Para mawala ang kaba ni Janine ay itinali niya ang dalang balabal sa kaniyang kanang balikat para hindi makita ang revealing niyang suot. Naiisip niyang masyadong sexy iyon para sa kaniya kaya mas lalo pa siyang naiilang.
Natuwa si Abi dahil lahat naman ng kaibigan ay tumupad sa usapan. Kagaya ni Janine ay nagbalabal muna si Mika. Ngising ngisi siya habang hawak ang isang rash guard.
"Oppsie, para kanino 'yang dala mong rash guard Mika?" Sita ni Abi.
Nagsilabasan na sila sa kanilang kwarto. Sakto naman na nakasalubong nila ang mga kalalakihan na palabas rin sa katapat na kwarto.
"Hindi 'to sakin."
"Siguraduhin mo lang." May paniniguradong wika ni Abi.
"Wag kang magsusuot ng masyadong kita ang katawan Janine." Nakahinga ng maluwag si Rico nang makita si Janine na nakabalabal.
Tinignan rin ni Janine ang kaniyang kabuuan. Natuwa ang dalaga dahil nakaitim na tshirt at ganun parin ang sweatshort na suot nito.
"Ayokong nagseselos ang future girlfriend ko." Pahiwatig niya.
"Tse! FUTURE GIRLFRIEND mo mukha mo!" Natatawang tugon ni Janine.
Nagkasalubong si Mika at Kurt sa daan at ganun na lamang ang inis na tinginan nila sa isa't isa. Mas lalo pang nainis si Mika nang walang pang itaas si Kurt kaya kitang kita ang six pack nitong abs.
Malamang ay pagnanasahan ito ng kahit sinong makakakita.
"Isuot mo 'yan!" Ibinato niya sa binata ang dalang rash guard at nasalo naman ito.
"Wow ha? Matapos mo kong tarayan at gantuhin may gana ka pang pagbawalan ako magtopless?"
"Bakit? Wala ba akong karapatang pagbawalan ka!?"
Napaawang ang bibig ng binata. Inis na sinunod niya na lang ang nobya. Naisip niyang baka lumaki pa ang inisan nila ng di oras.
Sa kabilang dako nama'y confident na naglakad papalabas ng resort si Diana habang kitang kita ang maputi nitong itaas dahil hindi niya tinakpan ng balabal ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan.
Nakasuot lang naman siya ngayon ng two piece red na spaghetti strap at ang tanging nakabalabal lang ay ang ibabang parte ng kaniyang katawan.
Napailing si Carlos sa ayos ng dalaga. Gustuhin niya mang sabihan ito ngunit naalala niyang wala naman siyang karapatan na pag ibahin ito ng suot.
Isinuot niya na lamang ang kaniyang shades. Napansing niyang nakatingin kay Diana ang mga lalaking nadadaanan nito. Muli siyang napailing at umiwas nalang ng tingin.
"Everybody move!" Nagulat sila nang sumigaw ang baklang kaibigan. Nag ala reyna pa ito habang naglalakad.
"Dadaan ang reyna!" Walang hiya itong rumampa papalabas ng resort at ang lahat ng atensyon ay nasa kaniya na dahil sa ingay ng kaniyang bibig.
Napatawa ang mga kalalakihan dahil nakasuot ng bra si Reymundo kahit wala naman siyang dibdib. Mabuti nalang at nakamaong shorts siya na maiksi. Mabuti at hindi nakabalandra ang kaniyang kuyukot.
"Sexy mo girl!" Natatawang saad ni Abi.
"I know right!"
Sabay sabay silang nagtungo sa nirentahang cottage malapit sa dalampasigan ng napakagandang dagat. Umupo sila Mika, Reymundo at Janine habang nakatayo naman sila Abi at Diana.
Kakaunti lang ang mga taong nandirito ngayon sa VillaMikaela dahil narin na buwan ngayon ng Disyembre. Mabuti nalang at maaliwalas ang panahon at hindi umuulan, tamang tama sa pagsiswimming.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Ficción GeneralTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...