"Sasagutin mo na kaya ako?" Pilyong saad ni Rico habang prenteng nakaupo sa kinauupuan. Sinadya niya talagang lakasan ang boses para lang iparinig ang kaniyang mga sinabi kay Janine.
Sinasabi nito? Luminga linga siya sa paligid kung may iba bang kausap si Rico pero lahat ng nasa paligid ay nakapikit maliban nalang sa kanilang tatlo nina Abi.
"Ikaw ang pinaparinggan niyan bruha. Tingin tingin pa sa paligid e." Biglang nagsalita si Abi mula sa harapan. Mukhang nabasa naman ni Abi ang iniisip niya.
"Tse!" Pinanlakihan niya lang ito ng ilong.
"Almost 2months narin akong nanliligaw, wala parin akong naririnig na sagot." Dagdag ni Rico habang nasa labas ng sasakyan ito nakatingin.
"Sagutin mo na kasi, Janine. Wag sayangin ang grasya."
Napataas ang kilay niya, "Anong sagutin? Bakit nanligaw ba siya?" Saad niya at sinadya ring iparinig ang sinasabi sa binata.
"Tsk. Hindi paba obvious? Hellow! Girl! Kaloka ka! Ang manhid mo teh!" Anas ni Abi.
"Malay ko ba? Hindi nga nagsabi kung nanliligaw ba e? Paano ko sasagutin?"
"Kung nagsabi ba ako? Sasagutin ba agad?" Balik na pagpaparinig ni Rico.
Umurong bigla ang dila ni Janine. Napalunok siya dahil sa huling sinabi ng binata.
Sasagutin ko ba agad kung sakaling nagsabi siya? Nanliligaw ba talaga siya? Manhid ba talaga ako? Ganun naba ako kamanhid? Hindi ko naman kasi binibigyan ng meaning 'yung mga ginagawa niya saakin. Ayokong mag assume noh?
"Syempre, sasagutin ka nyan ni Janine. Kung alam mo lang Rico, noon palang may crush na sayo 'yang si Janine— Opps..."
Napayuko sa hiya si Janine. Napapikit siya ng mariin at napakagat sa kaniyang pang ibabang labi.
"Totoo ba 'yan? Janine?" Pilit na pinipigilan ni Rico ang sarili na mapatawa. Sumeryoso ang mukha nito dahil ayaw niyang magpahalata na natutuwa siya sa nalaman.
"Sorry Janine ha? Pero sasabihin ko na kay Rico. Chance mo na ito dai."
"Abi—!"
"Alam mo Rico, crush ka na niyang si Janine dati pa. Well, sino nga namang hindi magkakacrush sayo e, crush ka nga ng buong campus."
"Abi—!"
"Ikaw, si Kurt, si Carlos at si Janver. Ang lalakas ng dating niyo pero sa paningin ni Janine, ikaw ang pinakaangat sa lahat kasi ikaw ang pinakagwapo, hunk, matalino at higit sa lahat, matino. E, alam mo naman 'yung taste ni Janine pagdating sa mga lalaki gusto niya sa mga matitinong kagaya mo. Kaya nga sa tuwing nagpapatulong ka sa kanya, hindi 'yan makatanggi."
Parehas silang napatahimik. Nagiguilty parin si Rico hanggang ngayon sa mga pinaggagagawa niya dati. Inaamin niyang kailangan niya lang dati si Janine kapag may kailangan siya.
"Hays! Ayoko na ngang mangealam sa lovelife ng iba. Baka masira pa diskarte niyo." Natatawang saad ni Abi habang tinitignan ang dalawang nasa likod sa pamamagitan ng pagsulyap sa rear mirror ng sasakyan.
Parehas silang napabuntong hininga. Mas pinili ni Janine na tumingin na lamang sa labas ng sasakyan kaysa naman maramdaman ang kaawkar-an ng atmosphere sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...