"Pst hoy mga te!" Tawag ni Abi sa ibang mga kaibigan. Agad namang nagsilapitan sila Reymundo, Mika, Kurt at Diana maliban nalang kay Carlos na nag iisa sa isang sulok.
Ipinakita niya ang litratong nakuha. Izinoom niya pa ito para malinaw sa mga kaibigan ang tinutukoy.
"Anong nasa isip mo ngayon?"
"May plano ako. Bakit hindi natin sila bigyan ng isang romantic at perfect time para magkaaminan?" Suhestiyon niya.
"Hmm... Magandang idea." Napangisi si Kurt sa sariling naisip, "Tulungan nating dumamoves si Rico, masyadong mabagal e."
"Kaya nga. Halata naman sa dalawa na nagugustuhan nila ang isa't isa. Wala lang time na makapag usap in private."
"Bet ko iteys!"
Yumuko si Abi tsaka pinalapit pa ang mga kaibigan, "Ganto guys, may susunod kasi tayong pupuntahan. Sa Sahaya Garden which is malapit lang dito. Iset up nating silang dalawa."
Napaisip ng sandali si Reymundo, "Ay iba! May naisip rin ako mga ateh. Diba may tulay dun sa gitna ng Garden? Dun natin sila ipagtagpo!"
"Korek ka dyan baks! Gawa tayo ng paraan para mapunta natin yung dalawa doon nang hindi nila namamalayan. Magrerent rin ako ng tutugtog para sa kanila para mas lalong romantic!"
"Naiimagine ko nang agad kung ano ang mangyayari!" Nakangiting saad ni Diana tsaka tumingala sa langit na mukhang kinikilig.
Nagsisang ayunan ang lahat sa plano. Inanunsyo ni Abi na pupunta na sila sa susunod na destinasyon kung saan ang Sahaya Garden.
Excited ang iba samantalang si Carlos ay walang alam sa mga kaganapan sa paligid.
Saglit siyang napabuntong hininga tsaka muling pinagmasdan sa huling pagkakataon ang tanawin ng Bulkang Taal.
Ang dami kong malulungkot na alaala dito kaya hindi ko gustong pumunta dito.
Naalala niya ang magagandang alaalang kasama at buo pa ang kanilang pamilya noong siya ay bata pa lamang.
Sunod sunod ang kaniyang pagbuntong hininga. Bago pa siya lamunin ng kalungkutan ay mas pinili niyang sumunod na sa kaniyang mga kaibigan sa pagsakay sa van patungo sa Sahaya Garden.
Puro na kalungkutan tong buhay ko. Pakiramdam ko hindi na ako naging masaya kahit minsan. Lagi akong pinagkakaitan ng tadhanang maging masaya.
Siguro ganto na ang buhay ko. Tatanggapin ko nalang maging miserable kaysa tapusin to.
Napatingin siya saglit kay Diana. Agad silang nag iwasan ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata.
Pagtungtong ng magkakaibigan sa Entrance ng Garden ay sinimulan na nilang agad ang plano. Hiwalay na namasyal ang magkakaibigan.
Si Rico, Mika at Kurt ay pumunta sa gawing kanan samantalang sina Diana, Reymundo at Abi naman ay pumunta sa gawing kaliwa.
"Kuya mamaya sa bridge of love kayo tumugtog. Pagnakikita mo nang nagkahawakan ng kamay yung dalawang yun tumugtog kana ha?" Utos ni Abi kay Mang Nestor bago nag abot ng bayad.
Tinuro niya ang dalawa at agad namang napatango ang lalaking nasa edad Trenta. Tumakbo na si Abi para sundan ang grupo nila Janine.
Sinadya nilang pag ibahin ang landas ng dalawa para hindi halatang may plano sila. Sinigurado din naman nilang magtatagpo parin sa tulay ang dalawa kahit magkaiba ang landas na kanilang tinatahak.
"Ganda dito mga beshy!" Tuwang tuwa si Janine sa mga nakikita.
Ang buong paligid ay napapaligiran ng magaganda at iba't ibang klase ng bulaklak. Mas lalo pang nabuhay ang buong paligid sa mga madesenyong street lights at mga lumilipad na paru-paro.
Minsang napapahinto ang magkakaibigan para makakuha ng magandang litrarto sa bawat madadaanang mga bulaklak.
"For keeps!" Saad ni Diana bago pinindot ang button ng camera.
"Out na out of place ako sa dalawang to!" Iritang bulong ni Rico sa sarili.
Nagmukha na siyang third wheel sa dalawang si Kurt at Mika. Nagmimistula na rin siyang tour guide at photographer dahil madalas kung magpakuha sa kaniya ng litrato ang magkasintahan.
"Tama na pagpapakuha mo ng picture Kurt!" Suway ni Mika sa nobyo.
Siya na ang nahihiya para sa kasintahan dahil kanina pa niya napapansing panay ang papicture nito sa kaibigan. Mukhang nagpapainggit ata kay Rico.
"Oo na pre, kayo na may jowa! Pansin na pansin kong nagpapainggit ka sakin. Alam ko ugali mo tol!"
Irita na si Rico sa kaibigan kaya naman binigay niya nang agad ang cellphone nito. Ngumuso pa siya at nauna ng naglakad. Mukhang nakakaistorbo pa ako sa paglalambingan niyo.
"Hoy joke lang! Ito naman hindi mabiro!" Tawang tawa si Kurt habang sinusundan ang katropa.
"Napakasiraulo mo talaga!" Nakapamot ang dalaga sa kaniyang ulo. Nakikiayon nalang siya sa kung ano ang nangyayari.
Nang mapagtanto nilang malapit na sila sa nasabing Bridge of Love ay gumawa na sila ng kung anong alibi para lang maiwanan sila Janine at Rico.
"Kurt, nasicr ako." Kunway naiihing saad ni Mika sa kasintahan at sinandya niyang iparinig ito kay Rico.
"Wala naman atang malapit na cr dito," napatingin si Kurt sa kaibigan "Pre, mauna ka nalang muna dun sa tulay. Samahan ko lang tong si Mika maghanap ng banyo."
"Sige." Wala sa sariling sagot ni Rico. Tuloy tuloy siyang naglakad hanggang sa mapuntahan niya ang tulay sa kalagitnaan ng Hardin.
Napakagandang tignan ng malinaw na tubig at mga isdang malayang lumalangoy sa ilalim ng tinatapakan niyang tulay.
Walang kaalam alam ang dalawa na sineset up na pala sila ng kanilang mga kaibigan.
"Janine bakit mag isa ka lang?" Takang tanong ni Rico nang makita ang dalaga na walang kasama.
"Ah? Sila Abi umalis saglit. Sabi nila maghahanap daw sila ng boylet kaya hinayaan ko nalang."
Nagtaka rin ito nang mapansing wala ring kasama si Rico. Unti unting nabuo ang konklusyon sa kaniyang isipan ngunit binubura niya ito dahil hindi tama kung iisipin.
"Wala ka rin kasama?"
"Wala. Naghahanap ng banyo yung dalawa kong kasama kanina... pero teka..."
"Naset up tayo!" Saad nila nang sabay. Parehas nilang nasapo ang kanilang mga noo.
"Kaya naman pala biglang nagsialisan kasi may balak."
Bigla silang nakaramdam ng hiya dahil narin sa silang dalawa lang ang tao sa lugar. Mukhang walang tao ang nakapaligid sa kanila ngayon.
Napaisip sandali si Rico. Mukhang nagplano yung mga lokong yun dahil gusto nila akong tulungan sa panliligaw ko kay Janine. Pero paano? Hindi ako handa!?
Ngiwing napatingin sa ibang direksyon si Janine. Balak na niya sanang umalis ngunit may bumabagabag sa kaniya na huwag iwan ang binata.
"R-rico?"
Agad napatingin sa kaniya ito. Tahimik na naghintay ang binata sa mga susunod na sasabihin ni Janine.
"T-totoo bang nanliligaw ka saakin?"
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...