CHAPTER 35

65 4 0
                                    

"Oh? Bat dika pa sumama sa kanila?" Bungad ni Carlos nang maabutan si Janine na nag iisa sa cottage.

"Andyan kana pala," napabuntong hininga siya "Gustong gusto ko ng magtampisaw sa tubig kaso nahihiya ako."

Hindi na nagtanong pa si Carlos dahil alam niyang dahil iyon sa suot ni Janine kaya ito nahihiya.

Tinulungan ni Janine ang binata sa pag aayos ng pagkain saka nagsidatingan ang mga lalaking may mga bitbit rin.

"Mag isa ka lang dito kanina?" Tanong ni Rico.

Tumango si Janine, "Akin na yung mga minarenate na barbecue ako nalang mag iihaw tutal wala naman akong ginagawa."

Lumabas siya sa cottage at nagtungo sa malapit na ihawan habang sinusundan siya ng tingin ni Rico.

"Nahiya 'yun dahil sa suot niya." Wika ni Carlos matapos ayusin ang mga dinala. Umupo siya sa tapangko ng cottage at pinagmasdan ang dagat.

"Halata nga e. Ayoko rin namang makita ng iba katawan niya pero naaawa ako kung hindi niya eenjoyin 'yung pagsiswimming."

"Edi samahan mo siya mamaya."

Nag isip siyang saglit. Mukhang tama naman ang suhestiyon ni Carlos at wala namang masama kung sasamahan niyang magswimming si Janine.

Abala ang lahat samantalang si Kurt ay inis na itinuon ang tingin sa dagat. Hinahanap ng kaniyang mata kung saan naliligo sila Abi. Paniguradong kasama nila si Mika sa pagligo sa dagat.

"Aahon muna ako. Mamaya naman." Saad ni Mika at umahon na sa dagat. Hinawi niya ang kaniyang buhok at naglakad sa direksyon na patungo sa kanilang cottage.

Nagmistula siyang isang modelo dahil sa kaniyang ginagawa. Naglakad siya na tila rumarampa.

Katulad lang ng kanina ay marami parin ang napapatingin sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at magandang hubog ng katawan.

Napakunot ang noo ni Kurt nang makita ang hinahanap. Nakaramdam siya ng lalong pagkainis na bahagyang sinasabayan ng init ng katawan.

"No Junjun! No!" Napalunok siya ng ilang beses habang titig na titig sa nobyang papalapit sa kanilang cottage.

"Bakit ka ganyan Mika!?" Inis na bulong niya sa sarili. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at pinilit na iiwas ang tingin sa nobya.

Napangisi sina Rico at Carlos nang mapansin ang ginagawa ni Kurt. Mukha itong siraulo na sinasabunutan ang sarili.

Nang tuluyang makalapit si Mika sa cottage ay ininguso ni Rico ang direksyon ni Kurt. Nagpapahiwatig na tignan ni Mika ang ginagawa ni Kurt sa sarili.

Napatawa nalang si Mika. Sinadya niyang umupo nang mapang akit sa tabi ni Kurt at sa isip isip niya'y tawang tawa na siya.

Sige lang Mika. Tama 'yang ginagawa mo. Inisin mo pa siya lalo. Saad niya sa kaniyang isip.

Nang tuluyang makaupo ay hindi siya tinignan nito ngunit bahagya itong lumapit sa kaniya at bumulong, "Alam mo ba sa ginagawa mong 'yan mas lalo akong naiinis sayo?!"

"Huh? Wala naman akong ginagawang masama ah?" Patay malisyang saad ng dalaga.

"Wala? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tsaka sino nagsabing pwede mong ibalandra 'yang katawan mo ha!?"

Inis na tumayo si Kurt. Unti unti na siyang nawawalan ng pasensya dahil sa mga nangyayari.

Nakonsensyang bigla si Mika. Mukhang natutunugan niyang galit na si Kurt. Ang nais niya lang naman ay inisin ito at hindi ang galitin.

Tumayo rin siya at pumasok sa pinakaloob ng cottage. Balak niya sanang yakapin si Kurt ngunit nabigla siya nang balutin siya nito ng tuwalya.

"Ayusin mo Mika. Ayokong may ibang nakakakita dyan sa katawan mo!" Inis na saad nito at tumungo sa tapangko ng cottage.

Lihim na napangiti si Mika. Akala niya'y galit na galit na sa kaniya si Kurt.

Sinundan niya ang nobyo at tumabing muli dito, "Hindi ka galit?"

Hindi tumingin sa kaniya ang binata, "Galit ako. Tigilan mo ako Mika." Inis itong napabuga ng hangin at lumabas ng tuluyan sa cottage.

Hindi nalang niya sinundan si Kurt. Sus, galit daw pero tinuwalyahan ako. Ano kaya 'yun!? Napangiti siya at pinunasan ang sarili at muling itinali sa kaniyang balikat ang balabal.

Nagsiahon na ang mga naiwan kanina sa dagat at nagtungo sa kanilang cottage para kumain. Sakto naman na tapos narin ang pag iihaw ni Janine.

"Kumain kana." Untag ni Rico nang lumapit kay Janine. Nginitian siya ng dalaga at tumanggi,

"Actually busog nako kakatikim ng mga inihaw dito." Tapos na niyang ihawin ang kahuli hulihang barbecue pagkatapos ay inilagay ito sa bilao.

Nagsipagkainan na ang iba ng kanilang meryenda. Tutal ay tapos na rin naman si Rico'ng kumain may naisip siya para naman mas lalong sumaya ang dalaga.

"Bakit hindi kaya tayo maswimming. Tignan mo oh, ang sayang lumangoy." Kunway tumingin siya sa paligid.

Napangiwi si Janine at napatingin sa kaniyang sarili, "Nahihiya ako Rico."

"Walang hiya hiya Janine. Akong bahala sayo." Nabigla siya nang hilahin siya ni Rico paalis sa cottage.

Nahuli ni Abi silang dalawa. Kumindat ito at nag goodluck kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Bago siya tuluyang mahila ni Rico'y ihinagis niya sa cottage ang kanina pang hawak na pamaypay.

"Nako Rico!" Tangi niyang naikomento, "Baka mabasa 'tong balabal ko. Ayokong tanggalin 'to. Nakakahiya!"

"Basta akong bahala sayo." Ngumiti si Rico habang hila hila niya ang kamay ni Janine.

Hawakan mo ang, kamay ko... Ng na, pakahigpit... Pakinggan mo ang, tinig ko... Oh... Di moba napapansin...

Nang parehas na nilang natapakan ang tubig ay binuhat nito si Janine in a bridal way. Nagulantang siya sa ginawa ng binata.

"Ibaba moko! Loko loko kang Rico ka!" Saad niya habang hinahampas ang braso ng binata.

"Wag kang malikot! Sige mababasa 'yang balabal mo."

Habang palalim nang palalim ay sinimulan na ni Rico'ng tanggalin ang kaniyang balabal at inilukot ito paikot. Pinatayo ng binata si Janine at ibinato nang malakas ang balabal patungo sa buhangin.

"See?" Pagyayabang nito. Napatawa nalang si Janine dahil sa ginawa niya. "Dun pa tayo sa malalim."

"Ayoko! Hindi ako marunong lumangoy!"

Hindi na nakapagpumiglas pa si Janine nang muli nanaman siyang hilahin ni Rico patungo pa sa medyo malalim na parte ng dagat.

"May balak ka bang lumurin ako ha!?" Naiinis na siya sa ginagawa nito dahil panay ang hila sa kaniya.

"Salabay ka sakin." Yumukod nang kaunti ang binata at hinintay siya na sumakay sa likod nito.

Napilitan siyang sumalabay dahil hanggang leeg na niya ang tubig at hindi pa siya gaanong marunong lumangoy.

"Rico wag na sa malalim! Argh!" Napatili siya nang matumba silang dalawa.

Tinawanan lang siya ni Rico. Inis na inis niyang pinaghahampas ang likod ni Rico.

"Chill ka lang kasi! Ang likot mo kasi e!"

"Ang lalim na kaya! Pano kung malunod ako aber!?" Hinayaan niya nalang si Rico at pinilit niyang maglakad patungo sa pangpang.

Natatawang hinabol siya ni Rico. "Kapag kasama mo ako, lagi kang safe. Wala ka kasing tiwala sa future boyfriend mo e!"

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon