"Ganto nalang Abi, kaming dalawa nalang ni Diana sa isang kwarto tapos sila Rico at Carlos nalang sa isa pang kwarto." Suhestiyon ni Janine.
Tikom parin ang bibig ng dalawang binata—nasi Rico at Carlos. Nakikiayon lang sila sa flow ng mga pangyayari.
"Whether you like it or not, ako ang bahala sa mga magiging kwarto niyo."
Nanlaki ang mata ni Janine nang hawakan ni Abi ang kamay nilang dalawa ni Rico saka walang pasabing marahas na pinasok sila sa isang kwarto.
"Walang lalabas dyan ha!" Sigaw niya saka nilock ang seradura ng pinto.
"Hoy palabasin mo ako dito! Abi! Abi!"
Napatinging muli si Abi sa tatlo, ang tanging natitira na lamang ay sila Reymundo, Diana at Carlos.
"Okay fine! Magpapaubaya na ako. Tutal it's your house naman, so why should I refuse your decision?" Napipilitang pumasok si Reymundo dala dala ang kaniyang mga bagahe sa maliit na kwarto. Hindi naman ito masyadong maliit ngunit sapat na ito para sa isang tao.
"Ikaw Diana? Hindi kapa ba magdedecide? Kung ayaw mong kasama si Carlos sa iisang kwarto kung gusto mo dun ka nalang sa sofa sa salas o kaya sa labas nalang. Puno narin kasi ang maids quarter."
Napangiwi si Diana. Napasulyap siya sa tahimik na Carlos.
"Ako nalang mag aadjust. Baka mahirapan pa si Diana kapag sa labas siya natulog." Saad ni Carlos. Binitbit niya na ang kaniyang mga gamit ngunit pinigilan siya ni Diana.
"Oh sige na, sa iisang kwarto nalang tayo. Ano Abi? Masaya kana?"
Napatawa si Abi, "Good! Papayag rin naman pala pinapatagal pa. Sige na magpahinga na muna tayo. Alam kong nastress kayo sa biyahe kanina."
Napabuntong hininga si Diana. Bibitbitin niya na sana ang kaniyang mga dala dala ngunit nagsalita si Carlos, "Ako na. Baka isipin mo hindi ako gentleman."
"Salamat."
***
"May privacy na tayo. Hmm... baka naman..." pinagkiskis niya ang kaniyang mga palad habang nakangising nakatingin kay Mika.
"Yan ka nanaman ha! Maligo muna ako. Gusto ko ng matulog." Inayos muna ni Mika ang kanilang mga gamit saka siya kumuha ng masusuot.
"Okay." Maiksing tugon niya.
Medyo nagtaka si Mika nang tumahimik si Kurt. Hindi na niya ito pinansin at nagtungo na siya sa banyo dala dala ang tuwalya at kaniyang damit.
Hinubad na niya ang kaniyang mga saplot saka binuksan ang shower. Pinindot niya ang warm para mawala ang sakit ng kaniyang katawan.
She close her eyes as she feel the warm of the water. Nakakawala talaga ito ng sakit sa katawan. Nakakapanrelax pa ng ulo.
Seconds passed, nagulat siya nang makaramdam ng isang kamay sa kaniyang tiyan. Napadilat siya. Akma na niya sanang suntukin ang lalaking nakaharap ngunit agad siyang niyakap nito mula sa likuran.
"Kurt Nathan!" Angal niya. Napapikit siya ng mariin nang madama niya ang walang saplot na pagkalalaki ni Kurt sa kaniyang likuran.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...