***
"Sino kayo? Bakit niyo ginagawa saakin ito?" Naluluhang saad ni Josefino. Ilang suntok, palo at paso narin ang natatamo niya simula nang siya'y dakpin ng limang armadong lalaki.
"Sinabi nang wag kang maingay!" Rinig niyang saad ng isang hindi pamilyar na lalaki. Malalim at malaki pakinggan ang boses nito.
Malakas siyang pinalo sa kaniyang hita ng isang dos por dos na kahoy. Napaaray siya at namilipit sa sakit.
"Parang awa niyo na. Hinihintay pa ako ng asawa ko. Ano bang kasalanan ko sa inyo?"
Puno na ng pasa ang kaniyang mukha maging ang kaniyang katawan. Halos hindi na siya makatayo at hilong hilo narin siya dahil sa palong natatamo.
"Wala kang kasalanan saamin, pero sa amo namin meron." Nagtawanan ang mga ito at muling pinalo si Josefino sa kabilang hita.
Patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha. Inaalala niya ang kaniyang asawa at paniguradong naghihintay na sa kaniya ito.
Panginoon ko, iligtas mo po ako sa kapahamakan. Alam ko pong nariyan ka. Hindi pa po ako handang mamatay ngunit kung mangyaring mawalan na ako ng hininga'y sana'y gabayan niyo ang aking asawa at huwag siyang ilagay sa kapahamakan.
Patawarin mo po ako sa lahat ng aking pagkukulang at mga kasalanang nagawa ko sa inyo. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Nagsisisi.
"Arraayyy!" Napasigaw siya sa sakit nang maramdaman ang pagdampi ng sigarilyo sa kaniyang balat. Wala siyang ibang magawa kundi ang magdasal at magmakaawa.
-Throwback-
Alas nueve ng gabi nang maghintay si Josefino sa kanilang tagpuan. Nakangiting pinagmamasdan niya ang paligid. May mga nakasinding kandila, may mga talutot ng rosas ang nakakalat sa sahig at may nagbibiyolin na tumutugtog ng matamis na himig.
Masayang masaya siya dahil gugunitahin na nilang mag asawa ang ikalabing-tatlong taon ng kanilang pagiging mag asawa. Hindi man sila magkaroon ng anak ngunit kuntento na siya sa kaniyang asawa.
Tinignan niya ang kaniyang relo. Mahinahong hinantay niya ang kaniyang asawa.
"Ginoong Josefino!" Napalingon siya nang marinig ang tinig ng kanilang abogado na si Ginoong Marcelino.
Tumayo siya sa kaniyang silya. "Oh, ikaw pala. Anong kailangan mo?"
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, maaari ba kitang makausap sa labas? Sandali lamang."
Tumango siya at sumama sa kanilang abogado. Lumabas sila ng kainan at pumunta sa isang madilim na eskinita.
"Masyado naman atang madilim dito." Nagtatakang saad niya.
"Wala kasing ibang mapipwestuhan. Hangga't maaari, gusto kong walang ibang makakaalam." Inabot nito ang isang papeles sa kaniya.
"Para saan ito?"
"Sa titulo ng lupa." Pinagmasdan niya ang papeles bagaman hindi niya gaanong mabasa ang mga nakasaad dito dahil na nga sa madilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...