"Special kaba? Ni hindi ka nga marunong humalik." Napaiwas ito ng tingin sa kaniya saka bahagyang lumayo.
"Bakit hindi kita makalimutan? Special kaba? Hindi naman diba? Pero bakit sa tuwing nakikita kita, kinakabahan ako. Napapangiti ako. I can't stop thinking about you. Laging kitang naiisip kahit hindi naman dapat. Ano bang nangyayari? Ginayuma mo ba ako?"
Napatikom ang kaniyang bibig. Hindi niya akalain na ganito pala ang mangyayari. Hindi niya inaasahan ang pag amin ng binata sa kaniya.
"Mika, ganito ba 'yung sinasabing love?" Tumingin ito ng diretso sa kaniyang mga mata. "Ngayon ko lang naramdaman 'to. Akala ko lust lang. Iba e, I think I like you, gusto? Parang hindi rin e."
Ilang beses siyang napalunok. Kinakabahan man siya ngunit ngumiti siya sa kaniyang kaloob looban dahil akala niya ay siya lang ang nakakaramdam ng ganoon. Parehas pala sila ng binata.
Sigurado na ako sa mga nararamdaman ko. Ganito 'yung feeling nun. Hinding hindi ako nagkakamali.
"Mahal kita." Sabay nilang sambit. Napangiti sila sa isa't isa. Kinagat ni Mika ang kaniyang pang ibabang labi dahil sa sayang nararamdaman.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil kusang lumabas ang mga luha sa kaniyang mata. Siguro'y ito ang sinasabing tears of joy.
"Akala ko ako lang 'yung nakakaramdam. Nagiging paranoid ako. Nagseselos ako sa tuwing makikita kitang may kasamang iba. Hindi ko alam, pero isang araw narealize ko nalang na mahal kita. Ang bilis ng mga pangyayari. Akala ko tomboy na talaga ako. Akala ko, kapwa kong babae ang mamahalin ko pero when things happened I suddenly changed. May lalaki pala akong magugustuhan at mamahalin."
How would you feel... if I told you I love you... it's just something that I want to do... I'll be taking my time... Spending my life... fallen deeper inlove with you...
"So, pwede ba akong manligaw?" Abot tengang ngiti ni Kurt.
"Nays one! Manligaw? Hmm... Pag iisipan ko."
Parang bata na ngumuso si Kurt, "Pinapatagal pa e."
"Gusto ko, parehas tayong magbabago. Ikaw, hindi na magiging babaero. At dapat maging patient pagdating sa mga babae. Galangin mo naman kami. Puro ka lust."
"Tapos ikaw, magiging real girl? Wow! Willing akong gawin 'yan. Willing din akong maghintay para sayo. Mahal kita e."
"Sus! Gawin mo! Hindi 'yung puro sabi ka. Ang corny ha? Pero nakakakilig." Parehas silang nagtawanan. Patakbong lumapit si Kurt kay Mika at mahigpit siyang niyakap.
"Bitawan mo nga ako erp. 'Yung kalahi mo, pinapatulan mo."
"Wag mo nga akong ma erp erp dyan. Future boyfriend mo ako. Saka anong kalahi? Bakit may lawit kaba?"
"Ano sapakan nalang oh?" Bumitaw siya sa pagkakayakap ng binata ngunit agad naman siyang niyakap nitong muli.
"Tara. Basta sa kama." Nanlaki ang mga mata ni Mika saka hinarap ang binata. "Aray!" Sigaw nito nang makatanggap ng sipa sa kaniyang pagkalalaki.
"Mabuti 'yan sayo! Pervert! Gag*!"
Nagsimula sa mga asaran... Hanggang sa magkasakitan hindi na alam ang pinagmulan... Pati maliliit na bagay na napag uusapan bigla nalang pinag aawayan... ngunit kahit na ganito... madalas na di tayo magkasundo... ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko...
Umalis sila sa loob ng Auditorium at masayang tumungo sa kanilang silid. Hindi man magkahawak ang kanilang mga kamay ngunit damang dama nila ang isa't isa.
Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw parin ang gusto ko... kahit na sinasampal ko ako't sinipa't nasusugatan mo... ikaw parin walang iba... ang gusto kong makasama... Walang iba...
***
"Malapit na birthday natin bessy!" Niyakap ni Abigail ang matalik na kaibigan.
Napabuntong hininga si Janine, "Parang hindi maganda ang kutob ko sa birthday ko. Kinukutuban ako sa hindi malamang dahilan."
"Ano ba naman 'yan!? Diba may faith ka? Kaya dapat maniwala kang walang mangyayaring hindi maganda. Puro kasi kutob 'tong bruhang 'to e."
"Naniniwala naman ako. E, bessy, napapaisip parin kasi ako tungkol dun sa masama kong panaginip dati. Natatakot parin ako."
"Wala 'yan! You're so nega talaga. Tara na, punta tayo mall." Hinila nito ang kaibigan papaalis sa bench na kinauupuan.
Ilang araw nalang ang hihintayin. Malapit na ang kanilang kaarawan. Nakapagpaalam na si Janine sa kaniyang Ina inahan at pinayagan naman siya nito.
Sinabing nasa tama na itong edad at kailangan niyang maexperience ang pagiging malayang dalaga. Tiwala naman ang kaniyang Ina-inahan na walang mangyayaring hindi kaaya aya sa kanila.
Tumungo silang dalawa sa malapit na mall. December na kaya makikita sa paligid ang bakas ng pagsapit ng pasko. Marami nang nagtitinda ng mga Christmas decor at mga panregalo.
Maaliwalas ang panahon at madadama narin ang malamig na simoy ng hangin.
"Tara dun oh!" Hinila siya ng kaibigan at nagpadala nalang din siya.
"Abi, malayo pa naman ang December 25, saka na tayo magregalo." Saad niya sa kaibigan dahil dinala siya nito sa isang gift shop.
"Ano kaba? Nakasale oh! Tsaka mas hassle na bumili sa mga susunod na araw. Mas maganda nang nakaready tayo. Gusto rin bilhan si Mommy at Daddy ng gift surprise ko sa kanila sa pasko."
"Kung sabagay, sige na nga. Bibili narin ako."
Kung saan saan sila dinala ng kanilang mga paa. Si Janine ay nakabili na samantalang si Abigail naman ay panay lang ang tingin sa mga nakadisplay.
"Ano ba? Magwiwindow shopping ka lang ba?" Untag ni Janine sa kaibigan.
"Hindi ako makapili e, ano kayang pwedeng iregalo?" Napakamot ito sa kaniyang ulo.
"Hmm... Mapera naman kayo and I'm sure mamahalin ang mga gamit ng mga magulang mo. Lv nalang ang sa Mommy mo, bags or belts, Gucci nalang or chanel na brand o kaya necktie para sa Daddy mo. Kayang kaya mo naman bilhin 'yun e."
"Sige na nga. Since bestfriend kita at may tiwala ako sayo." Tinapik nito ang balikat ng kaibigan at napangiti. "Wait, nasaan kaya si Diana?"
"Si Diana? Nagtext siya saakin kanina. Bumisita sila sa Tita niya kasi wedding anniversary."
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
قصص عامةTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...