CHAPTER 40

82 3 0
                                    

A/N: Hi! Hindi ko akalaing aabot pa pala ang storyang ito ng chapter 40? Hahaha. Akala ko talaga hindi ko na'to itutuloy pero nainspired akong ipagpatuloy kasi sayang 'yung storyang naisip ko. By the way, thank you for reading this story!

***

"Bakla para saan 'yan?" Natatawang tanong ni Diana nang makita ang dala-dalang mga damit ni Reymundo.

"Shh kalang bakla!" Bulong nitong tugon at maingat na itinago ang mga damit na itim sa ilalim ng iba niyang pinamili.

Sabay silang nagtungo sa pinakadulong counter para hindi malaman ng iba nilang kaibigan ang nais na itago. Naglabas sila ng pera at inabot iyon sa kahera.

"Ate patago nalang yung mga damit sa gitna ng mga chichirya." Request niya at sinunod naman ito ng babae sa kahera.

"Para saan ba talaga 'yan? Nakakahinala ha?" Binitbit na nila ang kanilang mga binili at sabay-sabay na inilagay sa likod na bahagi ng sasakyan.

"Para bukas 'yan Diana. Mamaya sasabihin ko sayo kung ano ba talaga purpose ng mga 'yun. Chill ka lang."

Pinaandar na ang sasakyan at agad silang nakauwi sa bahay bakasyunan nila Abi. Sinadya nilang paunahin matulog sila Janine at Abi at nagmeeting sa salas ng bahay.

"Alam niyo na gagawin niyo bukas ha? Wag tayong magpapahalata." Bilin ni Reymundo sa mga natirang kaibigan.

"Sigurado ba talaga kayo dyan? Parang nakakatakot naman 'yung gagawin natin." Wika ni Rico. Nakakaramdam kasi siya ng pagkabahala sa nais nilang gawin bukas.

Napailing-iling na ngumisi si Kurt at inakbayan ang kaibigan, "Siguradong maganda ang gimik natin Pareng Rico. Wag mo sabihin natatakot ka?"

"Ako!?" Turo ni Rico sa sarili, "Hindi ako natatakot no? Ang weird lang kasi, alam mo 'yun? Nakasuot tayo ng ganun tapos may dala dala pa tayong ganun tapos gabi pa talaga natin gagawin?"

"Wala namang weird dun Rico, tsaka nagawa na rin 'to ng iba. Ang ganda kaya ng naisip namin?" Sabat ni Diana.

"Yeah right Diana. There's nothing weird naman sa gagawin na'tin. Excited na nga akong magcamping e!" Saad naman ni Reymundo.

Tumikhim si Rico, "I don't know. Parang kakaiba 'yung nararamdaman ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Ayoko lang mag-isip ng hindi tama."

"Alam mo pare, kung ano man 'yang nasa isip mo, wag mo ng isipin. Maa-upset kalang." Saad ni Rico.

"Walang hindi magandang mangyayari okay? Tsaka safe naman dito sa Batangas lalo na sa gubat na pagkacampingan natin bukas."

"Kaya nga Papa Rico. Mabuti pa, matulog narin tayo. Mukhang pagod lang 'yan." Nauna nang naglakad si Reymundo ngunit bago siya pumasok sa kaniyang silid ay muli siyang humarap sa mga kaibigan,

"Good night mga teh!"

           Nanatiling nakatulala si Rico sa kisame ng kwartong pinagtutulugan nila ni Janine. Hindi siya mapakali at patuloy siyang binabagabag ng kaniyang pakiramdam.

"Ang weird talaga! Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito? Pakiramdam ko mapapahamak kami." Saad niya sa sarili.

Tumagilid siya ng pagkakahiga at pinagmasdan ang katabing mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga siya.

"Walang mangyayaring masama. Magiging okay ang lahat." Muli niyang sambit sa sarili.

        

          "It's a wonderful day~" Napakasaya ng araw na ito para kay Abigail dahil ngayon na ang araw kung kailan siya tutongtong sa edad na 19.

Napakabilis ng panahon, legal na legal na siyang magnight club dahil sobra na ng isang taon ang kaniyang edad mula sa legal age.

"Wala ng masasabi sakin sila Mama. I'm 19 na and that is already legal age! Hindi na niya ako masasabihan ng kaka-18 mo lang nagkaclub kana agad... chuchuchu!" Napatawa siya sa sariling sinabi.

Bumangon na siya sa kaniyang kinahihigaan at agad na inayos 'yun. Nagtungo siya sa banyo, nagmumog at naghilamos ng kaniyang mukha.

Pumunta siya sa harapan ng malaki niyang salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon, "O my God! I'm so big na! Look at that sexy body, my boobs are getting bigger too!"

Hinawakan niya ang dibdib niyang walang saplot na mas lumalaki na ngayon at pinisil iyon sa harap ng salamin.

Napatawa siya sa sariling kapilyahan, "Ay ang naughty!"

Umakyat ang kaniyang tingin sa kaniyang mukha at nanlaki ang kaniyang mata nang makitang walang ulo ang kaniyang katawan.

"O my god!" Napasigaw siya at napaatras.

"Ano 'yun!?" Tanong ni Rico nang marinig ang sigaw ni Abi mula sa itaas ng bahay.

Nagsiakyatan ang magkakaibigan na Rico, Janine, Diana at Reymundo samantalang naiwan sa salas sila Mika, Kurt at Carlos.

Nagtungo sila sa kwarto ni Abi at naabutan nila itong nakaupo sa sahig, "Anong nangyari Abi?" Tanong ni Reymundo.

Namalayan si Abi at agad na tinakpan ang kaniyang dibdib dahil halata ang kaniyang utong. Nasanay kasi siyang magtanggal ng bra kapag natutulog at ngayon ay hindi pa siya nakakapagsuot ng bra.

"W-wala! I-ipis lang." pagpapalusot nito sa mga kaibigan. Napabuga naman ang lahat ng hangin,

"Banaman 'yan Abi! Akala namin kung ano na!" Nagsialisan na ang kaniyang mga kaibigan.

Nang maiwan siya ay napabuntong hininga siya at yumuko, "Hindi totoo 'yun diba? Namalikmata lang ako right?"

Mas pinili niyang hindi nalang sabihin sa kaniyang mga kaibigan ang nangyari dahil malamang sa malamang ay hindi naman siya papaniwalaan ng mga ito. Ayaw niyang magmukhang sinungaling at nang-uuto.

Kinakabahan siyang nagbihis ng maayos at nagtungo narin sa baba upang makapag-umagahan na.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon