Napayuko si Diana. Nasasaktan siya dahil kahit kaunting atensyon ay hindi man lang siya mabigyan ni Carlos.
Kung sabagay, ano nga namang lugar ko sa kaniya? Isang hamak na schoolmate lang naman ako at kaibigan kuno.
Ngumiti ng pilit si Diana saka inaya ang kaibigan na umuwi na lamang dahil nagawa narin naman nila ang pakay nila sa pagpunta sa mall.
Nagkahiwalay na ng landas ang magkaibigan pagkarating sa village kung nasaan nakatira si Diana. Kinawayan niya ang kaibigan nang makababa ito sa sinakyang jeep.
"Bye, Janine! Ingat!" Paalam nito sa kaniya saka naglakad papasok sa nasabing village.
"Nandito na ako!" Saad ni Janine pagpasok sa kanilang bahay. Alas sais na ng gabi nang siya'y makauwi sa kanilang bahay.
Naabutan niya ang nakababatang kapatid sa sala at nanunuod sa telebisyon. "Hi ate!" Salubong nito sa kaniya pagkatapos ay nagmano. "Bakit ang tagal mo ngayon? Nakipagdate ka noh?"
Ginulo niya ang buhok ng kapatid, "loko ka talaga, Ronald! Anong date ka dyan? Ni wala ngang nanliligaw saakin e."
"Kawawa ka naman ate, walang nagmamahal sayo." Saad nito sa kanya na kinakunot ng kaniyang noo. Tumakbo ito pabalik sa sofa dahil alam nitong magsisimula nanamang magbunganga ang kaniyang nakatatandang kapatid.
"Anong wala? nandiyan si Tita Mama, at saka ikaw. Hindi niyo ba ako mahal?"
"Iba 'yun e, wala ka parin bang shota ate? Kawawa ka naman."
Mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo, "bakit ikaw? May shota kana? Ikaw bata ka! Fifteen ka palang may jowa kana!? Hindi tayo pinalaki ng ganyan ni Tita!"
Nilapitan niya ang kapatid at sunod sunod itong pinapapalo sa ulo. "Ikaw! Ang bata bata mo pa! Pagsushota na ang alam mo!"
"Aray ko ate! Aray! Masakit ah! Wala akong shota! Wala na akong shota! Sakit!"
"Wala na akong shota, means mayroon kang shota dati! Ikaw ha!" Hindi parin siya matigil sa paghampas sa kapatid at si Ronald naman ay panay ang iwas.
"Hoy! Anong ingay 'yang naririnig ko?" Saad ng Tita Mama nila ng marinig ang kanilang ingay. Kakalabas lamang nito sa kusina at nakasuot pa ito ng apron.
Napatigil si Janine sa paghampas sa kapatid, "E, kasi naman Ma, itong si John Ronald may jowa na!"
"Hindi naman Ma e, hinahampas ako ni ate." Pag papaawa ng kaniyang kapatid kaya muli itong nakatanggap ng palo mula sa kaniya.
Napatawang bigla ang kanilang ina inahan, "Ano kaba Janine, parang 'yan lang. Nako, kayong dalawa talaga."
Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang reaksyon ng ina inahan. Imbes na magalit ito ay mukhang naging masaya pa.
"Hindi ko naman kayo pinagbabawalang magkajowa basta't hindi niyo napapabayaan ang pag aaral niyo, tsaka binata na 'yang si John Ronald okay na okay na magjowa na'yan, mabuti nga't hindi 'yan naging bakla e."
"Mama naman e! Sinabi nang hindi ako bakla. Nangkikiss pa nga ako ng mga babae e—" napahinto ito nang mapagtanto ang huling nasabi.
"Kitam! Ikaw ang landi landi mo, John Ronald! Baka mamaya mabalitaan nalang namin ni Mama na nakasuhan ka ng rape dahil dyan sa kalandian mo."
"Hindi naman ako ganun ate! Masyado ka ah?"
Mas lalong napatawa ang ina inahan dahil sa pagtatalo ng dalawa, "May tiwala naman ako sa inyong dalawa kaya ayos lang kung magjojowa. Alamin ang limitasyon ha?"
Bahagyang napalunok si Janine. Napangiwi siya at napakamot sa kaniyang ulo, "hehehehehe."
"Kawawa naman si Ate, wala pang jowa! Naunahan ko pa!" Pang aasar ng kapatid habang tumatawa. "Magbebente na 'yung edad, wala paring manliligaw! Hahahaha! Panget ka kasi ate!" Saka ito tumakbo paakyat sa kaniyang kwarto.
"Anong panget!? Sinong sinasabi mong panget! May mga manliligaw kaya ako! Tsaka wala namang forever kaya magbibreak din kayo ng nilalandi mo! Malandi ka John Ronald Tejero! Malandi! Walang forever!" Inis na sigaw niya sa kapatid.
"Nako, kayong dalawa talaga! Oo nga naman, Janine, bakit wala ka pang boyfriend? Wag mo sabihing tomboy ka?"
"Mama naman e! Mukha ba akong tomboy!? Wala lang talaga akong jowa kasi ayoko pang magboyfriend. Sakit lang 'yan sa ulo."
Ayaw na niyang dagdagan ang kaniyang mga sinabi kaya naman pabalagbag siyang tumungo sa kaniyang kwarto.
"Bigdeal ba pag walang boyfriend? Tomboy agad? Ha? Ha?" Napairap siya sa kawalan at isinampa ang sarili sa kaniyang higaan.
Dahil sa inis at pagod na nararamdaman ay nakatulog siya.
Nadatnan ko ang aking sarili na naglalakad sa isang sakahan. Umuulan at wala akong saplot sa paa kaya naman damang dama ko ang mga putik na aking natatapakan.
Hindi ko alam kung bakit ako nandirito. Lumakad pa ako para malaman kung nasaan ako naroon ngayon. Hindi pamilyar ang lugar na ito. Parang ngayon palang ako nakarating dito.
Napatili ako nang biglang kumidlat nang napakalakas. Mabilis akong dumapa at pinandungan ang aking sarili.
"Ipaghihiganti kita, mananagot ang gumawa sayo nito! Isusumpa ko sila! Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo!"
Nakarinig ako ng isang sigaw mula sa kalagitnaan ng sakahan. Nanlalabo man ang aking mga paningin ngunit nakakaaninag ako ng isang babae sa gitnang bahagi nitong sakahan.
Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nawalan ng malay ang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang masaksihan ko kung ano ang kaniyang yakap-yakap. Isang pugutang ulo, wala na itong dugo at nangingitim narin ang kulay.
Nagdalawang isip ako na lapitan pa siyang lalo. Natatakot ako dahil sa pugotang ulo. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
"Tulong! Tulong!" Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumigaw nalang.
"Ma'am Angelita!" Napaiyak ako nang may babaeng nakasuot pang katulong ang lumapit patakbo sa babae.
Mukhang hindi niya ako nakikita dahil hindi man lang niya ako tinignan kahit ilang segundo. Sinubukan kong hawakan ang kaniyang likuran ngunit wala siyang reaksyon.
"Nakikita ba nila ako?" Tanong ko sa aking sarili.
"Ma'am Angelita! Gumising po kayo!" Naiiyak na saad ng katulong.
Napatulala ako sa kawalan. Panaginip lang ba ito? At kung hindi, nasaan ako? Bakit ako nandirito? Bakit hindi niya ako nakikita o nararamdaman man lang?
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...