CHAPTER 63

72 3 0
                                    

          Alas kwatro palang ng umaga ay kaagad na umalis ng kubo sina Janine, Rico, Carlos at Father Jeremiah. Nakapagpaalam sila ng maayos kila Mang Pulon at Kristina at marami rin silang nalaman tungkol sa pamilya ng mga ito.

Mahigit isa't kalahating oras na silang naglalakad sa mahabang kalsada na pinapagitnaan ng mga damo ngunit wala parin silang nakikita ni bubong ng sinasabing hacienda.

Hanggang ngayon ay hindi parin maganda ang lagay ng panahon. Maaaring pumatak ang ulan kahit ano mang oras kaya naghanda na sila ng payong na pwede nilang gamitin.

"Sabi nila Kristina mga dalawang oras lang pwede na tayong makarating sa hacienda pero bakit ngayon wala pa akong naaaninag na bahay? Niloloko ba nila tayo?" Anas ni Carlos.

Napapagod na ang kanilang mga paa sa paglalakad at unti-unti naring nauubos ang mga dala-dala nilang tubig.

"Teka nga, huminto muna tayo. Kanina pa kasi ako may napapansin." Napapakamot sa ulong saad ni Janine.

Tumingin siya sa pamilyar na damuhan. Tinandaan niya ang talahiban na iyon na kanina niya pa nakikita sa kanilang paglalakad.

"Mukhang naliligaw tayo." Dugtong niya.

"Sinasabi na nga ba e! Kanina pa tayo nagpapabalik-balik dito! Akala ko guni-guni ko lang!" Marahas na napabuntong hininga si Rico.

Alalang napatingin si Janine sa kasama nilang Padre, "Father kaya mo pa po ba? Ayos kalang po ba?"

"Ayos lang ako Janine. Kaya ko pa naman." Napatango-tangong agad si Janine.

Lahat sila ay bahagyang nainis nang makumpirmang kanina pa pala sila nagpapabalik-balik sa kanilang nilalakaran. Akala nila ay malapit na sila sa kanilang patutunguhan iyon naman pala ay nalilinlang na sila ng kung sino.

Saglit silang nagpahinga at muli nilang itinuloy ang kanilang paglalakad. Dalawang oras pa ang lumipas ay wala pa rin silang naabutang mansyon.

Tumakbo silang agad nang bumuhos nang napakalakas ang ulan. Mabuti nalang at nakatakbo sila sa isang malaking puno. Kahit papapaano ay may masisilungan sila.

"Panginoong Hesu Kristo, nawa'y makarating na kami sa hacienda at nang matapos na ang kaguluhang ito." Hinihingal na dasal ng pari sa kaniyang isipan.

Malapit na silang mawalan ng pag-asa, pagod na pagod na rin sila at hindi nila alam kung mapupuntahan pa nila ang hacienda.

Nang mas lumakas pa ang ulan ay napilitan silang maglabas ng payong ngunit masyadong malakas ang ihip ng hangin kaya nasirang agad ang dala nilang mga payong.

"Itago niyo itong Bibliya!"

Basang-basa na sila at kahit sa anumang oras ay pwede silang dapuan ng sakit. Mukhang ang mga nangyayari sa kanila ngayon ay kagagawan ni Carmen.

Si Carmen lang naman ang bukod tanging gustong kumuha sa kaluluwa ni Angelita. Higit pa roon ay naghahakot ito ng mga kaluluwang maisasama niya sa impiyerno.

Nilason niya ang utak ni Angelita upang lamunin ito ng galit at hinimok nito si Angelita na sumanib sa kasamaan nang sagayon ay matupad nito ang plano nitong maparami ang mga kaluluwang iaalay kay satanas.

"Kailangan nating manalig. Kailangan nating lakasan ang pananampalataya natin kung hindi tuluyan na tayong matatalo ng kasamaan." Nanghihinang saad ng pari.

Nagyakapan silang lahat upang maibsan ang lamig sa kani-kanilang mga katawan at para narin maprotektahan ang dala nilang bibliya dahil importante at kailangan nila ito sa kanilang gagawin mamaya.

Nang tumila ang ulan, nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad. Hinang-hina na sila at tinitiis nila ang lamig na nararamdaman.

"May nakikita na akong bahay! Sa tingin ko, 'yun na ang hacienda!" Saad ni Rico at Carlos.

Napangiti silang lahat. Sa wakas, malapit na sila sa kanilang patutunguhan kahit pa na inabot na sila ng takip-silim.

"Pamilyar na ang lugar na ito. Siguro nga ito na 'yun!" Masayang saad ng Pari.

Bahagyang napaluha si Janine. Sobrang nagpapasalamat siya dahil sa dinarami-raming pagsubok na kanilang dinaanan ay sa wakas, malulutas na nila iyong lahat.

Sa paglalakad ay kusang napatigil sa paglalakad si Janine. Napako ang kaniyang mga paa nang matunton ang palayan sa hacienda ng mga Tolentino. Napakapamilyar ng lugar na ito para sa kaniya.

Kahit pa na wala na ang mga palay na napalitan na ng mga matatayog na damo ay makikita pa rin ang dating itsura ng paligid.

Napatingin siya sa mga paa niyang halos manlata na dahil sa kanina pa nababasa ng tubig. Maputik na ang mga ito. Napaluha siya sa hindi malamang kadahilanan.

Napahinto sa paglalakad si Rico nang mapansin na kulang sila. Wala si Janine. Tumingin siya sa kaniyang likuran at nakita niya na nagbago ang itsura ni Janine.

"Janine!" Sigaw niya. Nagtayuan ang lahat ng kaniyang balahibo. Hindi niya kilala ang babaeng nakikita niya ngayon.

Napalingon rin si Carlos at Father Jeremiah. Nakakunot ang noo ni Carlos ngunit ang Padre naman ay gulat na gulat.

"A-angelita? Bakit ka nasa katawan ni Janine?"

Hindi ito nagsalita bagkus ay dali-dali itong naglakad patungo kay Father Jeremiah.

"Tulungan niyo ako Padre! Kinukuha niya na ako! Magmadali na kayo Padre! Parang awa niyo na!"

Bigla na lamang itong nawalan ng malay nang matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Mabuti nalang at agad na nasalo nila Rico ang walang malay na si Janine.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa tuluyan na silang nakarating sa mansyon ng hacienda. Napakaluma na ng itsura nito. May mga sira at nilulumot na ang mansyon. Nakakatakot ito kung pagmamasdan at aakalain mong mangkukulam talaga ang nakatira dito dahil sa kakaiba nitong awra.

Naglakas loob silang pumasok sa loob ng mansyon. Kahit pa na matagal na ang istrukturang ito ay kahanga-hanga parin ang pagkakadisenyo ng kabuoan nito.

Napakalawak at makikita mo ang magagarbong kagamitan na tinabunan ng mga sapot ng gagamba at alikabok. And dating malinis at makintab na sahig ay binabalutan na ngayon ng iba't ibang dumi.

Unti-unti ng nagkakaroon ng malay si Janine. Ipinaupo siya ni Rico sa bukana ng mansyon tsaka niya idinilat ang kaniyang mga mata.

Ngayon ay kailangan nilang hanapin kung nasaan ang bangkay ni Angelita at ang bangkay ng asawa nito. Dahil sa lawak ng mansyon ay hindi nila alam kung nasaan ang labi ng mag-asawa.

Nagpalinga-linga sila at tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Nanayo ang lahat ng balahibo sa kanilang katawan ng kusang sumara ang dalawang malaking pinto ng mansyon.

"Kung sino ka man, pinapaalis kita sa ngalang ng Panginoong Hesu Kristo!" Sigaw ni Padre Jeremiah at itinaas nito ang dala dalang maliit na krus.

Naghawak-hawak kamay sila at nagdasal sa kani-kanilang mga isip. Kailangan nilang magpakatatag at hindi matinag sa ginagawang pananakot sa kanila ng sinuman.

"Sama-sama tayong maghahanap para hindi tayo magkandaligaw-ligaw. Mas maganda ng sigurado dahil nililinlang tayo ni Carmen!" Matapang na saad ng pari.

Nagmamadali nilang sinimulan ang paglilibot sa mansyon. Mula sa salas hanggang sa banyo. Maging sa mga kwarto at nang mapuntahan nila ang hinala nilang kwarto ni Angelita ay kinilabutan sila dahil nandoroon parin ang ginamit nito sa pangkukulam.

Kinuha nila ang mga iyon at isinilid sa isang supot. Sunod silang nagpunta sa banyo, maid's quarter at bodega ng mansyon.

Kinikilabutan man ay binalewala nila iyon dahil alam nilang kasama nila ang Diyos at hinding hindi sila matatalo ng kung sino man.

"Hindi kayo magtatagumpay!" Rinig nilang sumisigaw na tinig. Napayuko sila nang marinig ang pagbagsak ng mga plurera at ilang kagamitan sa bodega.

Tinakpan ni Rico ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang mga kamay habang nakadapa. Sa bawat gamit na bumabagsak ay panay ang iwas nila roon para hindi sila mapahamak.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon