CHAPTER 13

92 7 0
                                    

"Ang saya sana kung ikaw 'yung totoong Carlos." Napabuntong hininga siya. "I know it's just a dream. Alam ko naman na in reality, hindi mangyayari 'to. Never. As in never."

Kasalukuyan silang nakaupo sa edge ng side walk sa tapat ng isang street light. Gabi na at wala na ring masyadong tao.

Nagkatinginan sila sa isa't isa. Medyo masakit pa ang ulo ni Diana dahil sa tama ng alak ngunit nasa kamalayan na siya. Ngumiti siya ng mapait nang makita sa malapitan ang mukha ng binata.

"Pero kahit na panaginip lang 'to. Gusto kong sabihin sayo ang lahat. Ang lahat ng nararamdaman ko."

Mas lalo siyang lumapit sa binata. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. Nakikita niya sa mga mata ni Carlos na wala itong kaemo-emosyon.

"Matagal na kitang gusto, Carlos." Natigilan ang binata sa sinabi ni Diana.

Ilang saglit itong nagpigil ng hininga. "Hindi lang ata gusto, matagal na kitang mahal." Napayuko si Diana. Pinipigil niya ang mga luhang nangingilid na sa kaniyang mga mata.

"Kahit na sa malayo lang kita nakikita. Kahit na hindi mo ako pinapansin, kahit na ang cold at sobrang sungit mo, nagawa parin kitang mahalin. I don't know, ang tanga ng puso ko."

"Marami namang iba dyan, mas kind at mas papansinin ako kaysa sayo. Pero wala e, tanga talaga ako. Minamahal ko 'yung taong never nagkaroon ng pake saakin.

Medyo marami naring nagtangka na ligawan ako pero lahat ng 'yun nireject ko kasi hinihintay kita. Baka kasi isang araw umamin karin na may gusto ka rin saakin.

Parang 'yung kagaya sa mga teenfiction na napapanuod at nababasa ko. 'Yung ayaw lang umamin ng lalaki pero ang totoo gustong gusto niya pala si Babae. 'Yung ganon."

Napasinghap siya, "I love you, Carlos. Kahit na hindi mo ako mahal. Ito sana 'yung gusto kong sabihin sayo kung totoo ka lang sana. Na hindi 'to panaginip."

"D-diana." Napahugot ng malalim na hininga si Carlos. Damang dama niya ang sakit na nararamdaman ni Diana.

"Shh... Hindi ko kailangan ng sagot. Gusto ko lang sabihin sayo ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko kailangan ng explanations or feedbacks. Baka mas lalo lang akong masaktan."

"Diana..." napaluha rin si Carlos. Bahagya namang nagtaka si Diana.

"Bat ka umiiyak? Mas lalo lang akong masasaktan kapag nakikita kong may luha dyan sa mata mo." Hinawakan niya ang pisngi ng binata at pinunasan ang luha nito gamit ang kaniyang hinlalaki.

"I love you, Carlos. Handa akong palayain ka kung hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Hanggang dito lang talaga ang pagpapantasya ko. Napapagod na rin ako."

Iniwas ni Diana ang tingin kay Carlos. Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang mga luha. Nagpapaunahan itong dumausdos sa kaniyang pisngi.

Hindi alam ni Carlos ang kaniyang nararamdaman, kusang kumilos ang kaniyang mga kamay upang hawakan ang magkabilang pisngi ni Diana. He pulled her closer to him at walang pasabing hinalikan niya si Diana sa labi.

Nanlaki ang mga mata nito. Her heart skipped a beat. Nais nitong magpumiglas ngunit hindi ito makawala sa mga kamay ni Carlos.

Naestatwa si Diana samantalang si Carlos naman ay panay sa paggalaw. Nagdalawang isip si Diana kung gaganti ba siya sa mga halik ng binata.

Napapikit siya nang mariin at lakas loob na kumapit siya sa leeg ni Carlos. Segundo ang nakalipas, nalaman niyang gumaganti narin siya sa halik ng binata.

I have died every day, waiting for you... Darling don't be afraid, I have loved you for a thousand years... I love you for a thousand more...

           Nagising si Diana nang mag alas syete ng umaga matapos marinig ang pagtawag ng katulong sa kaniyang pangalan.

Hindi niya maintindihan kung bakit masakit ang kaniyang ulo. Napabuntong hininga siya. Panaginip nga lang talaga 'yun. Akala ko totoo na. What a great dream!

Bumangon siya sa kaniyang higaan. Kwarto niya nga ito. Akala niya'y pagkatapos ng pangyayaring iyon ay babangon siya mula sa ibang kwarto.

***

"Happy birthday Janine! Happy birthday Janine! Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday Janine!... Blow your candle!" Masayang bungad saakin ni Mama at ng aking kapatid.

Napangiti ako at the same time, naluluha. Paano ba naman kasi? Kagigising ko palang ganyan na ang binungad nila saakin.

Napangiti ako at pinipigil na lumabas ang aking tears of joy. May dala dalang cake si Mama, medyo malaki ito at may nakatirik na kandilang 2 at 0 ang hugis.

"Bakit parang ang aga naman ata ng birthday celebration ko? Sa pagkakaalam ko, september 19 palang?" Taka ko.

"Ano kaba Hija? Wala kaba sa sarili mo?" Natatawang sagot ni Mama. "December 19 na ngayon at icecelebrate na natin ang birthday mo!"

"Huh?" Napatingin ako sa kalendaryo sa aking side table. Oo nga, December 19,2018 na. Ang bilis naman ng panahon kung ganon?

"Hay nako ate! Naging makakalimutin kana! Pati ba naman date ng birthday mo kinakalimutan mo na!" Sabi ni John habang hawak ang tatlong piraso ng pulang lobo.

"Malay ko ba! Pero thank you! Maraming salamat sainyo Mama at John!" Bumangon ako sa aking higaan para yakapin si Mama at ang aking kapatid.

"Mamaya na 'yan! Hipan mo na ang kandila ate, baka mamaya matunaw na 'yan."

"Sige na nga!" Ngumiti ako at saglit na pumikit para sa aking birthday wish. Magkapagtapos sa pag aaral, magkaroon ng mahabang buhay at good health ang hiniling ko bago ko hinipan ang dalawang kandila.

"Yehey! 20 na si Ate! Hanggang ngayon wala paring boyfriend!" Pang aasar saakin ni John.

"Hay nako John Ronald! Wala ako sa mood makipagbangayan sayo! Dyan muna kayo magsi cr lang ako." Paalam ko bago tinungo ang banyo.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon