CHAPTER 51

68 3 0
                                    

          January 7, 2019. Natapos ang pasko at bagong taon ng magkakaibigan. Panibagong taon nanaman ang kanilang tatahakin. Malungkot sila dahil gugunitahin nila ang bawat araw na hindi kompleto ang kanilang circle of friends.

Katatapos lang ng kanilang dalawang subject kaya napagdesisyunan nilang magkita-kita sa nakagawian nilang tambayan sa tuwing magsasama silang magkakaibigan.

They were sitting in the benches ngunit pare-parehas silang may pinagkakaabalahan kaya naghari ang katahimikan sa kanila.

"Walang mangyayari satin kung hindi tayo mag-iimikan." Pagbasag ni Kurt sa nakakabinging katahimikan at inalis ang kaniyang kamay na nakaakbay sa kasintahan.

Saglit na hinubad ni Diana ang salamin na suot. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa pagbasa sa hawak niyang libro.

"Nakakapanibago." Napabuntong hininga si Janine at inilagay sa bag ang kwadernong kanina pa hawak.

"Si Abi kasi ang madalas mag-ingay satin. Siya yung madalas magsimula kung ano 'yung itatopic." Saad ni Mika.

"It's so sad na hindi na natin makakasabay si Abi na gagraduate." Ani Diana habang patuloy na nagbabasa sa isip nito.

"Ang sayang, kasi second year college na tayo at dalawang taon nalang pwede na tayong makagraduate pero hindi man lang naabutan ni Abi 'yun." Napayuko si Janine dahil namimiss niya nanaman ang kaniyang matalik na kaibigan.

Mika tsked, "Enough, wag na tayong mag-iisip ng mga nakakalungkot na bagay. Alam ko binabantayan tayo ngayon ni Abi at diba nga,"

Tumayo siya at hinarap ang mga kaibigan, "Sabi ni Mang Lito huwag kayong malulungkot kasi ayaw ni Abigail 'yun."

Tumayo rin si Kurt at inakbayan ang kasintahan, "Kaya nga!"

Ipinasok ni Rico ang binder na binabasa at tumingin sa mga kaibigan. Nagtaka siya nang malamang kulang pala sila ngayon dahil wala si Reymundo.

"Guys napansin niyo ba kung nasan si Reymundo?"

Ipinilig nila ang kanilang ulo, "Oo nga no? Nasaan kaya 'yun?" Janine said.

"Nako wag na kayong magtaka sa binabaeng 'yun. Baka kadaldalan nanaman 'yung mga kaibigan niya." Singit ni Carlos. Napatango-tango sila Mika at Janine.

"By the way, maikli lang pala ang break at kailangan na nating bumalik Kurt, Carlos and Rico para sa next subject natin. Kita kits nalang  Janine, Diana."

Una ng tumayo si Mika bitbit ang kaniyang bag at sinukbit iyon sa kaniyang balikat. Tumayo narin si Janine at Diana.

"Ay oo nga pala, pupunta pa tayo Diana sa library. Sige." Saad ni Janine. Nginitian siya ni Rico.

"Sunduin kita mamaya sa labas ng building niyo." Agad siyang napatango at kinawayan ang papaalis na kasintahan.

Nakangisi siyang kinalabit ng kasamang si Diana, "Soon magiging ganyan din kami ni Carlos."

Bahagya siyang napatawa tsaka tinapik ang balikat nito, "Soon! Yie! Tara na nga."

Sabay silang nagtungo sa library upang magkalap pa ng ibang detalye para sa kailangan nilang ire-research. Bakante naman ang oras nila kaya imbes na tumambay o gumala kung saan-saan ay mas pinili nilang tumungo sa library upang mag-aral.

"Dun tayo Janine!" Turo ni Diana sa bakanteng upuan sa dulong bahagi ng library.

Tahimik silang nagtungo doon. Medyo kakaunti lang ang tao ngayon sa library dahil paniguradong oras ngayon ng klase sa ibang departamento.

Pagkaupong-pagkaupo palang ni Diana ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa kaniyang sentido at marahang menasahe iyon nang hindi nagpapahalata kay Janine.

"Diana punta lang ako dun. Maghahanap ako ng mga libro. Dyan ka lang ha?"

Hindi na hinintay pa ni Janine ang sagot ng kaibigan. Inilapag niya ang mga gamit na dala sa mesa pagkuway nagtungo sa mga bookshelves upang maghanap ng tamang libro na kailangan nila.

"Entrepreneurship, 21st century, philosophy 2," inis siyang napasinghap nang walang akmang libro na kanilang hinahanap.

Lumipat siya sa pinakadulong shelf at dahan-dahang sinuyod ang bawat baitang nito. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang isang kakaibang libro na nakalagay sa dulong bahagi ng shelf.

Yumukod siya at kinuha iyon. Namangha siya sa itsura nito dahil bukod sa mabigat ang libro ay lumang-luma na ang itsura nito na mukhang nanggaling pa sa lumang panahon.

"Vivlío ton deididaimoníon."

Inusisa niya ang nasabing libro. Medyo nawirduhan siya dito dahil sa pamagat palang ay hindi na niya ito naiintidihan. Malamang ay nakasulat ito sa ibang lenggwahe.

Binuksan niya ang libro at pinalipat-lipat ito ng pahina. Sa di malamang kadahilanan ay natungo siya sa pahina 847 ng libro.

Mas lalo pa siyang namangha dahil hindi niya inaasahang may Ingles at tagalog naman palang nakasulat sa libro.

Nagtaka siya sa title ng chapter nito, "Signos? Superstition?" Nag-isip siyang saglit, "Ahh... means pamahiin." Napatango-tango siya at biglang nagkaroon ng interes basahin ang pahinang ito.

"Ang signos ay fatal sign o fate sa Ingles. Ito ay kapalaran o tadhana. It means deadly but the root word of fatal appears to be fate, rather than anything that has to do with death. In this regard fatal resembles fateful." Pagbasa niya.

Muling napakunot ang kaniyang noo, "Ang pagkakaalam ko ang signos ay isang pangitain o sign na mamatay ang isang tao." Saad niya habang nag-iisip.

Kinilabutan siya dahil sa sinabi niyang iyon. Naalala niya kung paano siya nawalan ng ulo sa nakuha ng camera ni Mika.

"Signos bayun? It means na o-oras k-ko n-naba nun?"

Nabuo ang konklusyon sa kaniyang isip. Curiosity build in her mind. Inilipat niya pa ang pahina at nabasa niya roon ang iba't-ibang uri ng signos o pangitain.

"Pusang itim sa daan, bola ng santelmo, paru-parong itim a-at t-taong na-nawawalan ng ulo!?"

Kumirot ang kaniyang puso, "Ibig sabihin pangitain 'yung nangyari sakin? Putol 'yung ulo ko nun. Totoo ba talagang mamatay dapat ako nun?"

Binasa niya pa ang mga susunod na pangungusap. Natatakot siya at pakiramdam niya'y mapapaluha siya sa anumang oras.

"Ang mga taong magliligtas sa taong nakitaan ng signo—."

Naputol ang kaniyang pagbabasa nang makarinig siya ng ingay mula sa kinaroroonan ni Diana.

Ibinalik niya ang libro sa puwesto nito at alalang tinungo ang kaibigan.

"Anong ingay 'yan?" Sita ng librarian.

Bumagsak sa sahig ang makapal na librong hawak ni Diana kaya lumikha ito ng malakas na ingay.

"W-wala po Ma'am." Pinilig niya ang kaniyang ulo at itinuon ang atensyon kay Diana.

"Diana okay ka lang?" Hinawakan niya ang likod nito.

"Ayos lang ako. Janine..." Napahawak ito sa ulo.

"Sigurado ka? Tara na, alas tres na pala ng hapon next subject na natin." Saad niya. Isinukbit niya ang kaniyang bag sa balikat at sumilip sa pinakadulong shelf.

Nabigla siya nang wala na ang makapal na librong iyon, "Asan na 'yun?"

Tumayo narin ang nahihilong Diana at humawak sa kamay ni Janine, "Tara na Janine."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon