"S-sino ka!?"
Pinakatitigan ni Janine ang babae. Rinig na rinig niya ang pag-iyak nito. Hindi matukoy ng dalaga kung sino ang nasabing babae kaya kinusot niya ang kaniyang mata at ilang beses napakurap.
"S-sino ka!?" Ulit niya.
Nagpatuloy ito sa pag-iyak. Tila hindi napansin ang katanungang iyon ni Janine. Hinangad nito ang kaniyang mukha at saka lang nakilala ni Janine ang babae.
"A-angelita? I-ikaw ba 'yan? B-bakit ka nandito? Bakit kaba laging nagpapakita sakin?"
Humihikbi ito. Tumingin ito sa kaniyang mga mata at unti-unting naglaho ang takot kay Janine dahil napalitan ito ng awa.
Kagaya ng palaging ayos ni Angelita ay ganun rin siya ngayon. Nakasuot ng puting damit, mahaba ang buhok at basang-basa ito ngunit maamo tignan ang mga mata.
"Patawarin mo ako. Iligtas mo ang sarili mo."
Napailing-iling siya, "Bakit? Angelita anong meron? May koneksyon ba ako sayo? Sabihin mo sakin!"
Humagulhol ito sa kaniyang harapan, "Patawarin mo ako. Malaki ang kasalanan ko sayo, pati sa Diyos."
Nagsisimula nanamang maguluhan si Janine, "Angelita, sabihin mo ang lahat saakin. Pakikinggan kita. Sabihin mo! Ano ang kinalaman ko sayo? Bakit ka laging nagpapakita saakin?"
Lahat ng mga katanungan sa kaniyang isipan ay sa wakas naitanong niya na rin at kailangan niya ng sagot sa lalong madaling panahon.
"Ikaw ang pangay sa ikaapat na saling-lahi ng inyong angkan—." Hindi nito natuloy ang gusto nitong sabihin kay Janine dahil bigla nalang nangitim ang mga mata nito. Bahagya siyang napaatras. Bumalik ang takot sa kaniyang puso.
Bigla itong tumawa nang malakas. Nagkaroon ng dugo ang mga kamay nito at dahan-dahang lumalapit ito sa kaniya.
"Wala ka ng magagawa Janine! Hayaan mong mamatay ang iba para maligtas ka!" Humalakhak ito, "at kung gusto mo namang maligtas ang iba, kailangan mong mamatay! Kaya Janine, pumili ka! Mabuhay habang marami ang namamatay o mamatay para marami ang mabuhay?!"
Napasabunot siya sa kaniyang buhok nang manakit nanaman ang kaniyang ulo.
"Wala akong gagawin! Hindi ako magpapakamatay! Masama 'yun! At para maligtas ang iba, gagawa ako ng mabuting paraan kaya lubayan mo na ako! Sino kaba!? Bakit umiiba ang itsura mo? Ikaw ba ang totoong Angelita!?"
Tumigil ito sa pagtawa at tila sumeryoso ang mukha nito, "Paano kung sabihin kong hindi?!"
"Kaya naman pala nag-iiba si Angelita kasi ang totoo mabuti talaga siya at nagawa niya lang ang bagay na'yun dahil nilamon siya ng galit. Kung gayon sino ka?! Bakit mo ginagambala si Angelita!?"
"Tumahimik ka!" Mabilis itong lumapit sa kaniya at mahigpit na sinakal ang kaniyang leeg.
"Bitawan mo ako! Sino kaba talaga!? Bakit ginugulo mo si Angelita!?"
Humalakhak itong muli at laking gulat ni Janine nang magbago nanaman ang itsura nito. Napaisip siya at naalala niya ang mukha ng matandang babae na minsan na ring sumakal sa kaniya— sa panaginip.
"I-ikaw yung kasama ni Angelita!?" Kinakapos na siya ng hininga dahil pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal nito sa kaniyang leeg.
***
"Sige maraming salamat pre!" Napabuntong-hininga si Rico tsaka binaba ang tawag. Tinawagan niya kasi ang kaibigan niyang si Janver para humingi ng tulong na makuha ang mga litrato ng mga bangkay ng mga pumanaw niyang kaibigan.
Nasa NBI kasi nagtatrabo ang tito nito at kahit papaano ay gusto rin ni Janver na tulungan sila sa kaunting paraan.
Umupo siya sa sofa at humarap sa laptop na nakapatong sa lamesa. Iniscroll niya ang mga litratong sinend sa kaniya ni Janver.
