CHAPTER 50

77 4 0
                                    

***

"Nashookt ako sayo bakla ah? Bat bigla-bigla ka nalang nag-aya ngayon?" Tanong ni Veronica. Pinagmasdan nito ang sarili sa maliit na salamin.

"Verons, wala ng tanong-tanong okay? Baka biglang magbago isip niyan ni Amanda. Hindi pa tayo ilibre nyan ngayon." Saad ni Rowela.

Napairap sa kawalan si Reymundo. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso, "Pwede ba wag na magtatanong?"

Napakamot si Veronica sa kaniyang ulo, "Sorry naman Sizms. Curious lang."

Muli siyang napairap, "I feel so devastated right now. I need to enjoy my life and I don't want to stress myself for such thing na pwedeng sumira sakin. Let's enjoy this night at ayokong may magtatanong saakin kung ano ang nangyari sa bahay!"

Pumasok sila sa palaging pinupuntahan na night club at agad nag-order ng maiinom. Sagot ni Reymundo ang lahat ng gastos. Gusto niya magpakawasted ngayong gabi para makalimutan niya ng panandalian ang lahat ng nangyari.

Nag-away nanaman kasi ang mga magulang niya at nadamay pa siya sa gulo ng mga ito. Kaya imbes na magkagulong lalo ay mas pinili niyang pumunta sa night club.

Tinungga niya ang malaking baso ng beer. Wala siyang hinto-hinto sa pag-inom.

"Go Amanda! Ito Sis isa pa!" Nag-abot si Rowela ng isa pang malaking baso ng alak nang matapos ni Reymundo ang unang baso.

"Cheers!" Pinagtoast nila ang kanilang mga baso at sabay-sabay na ininom ang mga hawak na baso ng alak.

"Kaya nga mga sisters! Let's party and melt the stress away! Woah!"

Walang habas siyang nagsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan na mga binabae rin. Si Veronica at si Rowela na isang transgender.

They drink so much beer at nang matapos sa pag-inom ay nagtungo sila sa dance floor at nakihalo sa mga nagsasayawang tao.

"Hanap tayo mga yummies sis!" Suhestiyon ni Veronica.

Luminga silang tatlo sa paligid ngunit napangiwi si Reymundo nang wala namang makitang gwapo dito sa club.

"Wala namang mga yummies dito sis." Bulong niya kay Rowela matapos luminga sa paligid.

"Ano?" Napaharap sa kaniya ang kaibigan na abala sa pagsayaw, "Di kita marinig Amanda!"

Tinapik siya ni Veronica, "Keri nayan mga sisters!"

"Hay nako sumayaw na nga lang tayes!"

Makalipas ang ilang oras ng pagsasaya ay inabutan na sila ng pagkalasing. Halos hindi na sila makapaglakad ng maayos kaya naman napahiga na sila sa sofa na inuukupa nilang magkakaibigan.

"Sizms! We need to go home na. I think it's getting late na." Saad ni Veronica. Pinipilit nito ang sarili na tumayo nang matuwid. Mukha pa itong naduduwal.

"Tara na!" Tumayo narin si Reymundo at tinulungan ang dalawang kaibigan na makatayo.

Lumabas sila sa club habang inaalalayan ang isa't-isa. Nang makatungo sa kanto ay doon na sila nag-antay ng taxi'ng masasakyan.

"Kuya sa Jose P. Rizal lang." Saad niya nang makasakay sa taxi'ng kanilang pinara.

"Sis wag dito!" Anas niya dahil nahihita niyang mukhang maduduwal si Veronica.

Inis niyang pinasandal ang kaibigan sa kinuupuan. Napapapikit narin siya at malapit ng dalawin ng antok.

Tinapik niya ang mga kaibigan nang mamalayang dumating na pala sila sa kanilang destinasyon. Humugot muna si Reymundo ng pera sa kaniyang wallet at inabot iyon sa driver.

Nang makababa ang kaniyang mga kaibigan ay sabay-sabay itong nagpaalam sa kaniya, "Bye sis! Ingat pauwi."

Nagbeso-beso sila bago naghiwalay ng landas. Dahil magkakalayo ang kanilang mga bahay ay mag-isang babaybayin ni Reymundo ang kalsadang kaniyang nilalakaran pauwi.

Bahagya siyang kinalabutan nang mapansing siya lang pala ang naglalakad sa kalsadang kaniyang tinatahak.

1 am na. Nagtaka siya dahil madalas naman siyang umuwi sa ganitong oras at may mga nakikita parin siyang taong naglalakad pero ngayon ay wala siyang makita ni isa.

Napakurap-kurap siya at nawala ang kaniyang pagkalasing dahil nakaramdam siya ng pagkatakot.

"O my God, so creepy!"

Hindi naman madilim ang paligid dahil may streetlights naman.

Katamtaman lang ang bilis ng kaniyang paglalakad ngunit nang may maramdaman siyang kakaiba sa paligid ay pinabilisan niya ang kaniyang paglalakad.

Medyo malamig ang hangin ngunit normal naman na ito para sa kaniya. Nakakabahala lang dahil nararamdaman niyang may sumusunod sa kaniya.

Naglakas loob siyang lumingon habang naglalakad nang mabilis. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang isang lalaking nakajacket ng navy blue sa kaniyang likuran.

Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ang mukha nito ng buhok. Ayaw niyang mag-isip ng masama ngunit sa tuwing mas binibilisan niya ang kaniyang paglalakad ay iyon din ang ginagawa ng lalaki.

"Kuya kung may balak ka mang masama please maawa ka sakin." Nilalamon na siya ng takot na kaniyang nararamdaman.

"Ahh!" Napatili siya nang matisod ng isang may pagkalakihang bato kaya hindi sinasadyang madapa siya.

Takot na takot na siya sa kung ano man ang posibleng mangyari. Hindi maganda ang kutob niya sa lalaking sumusunod sa kaniya.

"Kuya please maawa ka sakin. I'm still finishing my college and taking interior designing."

Hindi nagsalita ang lalaki bagkus ay humugot ito sa bulsa at inalabas nito doon ang isang 10 inch knife.

"Kuya, ibibigay ko ang lahat ng gamit ko wag mo lang akong sasaktan. Maawa ka sakin kuya!—Ahhh!"

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon