CHAPTER 27

89 5 3
                                    

Panay ang tawanan ng lahat. Habang nanatiling nakanguso si Reymundo. Malaki ang panghihinayang niya dahil balak niya pa namang harutin ang binatang si Menandro. Kalerki!

"Hoy Bai, mukhang tipo ka nung bayot na si Amanda." Bulong ni Jimuel sa kaibigan.

Napangisi na lamang si Menandro bilang reaksyon. Halata namang narinig ni Mylene ang sinabi ng kaibigan kaya binatukan niya ito.





          Bago pa humaba ang kanilang pagkukwentuhan ay nagpaalam na ang magkakaibigan kina Tay Ernes at Nanay Louis dahil marami pa silang lugar na dapat puntahan.

"Paniguradong marami pa kayong pupuntahan. O sige."

"Maraming salamat po!" Pagpapasalamat ng magkakaibigan.

"Walang anuman," nakangiting saad ni Nay Louis pagkatapos ay napatingin kay Menandro "Menandro ihatid mo sila sa tarangkahan."

Tumango ang binata at daling tumalima sa utos ng tiyahin. Masayang kumakaway ang dalawang matanda sa magkakaibigan habang sinusundan sila ng tingin.

Sumama ang batang si Gino sa paghatid. Sumakay na ang lahat sa van maliban kay Abi na nakikipag usap kay Menandro habang naglalakad.

"Kay bilis naman ng pagbisita ninyo dito. Saglit lang tayong nagkakwentuhan."

Napabuntong hininga si Abi "Hayaan mo babalik pa naman kami dito sa ibang araw para naman maranasan nila yung pagsasaka." aniya habang tinutukoy ang mga kaibigan.

"Sige aasahan ko yan ha." Nangiting sagot ni Menandro tsaka kumaway sa mga kaibigan ni Abi na nasa van na.

"Thank you sa inyo Menandro!" Sabay na sambit nila Reymundo at Diana.

Hindi mapigilang hindi mainis ni Carlos habang tinitignan si Diana na nakangiting nakatingin kay Menandro.

Kanina pa ito nakasulyap sa binatang si Menandro. Kanina pa siya nakakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib. Nakakainis lang.

Napaisip siyang bigla totoo kayang may gusto saakin si Diana? Kung meron man nandoroon pa kaya yun ngayon? Parang umiiwas narin siya saakin. Tsk! Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay?

Napansin nanaman ni Rico ang pagiging tulala ni Carlos sa dalaga. Napangisi si Rico at tinapik ang balikat ng binata para ito'y matauhan.

"Okay lang yan bro." Natatawang sambit ni Rico. Napabuga ng marahas si Carlos at hindi inintindi ang kaibigan. Binuksan niya lang ang cellphone at isinalpak sa tainga ang earphones na dala.

"Babye Ate Abi!" Pagpapaalam ni Gino sa hinahangaang ate. Yumakap pa ito sa kaniya bago siya tuluyang makasakay.

"Tih ang gwapo ni Papa Menandro kahit moreno siya." Nakangusong saad ni Reymundo habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Napaismid naman si Diana saka isinandal ang likod sa inuupuan, "Tigil tigilan mo yan Amanda ha? Marami pa namang lalaki dito sa Batangas. Marami pa okay?"

Nakangising sumulyap si Abi sa rear mirror ng sasakyan para makita ang kaibigan na si Reymundo. Napansin naman ito ng baklita kaya siya napairap sa kawalan.

"Alam ko namang ex mo yun tih. I don't sulot sulot him. Ang gwapo niya lang tapos macho pa. Ulam mga tih!" Halata sa boses nito ang panghihinayang.

"Uy wala akong sinasabing hindi siya pwedeng landiin ah? Hindi porque ex ko siya. Ok lang Sis and for sure namang single yun si Menandro kaso di ko lang alam kung napatol yun sa mga binabae."

Napatawa si Diana, Janine at Mika. "Ay ganern?!" Biglang pag iinaso ni Reymundo.

