"Para sa inyo talaga itong inihanda namin. Pasasalamat at pagwiwelcome na rin." Maamong saad ni Nay Louis.
"Maraming salamat rin po Nay Louis." tugon ni Abi habang hinihiwa ang mga bawang at sibuyas.
"Ang gaganda niyo naman Ate Abi. Para kayong mga artista." Saad ng nakatulalang bata na si Gino. Kanina pa siya nagpapalipat lipat ng tingin sa dalawang dalaga.
"Nako." Tanging naikomento ni Janine.
"Ay oo nga pala Janine, siya si Gino. Anak nila Tay Ernes at Nay Louis. Ganyan talaga 'yang si Gino." Natatawang saad ni Abi saka kinurot ang magkabilang pisngi ng bata.
"Aray ko naman Ate Abi. Amoy sibuyas na tuloy ako."
Nagtawanan ang mga kababaihan. Habang abala sa pagluluto ay nag uusap usap sila tungkol sa kung anu-anong bagay.
"Louis, andirito na sila Samuel." Saad ni Tay Ernes nang matanaw sa dikalayuan ang mga kasamahan sa bukid.
Napalingon ang lahat ng mga nagtatawanan. "Tamang tama tapos na kaming magluto dito. Ernesto ihanda mo na ang lamesa."
Abala si Reymundo sa pagkuha ng litrato ngunit nang maaninag ang paparating ay agad siyang bumalik sa kubo tsaka tumabi kay Diana.
Tumayo sila Rico, Kurt at Carlos para tumulong sa paghahanda ng gagamiting lamesa. Napako ang mga mata ni Reymundo sa isang matipunong lalaking papalapit sa kanila.
"Girl ampogi nun oh! Yummy emeged!" Nakatulalang saad nito. Napatingin rin sila Diana at Mika sa lalaking tinitignan ng baklitang kaibigan.
Napangisi ang dalawa at napailing iling. "Tong baklitang to talaga. Lumilinaw ang mga mata pag may nakikitang gwapo e."
"Sus, hindi na kayo nasanay dyan kay Reymundo. Tsk." Puna naman ni Rico.
"Isa pang Reymundo dyan! Mahahalikan na kita Papi Rico!" Inis na saad niya. Inayos niya ang sarili at nagpacute.
"May mga bisita pala tayo dito Tay Ernes." Saad ng matipunong lalaki nang makarating sa kubo.
"Ay oo Menandro! Mga kaibigan sila ni Abi." Tinulungan ni Tay Ernes sila Menandro sa kanilang mga dala dala.
"Hmm... Nandito pala si Abi." Mapang asar na saad ng kasama nilang si Jimuel.
"Manahimik ka nga dyan Jimuel. May mga bisita sila Tay Ernes." Suway ni Mylene.
"Parang mga bigating tao rin ang mga to ah?" Bulong ni Rolando sa mga kasamahan.
"Magandang umaga! Kami nga pala 'yung mga kaibigan ni Abi." Tumayo sila Diana bilang paggalang sa mga bagong dating.
"Magandang umaga rin sa inyo. Kami yung mga kasamahan nila Tay Ernes at Nay Louis dito sa palayan. Kagagaling lang namin sa kabilang bayan. Welcome sa inyo!"
Lahat sila ay nakasuot ng pang magsasaka at nakasumbrero. Hindi maiwasan ni Diana at Reymundo na mamangha sa katawan ng lalaking si Menandro. Pawisan, matipuno at batak na batak ang mga muscles nito sa braso.
"Wag kang tumingin dun!" Suway ni Kurt kay Mika. Natatawa nalang si Mika sa reaksyon ng kasintahan. Ayaw kasi ni Kurt na tignan ni Mika si Menandro.
"Oo na po. Kuntento na ako sayo noh? Lab lab kitang kumag ka e!" Natatawang saad niya saka ninakawan ng halik si Kurt sa pisngi.
Napangiti ang binata. Kaya mahal na mahal ko tong si Mika e. Tsaka hello? Di hamak na mas matso at mas gwapo naman ako sa kahit sinong lalaki.
"Pagpasensyahan niyo na kung amoy pawis kami." Nahihiyang saad ni Jimuel. Inayos niya ang kaniyang sarili para magmukha siyang prisentable.
"Ang ganda ng dalawang dilag! Kaso mukhang may nobyo na yung isa." Bulong ni Rolando. Binatukan naman siyang agad ni Menandro.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Fiction généraleTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...