"Alam mo si Diana, nung nakaraang buwan panay ang iwas saakin. Ang weird, tapos nitong nakaraang araw din bigla bigla nalang babalik sa dati na parang walang nangyaring iwasan. Ano kayang nangyari dun? It's really weird." Napapailing na sabi nito.
Inakbayan siya ni Janine, "moodswings siguro. Ganun talaga 'yun si Diana. Ano ka ba naman friend, tagal tagal na nating magbebestfriends hindi mo pa siya kabisado."
"Hmm... kung sabagay. Let's go na nga! Magkaclub pa ako mamaya. Do you want to join?"
"Ayoko. Just go on your own."
"Bessy talaga, ang tino tino. Why don't you give it a try? Tutal magtitwenty years old kana."
"Ayoko nga. Tara na. Ang dami pa nating kuda dito."
Nakapamili narin si Abigail ng kaniyang ipanreregalo kaya naisipan na nilang umuwi. Sasakay na sana sila sa sasakyan ni Abigail ngunit nahagip ng kanilang mga mata ang dalawang si Kurt at Mika na magkasama.
"Look who's here! The best couple of the century." Masayang sambit ni Abigail saka sinalubong ng yakap si Mika.
"Pinagsasabi mo dyang the best couple of the century?" Iritang tanong ni Mika nang makabitaw ito sa pagkakayakap. Halatang mainit ang ulo.
"Shh... moodswings..." bulong ni Kurt kay Abigail. Napatawa naman ang dalaga.
"Wow Mika! In just one snap you already change your personality." Manghang saad ni Janine. Nanibago siya sa suot ni Mika dahil nakasuot ito ng isang red dress at nakahigh heels.
"Hindi naman. Nagbago lang ng outfit 'tong si honeybunch pero 'yung ugali ganun parin." Ngumiti si Kurt sa kasintahan ngunit sinamaan lamang siya ng tingin nito.
"Sige, mauna na kami. Baka mas lalong uminit ang ulo ni Mika." Natatawang paalam ni Abigail saka hinila papasok si Janine sa sasakyan.
"By the way Janine, kamusta na kayo ni Rico? Kayo naba?" Habol na tanong ni Kurt.
"Nako, tinanong mo pa 'yang bruhang 'yan. Ang bagal nga ng dalawang 'yan e, wala pang progress."
"Duh! Manahimik ka nga Abigail." Pinanlakihan ni Janine ng mata ang kaibigan.
"Hays. Si Rico talaga, mas mabagal pa sa pagong. Hindi parin ba umaamin? Bagal talaga."
"Ano bang dapat aminin?" Mapanuksong sambit ni Abigail habang nakangising tumitingin sa kaibigang si Janine.
"Tara na nga! Akala ko ba magkaclub kapa? Sige na Kurt, mag usap nalang kayo sa ibang araw. Irita na 'yang honeybunch mo oh! Nananahimik lang." Hinila ni Janine si Abigail paupo sa driver's seat.
"Sige babye! Enjoy!" Pahabol ni Abigail saka kinawayan ang magkasintahan. "Bruhang 'to. Ano wala paba talaga?"
Tinaasan niya ito ng kilay, "anong wala pa? Manahimik ka na nga lang dyan Abi. Magdrive ka nalang."
"Sungit. In fairness, ang cute nilang tignan." Tinuro niya mula sa labas ng sasakyan ang magkasintahan, "Sana may seryosong lalaki rin akong makita."
"Saka na 'yang lovelife dai, tara na." Untag ni Janine. Napabuntong hininga si Abigail saka sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan.
***
"Hirap mong paamuhin kapag sinumpong ka ng mood swings e. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo." Reklamo ni Kurt habang paulit ulit na napapakamot sa kaniyang ulo.
"Ewan ko sayo! Maghanap ka ng lalandiin mo doon kung naiinis kana!" Iritang saad ni Mika. Wala siyang pakealam kung marami mang tao ang nakatingin sa kanila.
"Honeybunch naman e! Hindi na ako ganun noh! Halika ka nga dito, bibilhan kita ng sandamakmak na napkin. Napkin lang naman katapat mo e." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
Napatikom naman ang bibig ni Mika. Hindi niya malaman kung bakit naiinis siya sa araw na ito. Hinila siya ni Kurt patungo sa isang department store.
"Dyan ka lang. Bibili lang ako saglit. Wag kang aalis dyan! Wag kang manlalalaki kundi malalagot ka saakin." Pinaupo siya ng binata sa isang bangko saka hinalikan siya sa labi. Pinanlakihan niya ng mata ang binata dahil sa maraming tao ang nakatingin.
Napangisi lang si Kurt, "Dyan ka lang."
Inirapan niya ito at sinulyapan ang papalayong kurt. Napangiti siya sa hindi malamang kadahilanan. Malamang ay natutuwa siya dahil sa malaking pagbabago ni Kurt simula nung maging sila noong nakaraang October.
Hindi na ito nambabae at malimit na rin kung punta sa mga bar o club. Naging magalang ito, masunurin at naging loyal sa kaniya.
Nakaramdam siya ng pagkainip. Hindi siya makapaghintay pa kaya naisipan niyang sundan ang binata. Nadatnan niya itong natataranta sa mamimili ng bibilhing napkin. Napangiti siya at kinalabit ang nobyo.
"Diba sinabi ko maghintay ka dun?" Nahihiya nitong saad.
"Hindi na ako makapaghintay e. Oh, Ano? Nakapili kana ba?"
"Opo ito na." Saad nito saka nilagay ang sampung balot ng napkin sa cart.
"Cute talaga ng honeybunch ko." Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Hay nako, di mo talaga maintindihan ang may sumpong. Kanina ang sungit sungit ngayon naglalambing."
"Bakit ayaw mo?" Bigla niyang pagtataray.
"Syempre gusto, ito talagang honeybunch ko. Bipolar. Bilhan paba kita ng sweets?"
"Yes please."
Tumungo sila sa section kung saan nakadisplay ang mga chocolates. Nagningning ang mga mata ni Mika at sunod sunod na dumampot pero pinigilan siya ng binata.
"Oppsss, opps, opps! I'm not tolerating you to eat so much sweets pero dahil may menstruation ka, papayagan kita. Wag mo masyadong dadamihan."
"Oo na."
Nakangiting pinagmasdan niya ang dalaga. Sobrang mahal na mahal niya ito kahit na dalawang buwan palang silang magkarelasyon.
Pagkatapos nilang pumunta sa department store ay nagtungo muna sila sa parking lot para ilagay sa sasakyan ang lahat ng kanilang pinamili saka sila tumungo sa sinehan.
"Wag mo kong ngungusuan. Pasalamat ka nakakapagpigil pa ako kundi kanina pa kita nirape dito sa loob ng sinehan!" Bulong ni Kurt kay Mika.
Tinawanan lang siya nito, "Bleh!" Saka ito nagseryoso sa panunuod. Pilyong napangiti si Kurt. Naramdaman nalang ni Mika na gumagapang na ang kamay ng binata sa kaniyang hita.
"Kurt!" Inis na bulong niya sa binata saka inalis ang kamay nito sa kaniyang hita.
"Humanda ka saakin mamaya pag uwi natin sa condo." May pambabantang saad nito.
"Akala mo lang. Menstual period..."
"Fine! Panalo kana! Pagkatapos na pagkatapos ng period mo, humanda ka talaga saakin!"
"Manahimik ka nga! Baka marinig ng mga katabi natin mga karumihan na pinagsasabi mo."
Napatawa silang dalawa. Napatingin sa kanila ang kanilang mga katabi kaya agad silang napatahimik.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...