ah..." Napaayos ng upo si Rico, "Ganun na talaga 'yun simula bata. Galing kasi 'yun sa broken family."
Napatango-tango naman si Diana. Kaya naman pala...
"Hoy! Kayong tatlo! Reymundo, Mika at Kurt! Hindi ba kayo kakain ha? Puro kayo samaan ng tingin," untag ni Janine sa tatlo.
"Kulang nalang patayin niyo na 'yung isa't isa. At ikaw naman Reymundo! Tumigil-tigil ka nga diyan sa pagiging maharot mo!" Suway parin ni Janine.
"Eiiii! I want Papa Kurt e!" Pag iinarte ni Reymundo at nanatili itong nakapulupot sa matipunong braso ni Kurt.
Napabuntong hininga si Mika saka tumayo sa kinauupuang silya at tumungo narin sa counter.
"Bakla! Bumili ka na ng pagkain dun!" Suhestiyon ni Abigail.
Tumayo narin si Kurt, "Papa Kurt Nathan! Beke nemen, pede me ekeng belhen ng pegkeen! Pleasu!" Malandi pang ngumuso si Reymundo na tila nagpapabebe kay Kurt.
Inismiran lamang siya nito, "Bumili ka dun ng sarili mo." Saka ito naglakad papalayo.
"Papa Kurt naman e!" Pagmamaktol ng baklita. Wala itong nagawa kundi ang sundan nalang si Kurt sa counter.
Nagtawanan ang dalawang si Abigail at Janine, "Baklitang 'yun! Kaloka!"
Nagsikainan na ang lahat. Walang sinuman ang umimik sa magkakaibigan pero ang dalawang si Mika at Kurt ay nanatiling magkatapat habang panaka-nakang sinusulyapan nang masama ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Fiction généraleTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...