Biyernes,
ika-9 ng Disyembre taong 1949Pumikit si Angelita habang pinapatak ang nakasinding kandila sa isang kawa ng tubig.
Kasalukuyan siyang nasa harapan ng altar ng itim na Panginoon at hawak-hawak ang napakalaking libro ng itim na mahika.
"Oh, panginoon kong satanas, ipakita mo saakin ang katotohanan. Me videbunt veritas!"
Matapos mamatay ang kaniyang asawa ay binalak niyang sumanib sa kasamaan dahil ito lang ang madali at epektibong paraan upang makapaghiganti.
Simula rin sa araw na iyon ay kinamuhian na niya ang Diyos. Sa maikling panahon ay ganun kadaling nawala ang kaniyang pananampalataya.
Tinanim niya sa kaniyang isipan na hindi totoong may Diyos, hindi totoong nasa tabi mo lang ang Diyos at hindi rin totoo na mabuti siya. Lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya dahil narin sa impluwensya ng matandang mangkukulam na si Carmen.
Hinayaan niyang masakop ang kaniyang isip at puso ng kasamaan nang hindi man lang dumudulog sa Diyos.
Dahil sa lahat ng nangyari ay iniwan siya ng lahat ng taong nasa kaniyang paligid. Ang kaniyang mga kasambahay, mga manggagawa sa kanilang bahay at nilayuan na rin siya ng mga taong malapit sa kaniyang puso.
Balewala nalang sa kaniya ang lahat ng iyon, at inasahan niya na ring mangyayari iyon dahil inisip niyang 'wala namang mananatili para sa kaniya' pakiramdam niya'y iniwan na siya ng lahat ng tao pati na rin ang kaniyang asawa na si Josefino.
Napadilat siya nang makaramdam ng malakas na ihip ng hangin. Nagsimula nang umikot ang tubig sa kawa na hudyat ng pagpapakita sa kaniya ng sinasabi niyang 'katotohanan'.
Sa kawang iyon ay lumabas ang mga larawan at bidyong nagpapakita kung paano pinahirapan nila Vicente ang kaniyang asawa.
Habang pinanunuod niya kung ano ang totoong nangyari ay tahimik siyang napapaluha at mahigpit niyang ikinukuyom ang kaniyang kamao.
Kitang-kita niya ang hirap na dinanas ni Josefino sa mga panahong pinapahirapan siya ng mga tagasunod ni Vicente.
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kaniyang palad nang makita niyang kasama si Marcelino —Ang abogadong matagal niya ring pinagkatiwalaan— sa pagpapahirap sa kaniyang asawa.
"Mga taksil!" Napasigaw siya sa sobrang galit na nararamdaman.
"Magbabayad kayo sa lahat ng ginawa niyong kasakiman at pagpapahirap sa aking asawa! Pagsisisihan niyo kung ano ang ginawa niyo! Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya!"
Kumidlat nang napakalakas sa labas ng kaniyang bahay. Halatang nakikisabay sa kaniyang galit ang panahon.
Galit na galit siyang tumayo at kinuha ang mga larawan ng mga taong nais niyang paghigantihan. Ang larawan ni Marcelino, Vicente at ng pamilya nito —si Isabelle at ang anak na si Esmeralda.
Kumuha rin siya ng mga gamit ng mga ito para mas lalong maging epektibo ang gagawin niyang pangkukulam.
Sa tingin niya'y tama ang lahat ng kaniyang desisyon na sumanib at pumalit sa yapak ni Carmen bilang isang mangkukulam. Sa wakas ay makikita niya narin ang tunay na hustisya para sa kaniyang asawa.
Tinali niya ang mga gamit ng mga ito sa tig-iisang manika maging ang mga larawan ng mga ito.
Napahalakhak siya ng napakalakas at ilang sandali ay sumanib sa kaniyang katawan ang espiritu ng namayapang si Carmen upang tuluyan ng masagawa ang pangkukulam.
Nangingitim ang kaniyang mga mata habang patuloy na humahalakhak.
"Dimiserunt eos pati patrem tuum! Sit darknest et doloribus impletur animabus illorum!" (Let them suffer thy father! Let the darknest and sorrows filled their lives!)
Inilagay niya ang mga manika sa kawa ng tubig at sinindihan iyon para kumulo at muli niyang inahon ang mga manika at sunod itong tinusok-tusok ng malalaking karayom.
Tuwang tuwa siya sa kaniyang mga ginagawa. Nais niya munang pahirapan ito nang pahirapan hanggang sa unti-unti silang mamatay sa sakit.
"Ipaparamdam ko sa inyo kung ano ang tunay na sakit!"
Nagising si Vicente mula sa kamang kaniyang kinahihigaan nang maramdaman ang sakit sa kaniyang tagiliran.
"Aray!" Pakiramdam niya'y tinutusok-tusok iyon ng ilang beses. Halos hindi na siya makatayo dahil sa sakit na nararamdaman.
"Papa?" Nagtungo sa kaniyang silid ang anak nang marinig ang sigaw niyang iyon.
Nilapitan siya nito nang may pag aalalang mukha. Inisip niyang pigilan ang nararamdaman para hindi mag-alala ang kaniyang anak ngunit masyado itong masakit.
"Ano pong nangyari Papa?" Tanong ng bata. Alala itong lumapit at tinignan ang kaniyang tagilaran.
"W-wala ito anak!" Pagpapalusot niya at umupo sa kaniyang kama, "Wag kang mag-alala nabangga ko lang ito kaya masakit."
"Ano ba'yan Papa? Akala ko kung ano na ang nangyari. Sige po, mag-umagahan narin po kayo sa kusina at sabay-sabay na tayong kumain ng umagahan."
Ngumiti ito sa kaniya at nauna nang umalis sa kaniyang kwarto. Napabuntong hininga si Vicente at tumingin sa kaniyang tagiliran.
Nabigla siya at nagtaka nang may makitang sugat sa kaniyang tagiliran na nilalamon ng mga uuod.
Halos mapasuka siya sa itsura nito, "Umalis kayo!" Sigaw niya sa napakaraming uuod. Muli siyang napaaray nang tangkain niya itong pisain at naglabasan pa ang napakaraming uuod mula sa kaniyang sugat.
"Lubayan niyo ako!" Tumayo siya sa kaniyang higaan at hindi sinasadyang matisod siya ng kung anong bagay.
Nahilo siya at unti-unting nawalan malay dahil sa takot at sa tisod na nangyari sa kaniya.
"Hindi!" Hingal na hingal siyang bumangon sa kaniyang kinahihigaan habang nagtatakang tumitingin ang kaniyang asawa't anak.
"Nanaginip kaba ng masama Vicente?" Tanong ng kaniyang asawa.
Napabuga siya ng hangin nang mapagtantong panaginip lang pala ang lahat ng nangyari. Akala niya ay totoo na iyon. Akala niya ay mamamatay na siya.
"W-wala iyon." Saad niya. Napatingin siyang agad sa kaniyang tagiliran at laking pasasalamat niya nang makitang wala itong sugat.
Tama ngang panaginip lang ang lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...