Ngiwing pinagmasdan ng magkakaibigan ang nag aasarang kurt at Mika. Hindi na nila naiintindihan ang tinutukoy ng dalawa sa kanilang pag aasaran.
"Teka!" Suway ni Rico sa dalawa nang mayroon siyang maalala, "Ano palang nangyari nun Kurt nung nasa club tayo nung nakita natin si Mika don?"
Natameme ang dalawa. Napahinto sila sa kanilang pag aasaran. Parehas silang napayuko at nawalan ng sasabihin.
"Kailan 'yan bakla? Bat hindi ako nainform na nagkaclub kana rin pala dati Mika?" Tanong ni Reymundo dahil sa kuryusidad.
"Ah, y-yun? Deal kasi 'yun." Kinakabahang tugon ni Mika. Kainis naman oh? Bakit pa kasi tinanong?
"Panong deal?"
"Y-Yung friend ko na si Jinkey sabi niya magkaclub kami kapalit nun ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niyang babae."
Napatango tango si Reymundo, "Ah, kaya naman pala."
Sumabog ang pinipigilang tawa ni Kurt dahil naalala rin niyang ang gabing iyon ang pinakaunang gabi na nagsuot at nag-ayos ng pambabae si Mika.
Napasapo si Mika sa kaniyang ulo, "Siraulo ka talaga! Subukan mong ikwento 'yun humanda ka talaga sakin!" Bulong nito nang mapagtanto ang ikinatatawa ni Kurt.
Napahawak si Kurt sa kaniyang sikmura dahil sa sobrang tawa kaya mas lalong nawirduhan ang kanilang mga kaibigan.
"Marami siguro tayong hindi alam sa dalawang 'to. Weird niyong dalawa wag na nga lang!" Iritang saad ni Reymundo.
"Kaya nga! Ikutin niyo na ulit 'yung bote." Nadismaya ang lahat dahil sa kalokohan ng magkasintahan.
Muling pinaikot ni Abi ang botilya at nagulat sila nang tumutok ito kay Carlos. Napahinto sa pagtawa si Kurt at nagseryoso ang lahat.
"Hays, sinasabi ko na nga ba." Bulong ni Carlos sa sarili.
"Mukhang magandang question and answer 'to!" Bulalas ni Rico.
Ang lahat ay nagpalipat-lipat ng tingin kay Abi at Carlos, "Carlos, the question is..."
Napapikit nang mariin si Carlos. Mamaya kung ano pa ang itanong nito saakin. Mayari ako nito.
"May dapat ka bang aminin kay Diana? Spill it out. Magkaaminan na kayo."
"Hoy bakit naman ako? Pagsi Carlos ako agad?" Napatalikod si Diana ng upo. Naiilang siya dahil sa mga mapanuksong kaibigan.
"Oo na! Aamin na ako. Masaya na kayo?" Pilit na pinapahinahon ni Carlos ang kaniyang sarili.
"Easy bro."
Diretsong napatingin si Carlos sa nakatalikod na Diana at napabuntong hininga, "Nung lasing si Diana hinalikan ko siya."
"Woah!"
Napahinto si Diana. Dahan dahan siyang napaharap kay Carlos. Nagtaka siya sa sinabi nito dahil ang alam niya na ang nangyaring iyon ay isang panaginip lamang.
"Hindi 'yun panaginip Diana and hindi ako nagtake advantage sayo nung lasing ka. Sa bar, habang panay ang inom mo tinitignan kita habang kumakanta ako. Lasing kana nun. Pinipigilan kapa nung bar tender na uminom. Lasing kana, kaya naisipan kong ihatid ka dahil kaibigan ka nila Abi. Baka mapahamak kapa,"
Muling napabuntong hininga nang paulit-ulit si Carlos pagkatapos ay muli siyang nagsalita,
"Paglabas natin nun sa bar. Panay ang titig mo sakin. Nababasa ko sa mga tingin mo na may gusto ka saakin at hindi nga ako nagkamali kasi umamin ka saakin na gusto mo ako. I kissed you kasi may gusto akong iconfirm."
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...