Naaawa siya sa mga kaibigan niyang pumanaw dahil brutal ang pagkakapatay sa kanila. Si Abi, butas ang noo, si Reymundo may malaking hiwa sa leeg samantalang si Kurt naman ay may mga saksak sa leeg.
Napayuko siya at napatingin sa katabing kanina pa nakatulala, "Janine tumawag ba sa'yo si Carlos o Diana? Dalawang araw din natin silang hindi nakausap o nakita."
Hindi umimik ang katabi. Mukhang malalim ang iniisip nito, "Janine?" Tsaka lamang ito nabalik sa wisyo nang kalabitin niya ito.
"Do you have someting in mind?" Tanong niya. Janine just shook her head.
"Anyways, ito 'yung mga pictures nila Reymundo, Abi and Kurt. Hiningi ko sa tito ni Janver."
Hindi makatingin si Janine sa mga litrato dahil naguguilty at naaawa lang siya sa kalagayan ng mga ito.
"Hindi mo ba napapansin Janine, na parang may pagkakaparehas 'yung dahilan ng pagkamatay nila? Puro leeg o kaya ulo. Nakapagtataka and I think hindi lang 'to nagkataon. Pano natin masosolve 'tong problema na 'to kung sa umpisa palang hindi na natin alam 'yung pinagmulan o dahilan?"
Napatulalang muli si Janine. Pumasok sa kaniyang isipan si Angelita. Inalala niya ang mga oras na nagpapakita sa kaniya ito.
"Pugot ulo..." Bigla niyang banggit sa gitna ng kaniyang pag-iisip.
"Pugot ulo?" Nagtatakang tanong ni Rico.
"Rico, sa tingin ko may kaugnayan nga ang lahat ng mga nangyayari saakin." Nakatulala niyang saad.
Kinunutan siya ni Rico ng noo, "Janine, pano naman nangyari 'yun?"
Napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita, "Sa totoo lang, simula palang n'ung bata ako, madalas kung may magpakitang babae sakin. Nakakatakot siya. Madalas ko siyang makita sa panaginip o sa reyalidad. Akala ko malik-mata lang e, pero hindi pala."
"Anong sinasabi mo?"
"Rico, hanggang ngayon 'yung babaeng 'yun nagpapakita pa rin siya sa'kin. Nakasuot siya ng puti, mahaba buhok, maganda, maputi tapos minsan may dala siyang pugot na ulo. Madalas niyang sabihin sakin na hindi daw ako magiging masaya. Na magdurusa daw ako. Lahat ng sinabi niya nangyari sakin pero hindi ko 'yun napansin kasi pinipilit kong maging positibo.
Bata palang ako, wala na kaming magulang ng kapatid ko. Kung titignan, naging miserable nga ako n'un. Hindi ko lang talaga iniisip na malas 'yung mga nangyari sakin." Napayuko siya.
"Tapos ngayon, namatay 'yung tita ko nang hindi ko man lang nalalaman kung ano 'yung dahilan kung bakit siya umalis. Tapos namatay sila Amanda, Kurt at Abi. Rico, magkakadugtong. Posibleng ako 'yung dahilan kung bakit nangyayari 'to."
Ipinilig ni Rico ang kaniyang ulo tsaka niyakap si Janine, "Diba nga, wag kang mag-iisip ng masama? Hindi kapa sigurado dun."
"Rico, 'yung pugot na ulong hawak n'ung babae sa panaginip ko parang may connection siya sa nangyari kasi tignan mo, kagaya ng sinabi mo, madalas leeg o kaya sa ulo. Tapos kagabi, nagpakita nanaman siya sa'kin. Nagmamakaawa siya na patawarin ko daw siya, na iligtas ko daw 'yung sarili ko. Rico, ako talaga 'yung dahilan. Layuan mo na ako. Ayoko may mamatay nanaman dahil sa pagligtas sakin."
"Janine, nag-usap na tayo diba? Na kahit anong mangyayari sasamahan kita. Kailangan lang na'ting maniwala na malalagpasan na'tin 'to. Kung susuko ka, pano nalang 'yung binuwis na buhay nila Amanda? Sasayangin mo nalang ba 'yun? Sasama ka na rin ba sa kanila sa kabilang buhay? Kailangan nating magpakatatag sa mga pagsubok na 'to."
Tears fall from her eyes. Niyakap niya pabalik ang nobyo. Malaki ang pasasalamat niya dahil nandyan si Rico na handang tulungan siya sa mga problema niya.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...