Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang isang kahina-hinalang bagay sa pinakababang parte ng isang lumang kabinet. Ang kabinet na ito ay natatakpan ng kung ano-anong mabibigat na bagay.
"Merong kabinet dito! Tulungan niyo akong alisin 'tong mga nakadagan." Saad ni Rico.
Tumayo siya at sinimulang tanggalin ang mga kagamitan na nakadantay sa kabinet. Lumapit sa kaniya ang mga kasama at nagtulong-tulungan sila na alisin ang mga nakadagan.
"Hindi kayo magtatagumpay! Hindi kayo makakalabas ng buhay sa bahay na ito!"
Napadapa silang muli nang makarinig nanaman ng mga bumabagsak na gamit. Mas binilisan pa nila ang pagkilos at nang maalis na nila ang lahat ng mga gamit na nakadantay sa kabinet ay naabutan nila itong nakalock.
Napatakip sila ng ilong nang makaamoy ng masangsang na amoy. Malamang ay galing ito sa loob ng kabinet.
Luminga si Carlos sa paligid at laking pasasalamat nila nang makita ang isang palakol. Giniba nila ang kadena na nagsisilbing lock ng kabinet.
Naabutan nila ang isang lumang puting sako at mukhang mayroon itong laman. Kinuha nila iyon at kinalas ang tali. Tumindig ang kanilang mga balahibo nang makita ang buto-buto ng isang tao.
Putol putol ito na halatang tinaga. Magkahiwalay ang buto ng hita, kamay at paa sa ribs ng skeleton. Hinala nila'y ito na siguro ang nawawalang katawan ni Josefino na naagnas na ngayon.
Mabilis silang umalis sa bodega dala-dala ang sako na naglalaman ng labi ni Josefino. Sinipa ni Carlos ang nakasaradong pinto tsaka sila dumiretso sa huling bahagi ng mansyon na hindi pa nila napupuntahan—ang likod bahay.
Hindi na nila napapansin ang pag-usad ng oras dahil sa dami ng kanilang ginagawa. Wala silang kamalay-malay na pumatak na pala sa labing isa ang oras at mayroon nalang silang isa pang oras para tapusin ang sumpa.
Hindi na sila nahirapan pang hanapin kung saan inilibing ni Angelita ang kaniyang sarili dahil agad nilang nakita ang hukay na hindi natakpan ang kabuuan. Kitang-kita ang lubog na parte ng lupa kung saan inilibing ni Angelita ang kaniyang sarili.
Nagtulungan si Rico at Carlos na hukayin iyon tsaka nila inilabas ang buto-buto ni Angelita na may kasamang lumang kwaderno. Nandoroon rin sa hukay ang hinala nilang ulo ni Josefino.
Pinagtabi nila ang labi ng mag-asawa at inayos ito sa pormal na porma. Isinama nila sa hukay ang kwaderno at inilatag nila ang mga gamit sa pangkukulam sa tabi ng hukay.
Nagtulong-tulungan sila sa pagtatabon ng lupa at habang ginagawa iyon nila Carlos at Rico ay nagtulungan naman sila Father Jeremiah at Janine na ipagdasal ang dalawang bangkay.
"Panginoong Hesu Kristo, patawarin mopo ang mag-asawang ito sa kanilang mga kasalanan lalong-lalo na si Angelita. Patawarin niyo po sila sa kanilang pagkakasala at abutin mo po sila ng iyong mapagpatawad na puso. Pahintulutan mopo silang makasama ka panginoon sa kalangitan. Sa lahat ng namatay ay nawa po'y manahimik na ang kanilang mga kaluluwa diyan sa paraiso..."
Nagsimula nanamang umulan ngunit mahinang ulan lang ang pumapatak ngayon. Hawak ni Janine ang Bibliya habang sinasabayan ang pagdadasal ng pari. Si Father Jeremiah naman ay patuloy na binibisbisan ng banal na tubig ang labi ng magkasintahan.
Alas dos na ng madaling araw. Tumila na rin ang ulan. Kasalukuyan silang nakaharap sa mga gamit ni Angelita sa pangkukulam habang inuupos ito ng apoy. Mas mabuti ng sunugin na ang mga ito kaysa mapadpad pa kung saan-saan at makapaminsala pa sa ibang tao.
They felt relieved. Sa wakas, tapos na ang lahat ng kaguluhan. Tapos na ang lahat ng paghihirap at sakit. Tapos na ang sumpa.
Ang tanging kahilingan nalang nila ngayon ay sana maging masaya na ang lahat ng taong nawala ng dahil sa sumpa. Sana makapiling na nila ang Diyos at maging masaya sa langit.
"Hinding-hindi kita makakalimutan Diana." Napaluhang saad ni Carlos habang nakatulala sa apoy.
Nagsitayuan na silang lahat at napagdesisyunan nilang lisanin na ang mansyon. Nais nilang sabihin sa lahat na wala ng dapat pang katakutan ang mga tao at hayaan nalang ang mansyon na huwag na itong ipagbili.
***
Nagkatinginan silang dalawa at kitang-kita nila ang galak sa kanilang mga mata. Napangiti sila at naghawak kamay.
"Patawarin mo ako Josefino." Napaluha si Angelita at agad siyang hinaplos ng kaniyang asawa.
"Pinatawad na tayo ng Diyos, Angelita." Lumapit pa ito sa asawa at hinalikan ang kaniyang noo.
Nakasuot sila ng purong puti. Tanda ito na nilinis na sila ng Panginoon sa lahat ng kanilang kasalanan.
Dahan-dahan silang naglakad patungo sa nakakasilaw na liwanag habang magkahawak ang mga kamay. Ngayon ay makakarating na sila ng tahimik sa paraiso kung saan wala ng sakit at lungkot na nararamdaman.
Totoong mapagpatawad ang Diyos. Kailangan lang nating magsisi, humingi ng tawad at magbago. Kahit gaano man kalaki ang nagawa nating kasalanan ay handa niya tayong tanggapin ng buong puso.
Kaya't manampalatay ka sa kaniya. Ibibigay niya sa iyo ang kaginhawaan...
"Wala kang hiya Angelita! Matapos kitang tulungan sa paghahanap sa mga pumatay sa asawa mo ito ang gagawin mo saakin!?" Sigaw ni Carmen habang lumulubog sa dagat ng apoy.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Ficción GeneralTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...