Pinaandar na ni Manong Driver ang sasakyan at ang sunod nilang destinasyon ay ang napakakilalang Bulkang Taal.

"Okay tama nayan!" Sumenyas pa si Abi na itigil na ang pag aasaran at inanunsyo sa mga kaibigan ang sunod na pupuntahan.

"Bulkang Taal here we goes!"

#Taal #LocationTrip





          "Wow! Kakaiba rin tong view dito sa Taal ha? Habang tumatagal mas lalong nagiging maganda." Manghang mangha si Janine habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Kagaya ni Rico ay sumandal rin siya sa railings ng terrace kung saan kitang kita ang kabuuan ng napakagandang taal.

"Oo nga, habang tumatagal mas lalong gumaganda."

Takang napatingin siya sa katabing lalaki at bahagya siyang nahiya dahil nahuli niya itong nakatingin sa kaniya.

"Anong pakulo yan ha?"

"Pakulo? Wala akong ginagawa ah? Dinidescribe ko lang kung ano ang nakikita ko."

Pilit na pinipigilan ni Janine ang sayang nadarama. Sa kaloob looban niya'y tumatalbog na ang puso niya.

Please wag kang ganyan heart. Kumalma ka okay? Hindi ka dapat ganyan. Wala ka dapat mararamdaman!

Hindi naman nila first time makapunta dito sa Batangas at makita ang Bulkang Taal ngunit namamangha parin sila sa ganda ng tanawin.

Bukod sa maganda ang paligid, malamig pa ang simoy ng hangin na nakakapaglamig ng nag iinit na ulo.

"Mukhang malalim ang iniisip ng honeybunch ko ah? Siguro ako nanaman nasa isip nito." Saad ni Kurt at dahan dahang niyakap ang kasintahan mula sa likuran nito.

Nanatiling nakatingin sa Taal si Mika, "Lakas mo naman."

"Malakas talaga ako sayo. Baliw na baliw ka kaya sakin." Pagmamalaki nito bago hinalikan sa leeg ang nobya.

Napansin niya ang gumagapang nanaman na kamay ni Kurt. Naramdaman niyang dumapo ito sa kaniyang pagkababae kaya agad niya iyong pinalo nang malakas.

"Hayup ka talaga! Maraming tao at public place to!" Gigil na bulong niya sa kasintahan.

Napatawa ito nang mahina bago nagseryoso ang mukha, "So anong iniisip mo? Maliban sakin?"

"Ahm... Iniisip kong diba magtatravel tayo around the world? Gusto ko itong mga ibang parte muna ng Pilipinas ang pupuntahan natin."

Napatango tango siya, "Ahh... Syempre naman! Kailangan sariling bansa muna bago sa ibang bansa. Kahit saang dako pa'yan papasyalan natin kahit pa sa buong Universe!"

"Weh talaga? Baka maubos naman budget natin dyan." Hinarap ni Mika ang binata. Hinawakan niya ang mukha nito at siya naman ang humalik sa labi nito.

"Hindi tayo mauubusan noh? Kayang kaya natin yan kasi magtatrabaho tayo nang magkasama. Hinding hindi tayo mauubusan."

Nagkangitian ang magkasintahan, "Sure yan ha?" Napatango si Kurt.

"Ehem mga bakla. Nilalamon na kami ng mga laggam dito. Respeto naman sa mga ampalaya." Puna ni Reymundo sa sobrang kasweetan ng dalawa.

Mahinang napatawa ang dalawa at bigla namang nagsalita si Abi, "Ikaw lang baklita. Wag kang mandamay!"

"Wow ha? Para namang may lovelife si ate mong girl!?"

Pinanlakihan lang siya ng mata ni Abi. Kumuha nalang ito ng litrato habang patuloy ang pagwacky.

Nakailang anggulo at picture narin si Abi hanggang sa mapansin niya ang dalawang si Rico at Janine sa nakuha niyang picture.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon