CHAPTER 37

74 4 0
                                    

Masayang nagigitara at nagkakantahan ang magkakaibigan. Napakasayang pagkakataon ito para sa kanila dahil sa maganda at nakakakilig na atmospera.

Alas dies na ng gabi. Unti nalang ang tao at nasa gilid sila ng isang bonfire. Nakapaikot sila habang nag iinuman at nagkakantahan.

Nagitla sila nang marinig ang tili ni Reymundo na patungo sa kanilang kinaroroonan.

"Bakla!" Tili nito. Ang lahat ay sinundan siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa tabi ni Abi. Hindi na siya nagtaka pa roon.

"Kamusta kayo ni Louwie?" Bungad ni Abi habang nakatingin kay Reymundo at sumimsim ito sa kaniyang bote ng alak.

Tumingin ng makahulugan sa kaniya si Reymundo. Ngiting ngiti ito habang naaalala ang pagkakataong magkausap sila ni Louwie.

"San kaba galing Reymundo?" Biglang tanong ni Rico. Agad namang napataray si Reymundo nang sabihin ni Rico ang tunay niyang pangalan.

"Kinita niya si Louwie kuno." Singit naman ni Diana at uminom rin sa hawak na bote.

"Kwento naman dyan Amanda." Nakangiting wika ni Janine. Napatingin sa kaniya ang katabing si Rico at sinundot nito ang kaniyang tagiliran.

"Wag ka nga ganyan Rico." Inis ngunit nakangiting bulong ni Janine.

Humarap si Reymundo sa kaniyang mga kaibigan at hindi parin matanggal ang ngiti sa kaniyang labi. Nag uumapaw ang sayang nararamdaman niya ngayon.

"I feel hoity-toity! Nagbigayan lang naman kami ng number ni Louwie and omeged mga Sis super good looking niya tapos ang hot pa! I think he's the one na!"

Napangiwi si Carlos. Hindi talaga siya interesado sa mga ganitong bagay kaya naman lumagok na lamang siya sa kaniyang inumin tsaka tumingin sa ibang direksyon.

"Ayiee! Pero hinay hinay lang Sis ha?" Mahinang hinampas siya ng kaibigang si Abi.

"Syempre naman girl! I know that."

Hinawi niya ang kaniyang buhok at inabutan siya ni Abi ng isang maliit na bote ng alak.

"By the way, anong ganap dites?" Pag iiba niya sa usapan.

"Ay teh marami!" Napaayos si Diana sa kaniyang pagkakaupo at bahagyang lumapit kay Reymundo.

"Huli ka sa balita girl. Nagpoprose si Kurt kay Mika!" Si Abi na ang unang nagsalita.

Nagkatinginan ang tahimik na sila Kurt at Mika. Nakangising niyakap ni Kurt ang nobya at ginantihan rin naman siya nito.

Gulat na napatingin sa kanila ang kaibigang baklita, "Seryoso mga tih!? Nagpropose?" Nagkatinginan ang magkasintahan at parehas na napatango.

"O.M.G! Kailan kasal? Ninang ako mga tih ha?"

Nagtawanan ang ilang mga kaibigan nila dahil sa sinabing iyon ni Reymundo, "Ano kaba beks,? Propose pa lang naman." Tawang saad ni Mika.

Lumagok muna si Kurt sa kaniyang botilya, "Nagpropose ako para wala ng iwanan at gusto ko ring malaman ng ibang mga lalaki na akin lang si Mika. Plano namin ni Mika na magpakasal one year after nating makagraduate ng college."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon