"Mag-iingat kayo lalo kana anak." Lumuluhang saad ni Dennise habang pinagmamasdan sila Janine, Rico, Carlos at Father Jeremiah.
"Wag kang mag-alala Ma, uuwi kami ng ligtas. Tatapusin namin 'tong gulong 'to. Tulungan mopo kaming magdasal Ma. Kailangan ko 'tong gawin kasi ayokong madamay ka at mapahamak kayo ni John Ronald. Babalik kami ha?" Hinagkan ni Janine ang nuo ng Ina. Pinilit niyang pigilin ang kaniyang mga luha dahil gusto niyang ipakita sa lahat na hindi siya mahina.
Masakit sa kaniya na iwan ang Ina at kapatid dahil hindi nila alam kung ano ang pwedeng mangyari. Pwedeng hindi na sila pa makabalik pagkatapos ng lahat.
Sumakay na sila sa barko bitbit ang kanilang mga backpack na naglalaman ng damit, pagkain at emergency kit. Si Father Jeremiah naman ay may dalang Bibliya, rosaryo at banal na tubig dahil kailangan nila ito upang mapatahimik na ang kaluluwa ni Angelita kasama ang asawa nito.
Umiiyak na sinundan ng tingin ni Dennise ang anak at ang kasama nito. Winagayway niya ang kaniyang mga kamay bilang pagpapaalam.
Napabuntong hininga si Janine at nagdasal sa kaniyang isipan na sana gabayan sila ng Diyos sa kanilang gagawin. Nawa'y walang maging aberya at hindi sila mapahamak.
Isinandal ni Carlos ang sarili sa railings ng barko at tinignan ang napakalawak na dagat. Gusto niyang mapag-isa at makapag-isip-isip tungkol sa nangyari kay Diana.
Inaalala niya pa rin ito hanggang ngayon at hinarap niya ang lahat ng kaniyang lungkot at takot para lang makatulong kila Janine. Pakiramdam niya'y wala ng ikasasaya pa ang buhay niya.
Napapaisip siya kung nararapat pa bang mabuhay siya matapos ang lahat ng nangyari? Napasinghap siya. Wala na atang silbi ang mabuhay pa siya sa mundo.
Iniisip niyang lahat na ata ng taong nagpasaya sa kaniya ay nawawala rin kalaonan. Parang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sandali lang niyang nararanasang maging masaya at agad rin itong binabawi sa kaniya.
Pinahid niya ang luhang nangilid sa kaniyang mata. Masyadong masakit ang mga nangyari sa kaniya. Bakit kailangan pang mawala ni Diana? Ito nalang ang mayroon siya ngunit agad rin siya nitong iniwan.
Napatitig siya sa kulay asul na karagatan. Unti-unti na ring nakakalayo mula sa pangpang ang sinasakyan nilang barko kaya ang alam niya ay malalim na ang parteng kinalalagyan nila ngayon.
He sighed. Gusto niya nalang mamatay. Gusto niya nalang tapusin ang buhay niya nang sa gayon ay mawala na rin ang lungkot na dinaranas niya.
Pero mali iyon, sana madali lang makalimutan ang lahat. Sana magkaroon nalang siya ng amnesia nang makalimutan niya naman ang mga mapapait na naranasan niya at tuluyan na siyang makalaya sa kalungkutan.
Napayuko siya at napasuntok sa malamig na bakal ng railings. Every time he thinks of Diana, his heart slightly crushed into pieces. Gusto niya nalang saktan ang sarili niya nang paulit-ulit. But pain can't relieve by another pain kung sasaktan niya man ang kaniyang sarili.
Alas nueve na ng umaga ngunit nagsimula nang magdilim ang paligid. Hindi iyon napansin ni Carlos dahil sa kaniyang pag-iisip. Namalayan siya sa kaniyang paligid nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang braso.
Akala niya ay tubig dagat lang iyon ngunit nang tumingala siya ay umuulan na pala. Pinandungan niya ang kaniyang sarili at dali-daling naglakad papasok sa barko para makasilong.
Bahagya siyang nag-alala na nasa karagatan sila ngayon at masama ang maglayag kapag masama ang panahon.
"Shit! I thought the weather is in the good condition! Bakit ganito ngayon? Mali ba ang nakuha nating impormasyon!?" Anas ng lalaki malapit sa kaniya. Mukhang isa ito sa mga tauhan dito sa barko.
Napalingon siya sa gawi ng mga kasama at nakita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito.
Mukhang totoo nga ang sinasabi ng pari na may pumipigil nga sa kanila. Maaaring gumagawa lang ito ng kahit anong paraan para lang pigilin ang gusto nilang gawin.
Nagpanic na ang ibang tao sa paligid habang ang isa pang tauhan ng barko ay panay ang paalala sa mga pasahero na maging kalmado. Sino ba namang hindi magpapanic kung habang tumatagal ay palakas nang palakas ang ulan at ramdam na ramdam ng lahat kung paano gumalaw ang barkong kinasasakyan dahil sa lakas ng ihip ng hangin kasabay ang malalaking hampas ng mga alon?
Napakapit ang lahat sa kani-kanilang kinauupuan at walang ibang ginawa ang grupo nila Carlos kundi ang magdasal at manalig na magiging ligtas ang pagpunta nila sa Samar.
It was January 12, 5pm when they arrived in Samar Leyte. Thank God they're safe kahit pa na halos hambalusin na ng alon ang barko.
Pagod at gutom ang tinitiis nila ngayon. Hindi sila nakakain pa ng maayos at ngayon ay hindi pa sila nakakapagtanghalian. Gutom na gutom na sila. Ang dala nilang pagkain kahapon ay napanis nalang dahil matagal na nakastuck sa kanilang bag kaya wala silang ibang nagawa kundi itapon ito.
They have no time na pumunta pa sa isang kainan o restuarant mabuti nalang at may dala pa silang biscuit na pwedeng pantawid gutom. Kailangan na nilang magmadali at unting oras nalang ang natitira. Hindi na nila pwedeng sayangin pa ang natitirang oras na mayroon sila.
"Bakit walang signal!?" Singhal ni Rico habang itinataas ang dalang cellphone. Napabuga siya nang marahas dahil ang cellphone niya ang inaasahan nila para malocate kung nasaan na sila ngayon.
"Chill bro, magtanong-tanong nalang tayo sa mga madadaanan natin." Sita ni Carlos.
Una nang naglakad ang Pari at nagtungo sila sa isang tricyclan kung saan nakaparking ang mga tricycle. Lumapit ito sa isang driver at nagtanong,
"Hijo, maari bang magtanong kung ano ang sasakyan papunta sa Hacienda Y Tolentinos?"
Saglit na napaisip ang nakatambay na driver at humarap ito sa mga kasamahan para magtanong, "Ay pamilyar po ang lugar na iyan. Ano mga pare alam niyo ba kung saan?" Tugon nito sa bisayang tono.
"Ah, didto na sa dulo nitong Samar. Wala namang pumupunta dun Tay. Tsaka wala rin atang sasakyan papunta dun." Sagot ng isa.
Napatango-tango silang lahat ngunit bago paman sila lamunin ng pagkadismaya ay muling nagsalita ang lalaki, "Pero pwidi ko naman kayong ihatid d'un sa malapit. Gabi narin at baka kung mapaano kayo."
Sumakay ito sa tricycle at pinaandar nito ang makina. Napangiti silang magkakasama at sumakay sa nasabing tricycle. Alas singko na at malaki ang pasasalamat nila dahil hindi pa naman gaanong madilim.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...