***
"Hindi iyon maaari! Patay na siya dapat ngayon! Dapat nasaakin na ngayon ang kaluluwa ni Angelita!"
Galit na galit siya sa mga nangyari. Ngayon dapat nakatakdang mamatay si Janine ngunit dahil sa mga mapanghimasok na kaibigan nito ay hindi nagtagumpay ang kaniyang mga plano.
Dahil sa mga nangyari ay hindi niya nakuha ang kaluluwang tumakas ni Angelita. Hindi siya nagtagumpay sa kaniyang nais. At ngayon ay hindi niya alam kung papaano makukuha ang kaluluwa ni Angelita.
"Magbabayad kayo!" Galit itong napahalakhak, "Nagkamali kayo ng kilos mga hangal! Matitikman niyo ang galit ni Carmen!"
***
"Yung mga kalat niyo sa mga kwarto pakilagay nalang dito isasabay ko ng itapon sa labas." Sigaw ni Abi.
"Nako Abigail, ako na nga ang magtatapon niyan sa labas. Napakatigas talaga ng ulo mo." Suway ni Manang Emily.
"Nay Emily ayos lang po saakin. Tsaka wala naman masama kung ako magtatapon."
"Hay nako, sige na sige na. Hintayin mo ako diyan at kukunin ko pa mga natirang basura sa kusina."
Bumaba sila Rico at Kurt mula sa kani-kanilang silid na may dala-dalang supot ng mga basura at inilagay iyon sa garbage bag na hawak ni Abi.
Humabol rin si Carlos sa pagtapon. Matapos makuha ni Manang Emily ang mga basura sa kusina ay sabay na silang lumabas ni Abi para itapon ito sa basurahan.
"Hay mga sis, diko parin makalimutan 'yung mga nangyari kagabi. Naiistress nako kakaisip. Masisira ang beauty ko nito." Bumaba si Reymundo mula sa kwarto habang may dala-dalang lipstick at foundation na may salamin.
"Pinipilit ko ngang kalimutan pero bumabalik parin sa utak ko. Ayoko na talagang maalala." Hinubad ni Diana ang kaniyang tali sa buhok tsaka sinuklayan ito.
"Abigail!" Napadapa ang lahat nang makarinig nanaman ng isang putok ng baril mula sa labas ng pamamahay nila Abi.
Napatakbo ang lahat patungo sa labas at nanlumo sila sa kanilang nasaksihan.
"Abigail! Tulong!" Umiiyak na sigaw ni Manang Emily habang hawak si Abi.
Agad na nagsilapitan sila Reymundo sa nakabulagtang katawan ni Abigail. Hindi makatingin ng diretso si Janine kay Abi dahil nakakatakot ang nangyari dito.
"Abigail! Anong nangyari!?" Napasigaw na si Reymundo.
Napaiyak ang lahat dahil sa kalunos-lunos na nangyari kay Abigail, "Tumawag kayong agad ng ambulansya o kaya paandarin niyo 'yung van!" Si Kurt na ang napasigaw.
Rumesponde agad si Mang Lito. Dali-dali nilang sinakay ang katawan ni Abigail sa van nila at nagmamadaling tumungo sa malapit na hospital.
"Abigail wag kang bibitaw!" Patuloy na naluluha si Diana habang hawak ang kamay ni Abigail sa loob ng van na kanilang kinasasakyan.
Nagpapanic nilang binuhat ang katawan ng dalaga pababa sa van nang makarating sila sa hospital. Mabuti nalang at agad na inasikaso ng mga doktor si Abigail. Umiiyak nilang pinagmasdan ang katawan ni Abigail na papasok sa operating room. Nanlulumo silang napaupo sa waiting shed na kalapit ng OR.
Nagdasal ang lahat na sana'y magkaroon ng milagro para mabuhay si Abigail. Na sana'y bigyan pa siya ng pagkakataong mabuhay.
Ilang minuto ang kanilang inantay at agad silang nagsitayuan nang dumating ang doktor na nag asikaso kay Abigail.
"Doc kamusta na ang anak namin!?" Saad ng mga kararating lang na magulang ni Abi. Bihis na bihis pa ang mga ito na halatang kakagaling lang sa biyahe.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...