"Yan ka nanaman sa pagsigh mo." Alalang tinignan ni Rico si Janine. Alam niya kasi na may bumabagabag nanaman sa isipan nito.
"Ok last na." Muli itong bumunot ng malalim na hininga at ngumiti. Parehas silang napangiti.
Kahit naiinis ako sayo minsan. Tinutulungan mo parin ako. I'm so blessed kasi may taong kagaya mo Rico. Saad ni Janine sa sarili.
11:00 am. Kasalukuyan silang nasa kanilang sinasakyang van patungo sa nasabing resort. Nagdadaldalan ang iba samantalang si Kurt ay patuloy na inaasar si Mika.
"Ako kanina pa ako napupuno ha?" Kinurot niya ang tagiliran ni Kurt at hindi parin tumigil ang binata sa pang aasar.
"Makakurot ka dyan ah? Sinaktan kita ha?"
"E, sa kanina kapa nang aasar! Nakakainis kana!"
Tumigil siya sa pagsasalita ngunit ginagaya siya nito sa kung ano ang ginagawa niya kaya mas lalo pa siyang nainis.
Muli niya itong kinurot. Napangisi siya nang maisip ang napag usapan nilang mga babae kanina sa bahay nila Abi. Kinalabit niya ang kaibigang si Abi at agad naman itong tumingin sa kaniya.
"Ano?"
"Sabihin ko na ba 'yung napag usapan natin kanina?" Bulong niya dito.
Napaayos ito ng upo, "Sasabihin mo na agad? Balak ko sanang isurprise 'yung mga boys mamaya pero okay lang naman kung sasabihin mo na ngayon."
"Sige!" Ngising tugon niya at muling tinignan ang nobyo.
"Guys, may announcement lang ako" sabi niya habang diretsong nakatingin kay Kurt na tila nang aasar.
Napatahimik naman si Kurt at iba pang kasamahan. Kagaya niya ay tinitigan rin siya nito at naghihintay sa sasabihin ni Mika.
"Magkahiwalay ang kwarto ng boys and girls mamaya." Mataray niyang saad ngunit nandoroon ang pang aasar.
Hindi nabigla ang iba pero ang dalawang si Reymundo at Kurt ay nagreact.
"Ano!?" Nakakunot ang noo ni Kurt. Napatakip naman ng bibig si Reymundo at tuwang tuwa sa narinig.
"What!? Totoo ba 'yan bakla!?" Tili ni Reymundo. "After 100 century makakatabi ko narin sila Papi Rico, Carlos and Kurt! Omeged em so excited na!"
"Shh! Manahimik ka nga Amanda! Wag kang masyadong maoverwhelmed." Natatawang saad ni Abi.
Napatawa ang mga kababaihan at ang mga lalaki naman ay napangiwi. Masyadong malandi 'tong si Amanda.
"Eii!" Napatingin siya kay Manong Driver, "Kuya pabilisan naman ang pagpunta sa resort! Excited na ako maggabi!"
Tiim bagang na tinignan ni Kurt si Mika. Hinawakan niya ang magkabila nitong braso, "Bat mo naman nagawa yun?"
Inalis niya ang mga kamay ni Kurt sa kaniyang braso, "Kakaasar mo sakin 'yan!" Saad niya at diretsong tumingin sa harapan, "Pano ba 'yan hindi mo ako masosolo?"
Napangising muli si Mika, "Goodbye naughtiness!"
Dismayadong dismayado si Kurt. Napatingin na lamang siya sa labas ng sasakyan na nakaawang ang bibig. Panira ng mga plano!
Tumingin si Abi sa rearview-mirror ng sasakyan at nakita niya kung ano ang naging reaksyon ni Kurt,
"Pinagbigyan ko lang 'tong mga girlalo ko para hindi naman sila maumay sa inyo since magkakatabi naman kayo dun sa bahay. Nagpareserve ako ng only two huge rooms na good for 4 persons kada room."
"Wala ng angalan ok? And wag kayong mag alala, hindi naman ako magpapagang bang sa mga jowakels niyo. Pero kung gusto nila, magaling naman akong sumubo." Pilyang singit ni Reymundo.
Napaubo si Rico at mas lalo pang napangiwi ang itsura ni Carlos.
"Siraulo!" Ani Diana na natatawa.
Tumingin si Manong sa pangharapang salamin at inanunsyo sa magkakaibigan na malapit na sila sa resort na tutuluyan.
Napangiti ang lahat maliban kay Kurt na nakabusangot.
Pagkarating sa labas ay bumukas ang malaking gate na may nakalagay na 'Welcome to VillaMikaela Resort'. Pumasok ang sasakyan sa malaking gate at binaybay ang daan patungo sa parkingan.
Masaya silang nagsibabaan sa sasakyan at nagkanya kaniya sa pagbitbit ng mga dalang gamit.
Maaliwalas ang panahon. Presko ang hangin na napapaligiran ng mga puno ng niyog o buko, malinis ang paligid, maputi ang kanilang inaapakang buhangin at sa dikalayuan ay makikita ang dagat na asul.
Inayos ni Carlos ang pagkakatali niya sa buhok pagkatapos ay nagsuot ng shades na nagpalakas sa kaniyang dating.
Puros sando at maiksing short ang suot ng magkakaibigang babae pati narin si Reymundo, ang mga lalaki nama'y nakasando at maong short o sweat short.
Makikita mo sa kanilang itsura ang bakasyunistang porma. Sabay sabay na nagsuot sila Janine, Mika, Abi, Diana at Reymundo ng kanilang mga sumbrero at sinundan si Abi patungo sa reception area ng Resort.
"Yung pinareserve ni Louwie na two rooms Miss. By the way, I'm Abigail Macy Sanchez."
"Ok po Ma'am." Inabutan siya nito ng dalawang susi ng kwarto.
Muli silang naglakad para tunguhin ang matutuluyan. Bago tuluyang pumasok sa kanilang mag silid ay padabog na binigay ni Kurt ang gamit ni Mika sa kaniya. Nagsungitan silang dalawa at padabog na sinarado ang mga pinto.
"Easyhan mo lang Mika. Nakatapat lang naman ang kwarto natin sa kanila." Komento ni Diana tsaka humiga sa kaniyang hihigaang kama.
Napairap siya sa kawalan, "Pano kasi, asar nang asar sakin. Tama lang 'yun sa kaniya!" Inayos niya ang kaniyang bagahe at humiga rin sa kaniyang kama.
"Hoy girls. Ang usapan natin..." untag ni Abi habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa kaniyang mga kaibigan.
"Oo hindi namin 'yun kakalimutan." Tamad na saad ni Janine dahil labag sa kaniyang kalooban ang isa pa nilang napag usapan kanina sa bahay nila Abi.
"Very good! Reveal your sexiness ladies. Pinagbigyan ko na rin naman kayo sa gusto niyo. Siya nga pala anong design o color ng swimsuit niyo?"
"Me, I only have two-piece red underwear. Do you think red suits me well?" Napabangon si Diana sa kaniyang kinahihigaan.
"Of course Diana. Maputi ka naman kaya bagay sayo ang red." Tugon ni Mika.
"I imagine how you look Diana! I think you're so sexy sa ganun! Sakin naman, I have summer themed swimsuit. Sa inyo Mika and Janine?"
"Hindi ko muna sasabihin, nahihiya ako. Basta makikita niyo nalang mamaya." Kinindatan ni Mika ang mga kaibigan at napatawa.
"Sakin? Ahm, onepiece spaghetti strap na navyblue."
"Omg! I'm so excited to see you girls wearing sexy swimwear! Can't wait na!" Ngiting napatili si Abi.
"Paniguradong maglalaway sayo nyan si Kurt." Mapanuksong saad ni Diana. Agad namang napaismid si Mika.
"Tama ka dyan Diana! 'Yun naman talaga ang plano ko. Maglaway siya mamaya! Inaasar asar niya pako! Manigas siya!"
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...