CHAPTER 45

63 3 0
                                    

***

"Good morning!" Bati ni Kurt nang makababa mula sa kwartong kinatutulugan.

Napabuntong hininga si Janine tsaka ininom ang kape sa kaniyang tasa.

"Nakakatakot mang alalahanin, pero Janine, kitang-kita ko na nawalan ka ng ulo kagabi bago mangyari 'yung pamamaril." Saad ni Diana. Puyat na puyat ito dahil patuloy siyang binabagabag ng kaniyang naiisip.

"And ang pagkakaalam ko, pagnawawalan ng ulo ang isang tao, sign 'yun na mamatay siya." Nakatulalang saad ni Reymundo habang nginangatngat ang kaniyang kuko.

"Tapos may nagtakang barilin tayo. Sino namang gagawa satin nun? Sobrang nakakaupset lang." Wika ni Mika.

"Kaya nga. Niisa wala akong nakaaway." Napabuntong hiningang muli si Janine.

"By the way, naiwan ko 'tong camera sa gubat kagabi buti nalang hindi nawala and binalik saakin ni Mang Lito. Mukhang lowbat na siya at thank God may dala akong extrang battery." Itinaas ni Mika ang hawak na camera at pinalitan iyon ng battery.

Napabalikwas si Carlos sa kaniyang kinauupuan, "Diba narecord mo 'yung mga nangyari kagabi Mika?"

Napatango si Mika, "O-oo at mukhang nakalimutan kong i-end 'yung record kaya siguro 'to nalowbat."

"Pahiram ako. Try na'ting pag-aralan 'yung mga nangyari kagabi."

Kinuha ni Carlos ang camera tsaka umupong muli sa sofa. Nagsilapitan ang kaniyang mga kaibigan at ipi-nlay nila ang isang dalawang oras na video.

Kitang-kita doon kung paano nila inihanda ang pagpaprank sa mga kaibigan. Ang preparation nila sa tarpaulin at mga lapida. Seryosong seryoso sila habang pinapanuod ang mga iyon.

Napanuod rin nila kung paano nainis sa kanila si Abi at Janine. Hawak ni Mika ang camera sa oras na iyon at inilagay ito sa stand. Nakalimutan niya palang i-end ang pagrirecord kaya nakuhaan din ng camera ang pagkukwentuhan nila ng mga katatakutan.

Nagulat silang lahat nang makita rin sa bidyu kung papaano nawalan ng ulo si Janine. I-zinoom ito ni Carlos at malinaw na malinaw na nawalan talaga ng ulo si Janine.

Napailing-iling si Janine hanggang sa nagsimula nanaman siyang mapaluha. Hindi siya makapaniwala na nawalan pala talaga siya ng ulo sa oras na iyon.

Nagpatuloy sila sa panunuod ng bidyu at nalaman nilang sa direksyon pala ni Janine dumaan ang unang bala ng baril. Sobrang bilis ng pangyayari buti nalang ay napayuko silang agad kung hindi ay paniguradong mababaril si Janine sa likuran ng kaniyang ulo.

Napahagulhol si Janine, "So ibig sabihin mamatay talaga dapat ako kagabi?"

"Shh..." Niyakap siya ni Rico, "Hindi ka mamatay Janine kasi itinadhanang naligtas ka namin. Wag kang mag-iisip ng ganyan."

"Kaya nga Janine. Ligtas ka okay?" Tinapik ni Mika ang balikat ng kaibigan.

"Maraming salamat sa inyo guys. Kundi dahil sa inyo baka wala na ako ngayon. Maraming salamat talaga."

Niyakap ng lahat si Janine, "Kaibigan ka namin Janine at sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang naman diba? Don't worry we're safe now. Hindi hinayaan ni Lord na may mangyaring masama satin."

"Sobrang thank you sainyo. Mahal na mahal ko kayo." Niyakap niya ng isa-isa ang kaniyang mga kaibigan.

Ihininto ni Carlos ang bidyu at ibinalik ang camera kay Mika.

"Mabuti nalang at ligtas tayong lahat. Walang napahamak, walang nasaktan." Saad ni Rico.

"I suggest na mag-i-stay nalang muna tayo dito sa bahay at maglinis nalang dahil baka may nag-aabang nanaman saatin. Mas mabuti ng sigurado para safe tayong lahat." Suhestiyon ni Abi.

Sumang-ayon ang lahat at nagkanya-kanya na ng paglilinis. Umakyat ang iba sa kanilang mga kwarto para doon na maglinis.

Niyakap ni Rico si Janine nang mapansin niya na panay parin ang pagbuntong hininga ng dalaga at balisang balisa pa rin ito.

"Janine, stop worrying. Nandito lang ako ha? Hangga't kasama mo ako, magiging safe ka."

Napipilitang napangiti ang dalaga at niyakap pabalik ang binata, "Rico muntik na akong mamatay. Hindi ko lang matanggap na mangyayari pala 'yung ganun sakin."

"Tahan na Janine. Wag mo na isipin 'yan. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari kagabi mas lalo ka lang mag-aalala."

"Oo." Bumitaw sa pagkakayakap si Janine at kinuha ang kaniyang teleponong nakapatong sa side table ng kama.

"Kakamustahin ko lang sila Mama. Baka nag-aalala na sila sakin."

Napatango si Rico tsaka sinimulang ayusin ang mga gamit sa kanilang kwarto.

Ilang beses na nagring ang cellphone at sa wakas ay sinagot na ito ng kaniyang Ina, "Hello ma, kamusta kayo dyan?"

"Oh Janine! Maayos naman kami dito sa awa ng Diyos. Kamusta kana rin dyan? Namimiss kana namin ni John Ronald."

Napasinghap siya at pinigilan ang namumuong luha sa kaniyang mata, "Maayos rin naman kami dito Ma,"

Napatingin sa kaniya si Rico. Napailing siya at hinayaang magsinungaling ang dalaga sa kaniyang Ina dahil baka mag-alala lang ito.

"Nag-eenjoy kami dito Ma! Ang saya pala dito sa Batangas."

"Talaga anak? Sana sa susunod makapunta rin kami ni John Ronald dyan." Masaya ang tono nito.

"Nako Ma, w-wag dito. S-sa ibang lugar nalang ma. B-boring pala dito pag wala kang matutuluyan."

Nabahala siya. Ang totoo ay ayaw niya ng magtagal sa lugar na ito dahil baka mapahamak nanaman siya.

"Ha? Ang sabi mo anak nag-eenjoy kayo dyan?" Nag-alalang bigla ang kaniyang Ina sa kabilang linya, "May nangyari bang hindi maganda?"

"Nako ma wala! Safe po kami dito wag kang mag-alala. Sige ma may gagawin pa pala ako, ingat kayo dyan palagi ni John Ronald. God bless! I love you ma!" Agad niyang pinatay ang tawag upang hindi na magtanong pa ng kung ano-ano si Dennise.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon