CHAPTER 49

70 3 0
                                    

"Janine, halika dito at may mga pulis." Rinig niyang saad ng Ina.

Bahagya siyang nagulumihanan dahil biglang may dumating na pulis sa kanilang bahay. Ihininto niya ang pag-aayos sa kaniyang mga gamit tsaka bumaba para puntahan ang Ina.

"Nandito po kami Ma'am para mag-imbestiga sa kaso ni Theresa Monteclaro hanggang ngayon po kasi ay hindi pa namin natutuklasan ang dahilan ng intensyunal na pagkakapatay sa kaniya." Anang pulis.

"Sige lang po, Janine lumapit ka rin dito." Saad ng kaniyang Ina.

Inayos niya muna ang kaniyang sarili pagkuway tumabi sa kaniyang Ina na nakaupo sa sofa.

"Nagtungo po kami sa tinutuluyan ni Ma'am Theresa at nakita namin ang mga papeles na ito," nag-abot ang isang pulis ng isang brown na envelope.

Binuksan ito ni Janine at nakita niya ang mga dokumento nilang magkapatid na si John Ronald. Nandoroon ang kanilang student record, NSO at baptismal certificate.

"Kamag-anak niyo si Ma'am Theresa kung hindi ako nagkakamali at nalaman naming nandito nanggaling si Ms Theresa bago siya masagasaan. Ma'am Dennise maaari ba naming malaman kung ano ang dahilan ni Ms Theresa sa pagpunta dito?"

"Hindi ko po talaga alam kung bakit siya pumunta dito pero ang sinabi niya po saakin bago siya umalis ay mag-iingat raw kami lalo na'tong si Janine."

"So pinag-iingat niya kayo Ma'am? Ibig sabihin nun ay parang may huma-hunting sa kaniya at sa inyo. May nakaalitan po ba kayo dati?"

Napailing silang dalawa, "Wala po."

"Wala kayong kaalitan dati? Ang lumalabas tuloy sa imbestigasyon ay malamang ay kasali si Theresa sa isang sindikato o kung ano pamang organisasyon. At pinag-iingat niya kayo dahil maaari kayong madamay sa gulo niya."

"Pero hindi namin maidedeklara iyon dahil napakalinis ng record niya at wala siyang ibang katransaksiyon sa contacts o call history ng cellphone niya. Walang kahina-hinala. At

kasalukuyan pa naming hinahanap ngayon ang may ari ng plate number na nakuha sa cctv. Maraming salamat po Ma'am Dennise at Ma'am Janine. Babalitaan nalang po namin kayo kung may progress na ang imbestigasyon."

Tumayo ang dalawang pulis ganyunrin si Dennise at Janine, "Sige po. Maraming salamat."

Iniwan ng nga pulis ang papeles kina Janine dahil alam ng mga ito na sa kanila ito.

"Sana makamit ni Theresa ang hustisya. Hindi ako naniniwalang sumangkot siya sa isang sindikato." Saad ng kaniyang Ina.

***

Ika-25 ng disyembre, 2018

Lumuluhang pinagmasdan ni Janine ang regalong kaniyang binili para sa Ina at Kapatid. Sa pagtitig kasi sa mga ito ay naaalala niya si Abi dahil magkasabay silang bumili ng panregalo para sa araw na ito.

"Abi, miss na miss na kita."

Matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman niyang umakap ang malamig na hangin sa kaniya. Imbes na matakot ay sumaya pa siya dahil alam niya na ang matalik niyang kaibigan na si Abi iyon.

"Sino nalang magbibigay ng regalo mo sa mga magulang mo? Iniwan mo na silang agad."

"Janine tara na."

Lumabas na siya sa kaniyang kwarto dahil ngayon ay aalis sila upang puntahan ang puntod ng kanilang Ama at Ina.

Dinala niya ang mga regalo at pasikretong inilagay iyon sa bag niya. Mamaya niya pa planong ibigay ito sa kaniyang Ina at kapatid.

"Merry Christmas Mama at Papa!" Bati ni Ronald nang makapunta sa puntod ng mga magulang.

Naglatag sila ng sapin at inilagay sa tabi ng lapida ang mga dala para sa mga yumao.

"Rosalinda, si Theresa, wala na. Hindi man lang kami nag-usap ng matagal." Anang Ina-inahan nila Janine habang hinahaplos ang lapida ni Rosalinda.

"Kaya nga Ma. Hindi man lang namin nalaman kung bakit umalis si Tita dati." Wika naman ni Janine.

Napabuntong hininga si Ronald. Narealize niyang masyado siyang naging masama dahil sa mga sinabi niya tungkol sa kaniyang tiyahin. Nagsisi siya matapos niyang masabi iyon.

Inaamin niyang nagalit siya sa kaniyang tita Theresa dahil iniisip niyang pinabayaan sila nito.

Napatingala siya sa langit, "Patawarin mo ako Tita kung nasabihan kita ng hindi maganda. Masyado akong nadala ng feelings ko. Ikaw kasi e, bigla mo nalang kaming iniwan. Nagtampo ako sayo. Masakit rin para saakin kasi ikaw nalang ang pwede naming masandalan pero iniwan mo rin kami. Sorry po. Sana po masaya kana sa heaven kasama si Mama at Papa." Bulong niya sa hangin.

Hinaplos ni Janine ang kaniyang likod, "Okay lang 'yan Ronald. Naiintindihan ka naman ni Tita. Basta tanggaling mo na'yang tampo at galit sa puso mo."

Napangisi siya, "Wala na ate. Okay na saakin ngayon kung ano man ang mga nangyari dati."

Ginulo ng kaniyang nakakatandang kapatid ang kaniyang buhok, "Yan! Dapat good boy palagi!"

Inis niyang tinanggal ang kamay nito sa kaniyang ulo, "Banaman 'yan ate! Ang ayos ayos ng buhok ko tapos guguluhin mo!"

"Tignan niyo ang kakulitan ng mga anak niyo Rosalinda at Sunny pati dito nag-aasaran." Napailing na tumingin sa kanilang dalawa si Dennise.

"Kayong dalawa tumigil kayo nasa harap niyo ngayon ang mga magulang niyo."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon