***
Wala sa sariling napabangon si Magdalo mula sa kaniyang kinahihigaan. Nangingitim ang kaniyang dilat na dilat na mata at wala siyang pakealam sa tulog niyang asawa kahit magising man ito.
Nagtungo siya sa harapan ng kaniyang closet at kinalkal iyon hanggang sa makita niya ang kahon na pinagsisidlan ng kaniyang mga baril.
Kinuha niya ang pinakamahal niyang shot gun na Ivo Fabbri 12GA na nagkakahalaga ng 189,000 Dollars at naglakad papalabas ng kaniyang bahay hanggang sa dalhin siya ng kaniyang mga paa sa bukana ng kagubatan.
"Ito na ang nakatakdang oras para pumananaw ang panganay sa ikaapat na henerasyon. Sa kaarawan ng dalagang iyon ay papanaw siya sa ikalabing dalawa ng umaga sa pagsapit ng ika-20 ng Disyembre."
Wala sa sariling ikinasa niya ang kaniyang hawak na baril at itinutok iyon sa isang direksyong hindi niya alam.
Napahalakhak siya nang ipinutok ang baril, "Katapusan mo na ngayon!"
"Ganun talaga pre, nagiging corny ka pagnagmamahal ka." Pabirong saad ni Kurt. Nagsitawanan ang lahat at pinagbabatukan siya.
11:58 pm. Masaya silang nagkukwentuhan habang nagsisimula nanamang makaramdam si Janine ng hindi maganda. Hindi 'to! Weird feeling lang 'to. Wala lang 'to.
Dalawang minuto nalang ang hinihintay ni Angelita at mapapasakaniya narin ang huling kaluluwa na nais niyang makuha.
Napayukong saglit si Rico at pilit nanamang pinapakalma ang sarili.
"Oh my God si Janine!" Sigaw ni Reymundo. Napatulala si Diana sa direksyon ng kaibigan.
Laking gulat ng lahat nang makita nilang walang ulo ang katawan ng dalaga. "Bakit anong meron?" Takang tanong ni Janine.
Agad na hinubad ni Rico, Kurt at Carlos ang mga suot nilang itim na t-shirt at itinabon iyon sa ulo ng dalaga maging ang mga belong itim nila Mika, Reymundo, at Diana. Nilapitan siya ng kaniyang mga kaibigan at niyakap tsaka agad silang nagyukuan.
Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng isang putok ng baril. Nagpanic na ang mga kababaihan at hindi na nila napigilan ang kanilang pagtili.
"Sakay agad!" Sigaw ni Rico.
Mabuti nalang at nagising ang natutulog na driver nila Abi at agad na pinagana ang makina ng sasakyan.
"Anong nangyayari?" Umiiyak na tanong ni Janine sa mga kaibigan.
Sumakay silang agad sa van at hinayaan na doon ang mga gamit na kanilang naiwan. Ilang beses silang nakarinig ng putok ng baril at mabuti na lamang ay walang nasaktan sa kanila.
"Sa bahay nalang natin pag-usapan Janine. Kailangan nating makalayo sa gubat na 'yun sa lalong madaling panahon!" Anas ni Abi.
Binilisan ng driver ang pagmamaneho at lumuwag lamang ang kanilang paghinga nang tuluyan na silang makalayo sa gubat.
Hindi nila inaasahan na may mangyayaring masama sa kanila sa mga oras na ito. Laking pasasalamat nila ng walang tinamaan ng bala sa kanila.
"Sinasabi ko na nga ba e! Hindi talaga maganda 'yung pakiramdam ko kagabi palang!" Naghahabol ng hiningang saad ni Rico.
Niyakap niya si Janine at hinaplos ang likod nito, "Tahan na Janine, walang mangyayaring masama okay? Ligtas tayo."
"Bakit nangyari 'yun? Bakit may nagtatangkang barilin tayo?" Hinihingal na tanong ni Reymundo.
"Hindi ko alam. Tsaka na natin pag-usapan 'yan! Ang importante ligtas tayong lahat. Calm yourself guys. Ligtas tayo!" Saad naman ni Abi.
Nanatiling nakatulala si Diana dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano nawala at bumalik ang ulo ni Janine at napakaimposibleng mangyari ang isang ganoong bagay.
Tulala ang lahat nang makarating sa bahay bakasyunan nila Abi. Hanggang ngayon ay damang-dama parin nila ang takot. Hindi sila mapakali at pilit na kinakalimutan ang nangyari.
"Abi, anong nangyari sainyo?" Nag-aalalang lumapit si Manang Emily at agad na niyakap si Abi.
"Okay lang po kaming lahat Nay Emily, pero dun po sa gubat, may balak na pumatay saamin." Napaiyak si Abi at hinigpitan ang pagkakayakap sa matanda.
"Salamat sa Diyos at ligtas kayo. Tinawagan ko na ang Mommy at Daddy mo tungkol sa nangyari at bukas na sila darating dito."
"Salamat po Nay Emily."
Napatingin ang matanda sa mga kaibigan ni Abi, "Wala bang nasaktan sa inyo?"
Tahimik ang magkakaibigan ngunit sumagot sila sa pamamagitan ng pagtango. Nakakatruama ang naranasan nila sa gabing iyon. Halos hindi rin sila nakatulog ng maayos dahil sa nangyari.
Mas pinili nilang wag na iyon pag-usapan para agad na nila itong makalimutan.
Kinaumagahan ay agad na nagsitungo ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente. Doon ay kinolekta nila ang maaring maging motibo sa paggawa ng krimen.
Wala naman silang nakikitang dahilan dahil walang niisang gamit ang nawala sa magkakaibigan. Nandoroon parin sa gubat ang naiwan nilang tent, basket ng mga pagkain, case ng in-can softdrinks at ang camera ni Mika na naiwan doon.
"Hindi namin matukoy ang tunay na dahilan sa pamamaril at tinanong naman namin ang mga kaibigan ni Abi ngunit wala naman daw silang nakaalitan dito sa Batangas maging sa Manila. Pero ang tingin ng iba ay nangyari ang pamamaril dahil may nangangaso nanaman sa dito sa gubat." Saad ng pulis at inabot ang camera sa Driver nila Abi.
"Maraming salamat po Sir! Mabuti nalang talaga at walang nasaktan kila Abi. Pero sir," napahinto si Mang Lito —ang driver nila Abi— at muling napatingin sa kaharap na pulis,
"Bakit po may nangangaso dito sa gubat sa dis oras ng gabi tsaka pinagbawal narin po ang pangangaso diba?"
Napabuntong hininga ang pulis, "Yun rin ang katanungan namin sa isipan namin. Matagal ng walang nangangaso sa gubat na'to tapos dis oras pa ng gabi may nagpaputok ng baril. Medyo magulo."
"Tapos ang alam ko Sir, mababait naman silang lahat kaya imposibleng may sumunod sa kanila para patayin sila dito. Sobrang nakakapagtaka." Napailing si Mang Lito.
"Oo nga. Mamaya magriresearch kami para dito sa mga balang nakolekta namin at titignan namin kung kanino magmamatch ang balang ito. Sige mauna na kami Lito." Tinapik ng isang pulis ang kaniyang balikat tsaka sila nagsakayan sa kanilang police mobile.
Naiwang nagtataka si Mang Lito. Napakamot siya sa kaniyang ulo tsaka pinagkukuha ang naiwang importanteng gamit nila Abi at sumakay sa van at iminaneho iyon.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...