CHAPTER 32

66 5 0
                                    

Umiiyak na napabangon si Janine sa kaniyang higaan. Kabadong kabado siya dahil sa isa nanamang masamang panaginip.

"Janine anong nangyari?" Agad na lumapit sa kaniya si Rico na kakagaling lang sa banyo.

Hindi siya sumagot sa halip ay patuloy na umiyak. Alalang hinaplos ng binata ang kaniyang likod pagkatapos ay niyakap siya nito.

"May masama bang nangyari ha?"

Unti unti na siyang tumigil sa pagluha, "Wala lang 'to Rico."

"Hindi ka okay Janine. Nanaginip ka siguro ng masama no? Sabihin mo saakin."

"Oo. Pero okay na ako. Wag mo na akong intindihin." Bumitiw si Rico sa pagkakayakap sa kaniya.

"Sigurado ka ha? Nandito lang ako."

"Salamat. Ano na palang oras? Bakit gising kapa?" Tugon niya habang pinupunasan ang mga luhang nangilid sa kaniyang mata.

"Alas tres palang ng madaling araw. Bumangon lang ako saglit para magbanyo."

Napatango si Janine at bumalik sa pagkakahiga. Bumuntong hininga siya at pinagmasdan ang kisame.

Natatakot parin ako hanggang ngayon. Ano ba talagang ibig sabihin ng lahat ng panaginip ko?

Napansin ni Rico ang kaniyang pagiging tulala, "Wag mo ng isipin yung mga napaginipan mo. Nandito lang ako Janine. Safe ka sakin." Ngiting saad ng binata.

Sa isang iglap ay nawala ang takot na kaniyang nararamdaman. Buti nalang nandito si Rico. Buti hindi ako mag isa.

***

Diana is still sleepy but she found out that someone is staring at her. She slightly open her eyes and she's not mistaken.

Napabalikwas siya sa kaniyang kinahihigaan gayunrin naman si Carlos. Nahuli niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki.

"B-bakit mo ako tinitignan? Tsaka bat nakahiga ka dyan?" Itinuro niya ang kanang bahagi ng hinihigaang kama.

Napaayos ng tayo si Carlos. Hindi siya makatingin kay Diana sa sobrang kahihiyan. Ano bang ginagawa ko? Bat ko namang naisipang tignan si Diana!?

"Tanga mo talaga kahit kailan!" Inis na bulong niya sa sarili.

Naisipan niya nalang tumakbo papalabas ng kwarto para hindi na magtanong pa ng kung anu-ano ang dalaga sa kaniya. Baka mas lalo lang maging awkward kapag nagkataon.

"Anong kayang naisipan nun?" Isinuot niya ang salamin sa halip na magcontact lenses dahil alam niya na ngayon sila pupunta sa beach.

"Guys! Let's eat na! Nandito na yung breakfast. We need to eat our breakfast before heading to Villamikaela." Anunsiyo ni Abi tsaka umupo upang kumuha ng makakain.

Nagsitunguhan ang lahat sa hapag at sabay sabay nagsikain.

***

Patuloy na nag iscroll sa kaniyang cellphone ang batang si John Ronald hanggang sa makita niya ang isang video ng balita.

Sa hindi malamang kadahilan ay pinanuod niya ito kahit hindi siya interesadong manuod ng mga ganitong bagay.

"Isang babae ang natagpuang patay sa Maynila matapos masagasaan ng isang kotse at magulungan ng isang ten wheeler truck. Tinutukan yan ni Jay Vargas, Jay?" Saad ng news anchor na si Kara Anderson.

"Magandang hapon Miss Kara, kasalukuyang nandito ang mga pulisya ngayon upang imbestigahan ang isang insidente matapos matagpuan ang nagkandalasugsog na katawan ng isang Ginang.

Ayon sa mga pulisya kinikila ang biktima sa pangalang Theresa Monteclaro. Isang propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Base sa imbestigasyon ng mga pulisya unang nasagasaan ang ginang ng isang itim na SUV pagkatapos ay nagulungan ito ng isang ten wheeler truck..."

Napakunot ang noo ni Dennise nang marinig ang pinapanuod ng anak. Saglit niyang binitawan ang hawak na walis at tumabi kay Ronald.

"Sino daw?" Napatingin siya sa cellphone na hawak ni Ronald habang nakakunot ang noo.

"Hindi ko alam nay. Theresa daw. Theresa ano ba yun?!" Napakamot ito sa kaniyang ulo.

"Ikaw muna manuod nay. May nakalimutan lang ako sa kwarto." Saad niya bago umakyat sa taas at iwanan ang cellphone sa Ina.

Ibinalik ni Dennise ang video mula sa unahan at pinanuod ng maayos ang balita. Nanlaki ang kaniyang mata sa napanuod.

"T-Theresa Monteclaro? Hindi yun pwede!" Bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Kasindak sindak ang sinapit ni Theresa.

Naalala niya noong pumunta siya sa palengke upang mamili ay may nabanggit ang mga tao doon na may aksidenteng nangyari. Alalang alala niya rin kung paano kinuwento sa kaniya ng mga tao kung ano ang nangyari at tugma iyon sa balitang kaniyang napanuod.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman dahil para siyang maluluha habang kinakabahan.

"Tawagan mo ako kapag dumating na siya. Kayo rin, kailangan niyong mag ingat."

Mas nadagdagan ang kaniyang takot nang maalala kung ano ang huling sinabi sa kaniya ni Theresa.

Naalala niya ang kaniyang anak na si Janine. Naisipan niyang sabihin ang totoo dahil nagpakita sa kaniya ang tita nito at na patay na rin ito ngunit pumasok sa kaniyang isipan na baka mag alala lang ang dalaga kaya naman mas minabuti niyang wag nalang.

"Nagtataka ako kung bakit bigla nalang nawala dati si Theresa at biglang magpapakita ngayon tapos magpapaalalang mag iingat kami. Ano bang meron? Natatakot ako."

Tuluyan na siyang napaluha. Inilapag niya ang cellphone ng anak sa lamesa.

"Bakit ka naman ganyan Theresa? Ngayon na nga lang kitang ulit makikita tapos mawawala ka kaagad. Paano naman ang mga pamangkin mo? Hindi mo man lang sila nakapiling ngayon."

Muli niyang kinuha ang cellphone ni Ronald at pinunasan ang kaniyang luha. Tatawagan niya si Janine.

Sinagot naman agad ni Janine ang tawag, "Hello po Ma! Kamusta na kayo dyan ni John Ronald?" Masigla nitong bungad.

Nawala ang takot ni Dennise nang marinig si Janine. Mukhang maayos naman ito.

"Okay naman kami dito anak. Mag enjoy ka lang dyan sa bakasyon niyo. Mag iingat at palagi kang magdadasal diyan ha?"

Nagtaka si Janine sa kabilang linya dahil nahahalata niya ang pagsinghap singhap ng ina, "Ma, okay ka lang ba? Parang umiiyak ka ata?"

Napatingala si Dennise para tumigil ang pagtulo ng kaniyang sipon, "Wala ito anak. Napaiyak lang ako sa dramang pinapanuod ko. Para tuloy akong sira nito." Napatawa siya.

"Nako Mama!" Napatawa ito sa kabilang linya.

"Sige na anak. Baka naistorbo ko kayo sa enjoyment niyo. Basta lagi kang mag iingat dyan ha? Wag magpapagod. Pag uwi mo dito bibilhan kita ng regalo."

"Sige po Ma. Salamat po. Kayo rin dyan ni John Ronald. May pasalubong po ako pagpauwi. Godbless!"

Ibinaba na nila ang tawag. Nagtungo si Dennise sa kaniyang kwarto at taimtim na nagdasal para sa kanila at para na rin sa namayapang kaluluwa ni Theresa.

Naisipan niyang saka na lamang niya sasabihin sa lahat sa mga anak niya kung ano ang nangyari para hindi mag alala si Janine. Baka bigla itong mapauwi sa Maynila ng dioras.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon