Napakagat siya ng labi nang malamang kusa niyang nasasabi ang nais niyang tanungin sa binata.
"H-ha? Oo." Hindi maintindihan ni Rico kung bakit bigla nalang itatanong sa kaniya ni Janine ang mga bagay na iyon. Bakit ko ba sinasabi lahat ng to?
Kaysa umatras ay pinili nalang ni Janine na sabihin at tanungin lahat ng nasa kaniyang isipan. Napabuntong hininga siya at nag ipon ng lakas ng loob.
Oras ko na ring gumawa ng paraan para malinaw kung ano nga ba kami ni Rico. Naguguluhan ako dahil sinabi niyang nanliligaw siya saakin pero pambawi lang ang tingin ko sa mga ginagawa niyang yun.
"Sorry Rico,"
"Ha?"
Napakunot ang noo ni Rico. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagsosorry sa kaniya si Janine.
Mukhang hindi maganda ang mangyayari. Balak ba niya akong bustedin? Kung hindi bakit siya nangsosorry?
"Sorry kasi parang nagiging manhid ako. Hindi ko napapansin na sobra ka na palang nag eeffort para saakin pero madalas kong hindi maappreciate."
Lumuwag ang kaniyang paghinga nang marinig ang dahilan kung bakit humihingi ng paumanhin sa kaniya si Janine.
"Hindi mo naman kailangang magsorry. Ginagawa ko naman yun para sayo at hindi ako naghihintay ng kapalit—"
"Shh... Hayaan mo muna akong magsalita."
Napatikom siya ng bibig at hinintay ang susunod na sasabihin ng kaharap.
"Bakit ko ba sinasabi lahat ng to sayo?" Napangisi ang dalaga, "Oo nga pala, gusto kong malinaw ang lahat. Totoong gusto kita Rico. Totoo yung mga naririnig mo sa kanila."
Bahagya siyang napalunok. Nabigla siya sa kaniyang mga narinig.
"Simula nung makilala kita nagkagusto na ako sayo. Iba ka kasi sa ibang gwapo. Palaaral, magalang at matino ka. Bonus na yung pagiging sikat mo."
Napayukong agad si Rico. Hindi niya mapigilan ang kaniyang pagngisi. Well, totoo naman lahat ng sinabi niya.
"Kaya nga hindi ako makatanggi sayo sa tuwing hihingi ka ng tulong saakin. Huwag kang maguguilty kasi alam ko naman ang ginagawa ko. Ginagawa ko lahat ng yun kasi gusto kong maging magkaibigan tayo kahit hanggang doon nalang,"
"Tapos hindi ko naman alam na babawi ka pala saakin. Naiinis pa nga ako lagi sayo kasi sa tuwing may ginagawa ka para saakin mas lalo akong nahuhulog sayo. Nakakahiyang sabihin." Napabuntong hininga siya.
Tumingin muna ito nang diretso sa kaniyang mga mata. Seryoso ito at hindi sanay si Rico na ganito si Janine, "Rico, mahal kita."
'di na maalala pa'no nagsimula... Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw, laging ikaw, laging nakita... Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?
Parehas na napangiti ang dalawa. Hindi inaasahan ni Rico na si Janine pa ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.
"Totoo ba yan? No pressure?"
"Sa kaseryosohan kong to? Mukha ba akong nagbibiro?"
"Edi ibig sabihin niyan sinasagot mo na ako? Tayo na?"
"Hoy Mr. Velasco wala akong sinasabing sinasagot na kita. Hinay hinay ka lang. Okay?"
Bigla namang nalungkot si Rico. Akala niya talaga'y ang pagsabi ni Janine ng "mahal kita" ay tanda ng sinasagot na siya nito pero hindi pala.
"Paasa ka!"
"Paasa mo mukha mo!" Parehas silang napatawa, "Gusto ko kasing bago maging tayo is ipapakilala muna kita kay Mama at sa kapatid ko. Ayoko kasi yung nagsisikreto lalo na sa kanila."
"Weh dinga? Totoo ba'yan?"
"Oo nga."
"Yes! Willing naman akong maghintay kahit pa isang taon akong manligaw sayo basta wag mo lang ako papaasahin."
"Isang taon?" Napangisi si Janine.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. Bakit ko ba nasabi yung isang taon? Antanga mong gwapo Rico!
"Wag mo namang patagalin ng ganun. Baka mamaya paasahin mo lang ako."
"Hindi ako paasa ano? Hindi naman ako masama kagaya mo!"
Malawak na napangiti si Rico. Nag uumapaw ang kasiyahan sa kaniyang dibdib. Kinuha niya ang kamay ni Janine at marahan itong hinalikan habang nakatingin sa dalaga.
Nag uumapaw sa kilig ang pangyayari. Parang sasabog narin sa saya si Janine dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso.
Kagaya ng plano, narinig ng dalawa ang tinig ng isang biyolin. Mukhang tunog pa ata ng kantang 'Pag -ibig na kaya ito' ang tinutugtog.
Magaan at masarap itong pakinggan na mas lalong nagpapadagdag sa kilig ng dalawa.
"Nako! Kung wala paring result tong ginawa natin, pagdyodyombagin ko yung dalawang yun!" Anas ni Reymundo.
Nakaupo silang ngayon sa bench na malapit sa entrance ng Hardin. Pansamantala silang nagpapahinga at hinihintay na lumabas ang dalawa.
"Alam niyo kasi masyadong hard to get tong si Janine. Kaya hindi nagkakaroon ng boyfriend e."
"Tama ka dyan Abi!"
Napatingin ang lahat dahil sa sinabing yun ni Diana. Napatigil naman siya sa pagkakalikot sa kaniyang cellphone at tumingin pabalik sa mga kaibigan.
"Oh? Anong mukha yan?"
Napatawa ang lahat sa nagtatakang mukha niya.
"Nagsalita ang hindi rin NBSB! Tong baklang twu! Ikaw bakit hindi kapa nagkakaboyfriend?"
Bumalik siya sa pagkalikot sa kaniyang cellphone, "For your information, nagkaboyfriend narin ako kahit ganito ako." Pagsisinungaling niya sa mga kaibigan.
Inis siyang binatukan ni Abi, "Don't lie to me Diana. Nakwento mo na kaya yung buo mong buhay samin ni Janine at alam rin naming hindi ka nagkakaboyfriend dahil study first ka. Tsusera!"
Irita niyang pinasok sa bulsa ang hawak, "Kailangan talagang mangbatok? Oo na, wala nakong naging jowa."
Tinabihan siya ng matalik niyang kaibigan tsaka inakbayan siya nito, "Sorry naman besh. Ayaw pa kasing aminin porque ba nandyan lang malapit si Carlos?"
Mapanuksong napatinging muli ang lahat sa kaniya, "Yiee!"
Nakaramdam ng hiya si Diana. Hindi naman ganun iniisip ko ah? "Kahit kailan talaga ang issue mo."
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...