"Teh! Teh! Naririnig mo ba si Aketch?" Kumaway kaway pa si Reymundo ngunit nanatiling nakatulala si Janine.
"Teh!" Sigaw niya pang muli. Napabalikwas si Janine sa kaniyang kinauupuan saka bumalik sa tamang ulirat.
"Ha? Bakit? Ano 'yun?" Wala sa sariling saad niya.
"Haler! Kanina pa kaya ako nakukwento ditey hindi ka naman nakikinig. Nasasayang lang ang mga precious kong laway." Pagtataray nito.
"Hay nako, sorry... Sorry talaga. Naiisip ko pa rin kasi 'yung weird na panaginip ko kagabi. Ang creepy niya kasi may lalaking pugutan na ulo habang hawak hawak ng babae 'yung ulong 'yun. Nakakatakot." Napabuntong hininga siya.
"Alam mo, friend. Panaginip lang 'yan. Hindi mo dapat sineseryoso kasi mababaliw ka lang kakaisip."
Muli siyang napabuntong hininga. Oo nga pala, mababaliw lang ako kakaisip. Pero ang creepy talaga e. Nangyayari ba 'yun sa totoong buhay?
"Anyways, alam mo friend, napapansin ko parang may gusto sayo si Rico, you know, laging may dala dala para sayo. Napapansin mo ba?"
Napangiwi siya, "Wala naman sigurong gusto 'yun sakin. Ganyan lang talaga siya. Hindi kana nasanay."
Nanlaki ang mga mata ni Reymundo, "The fvck, Sis!? Seriously? Wala ka talagang napapansin? Pansin na kaya ng buong campus 'yun. Manhid lang teh?"
"Hindi ako manhid noh? Wala lang naman talaga 'yung mga ginagawa niya. Ganyan na kaya siya saakin simula dati. Madalas kasi siyang magpatulong saakin, kaya parang bayad niya narin 'yung mga dinadala niya."
Napakibit balikat nalang si Reymundo, "Maybe ganun nga pero, iba na kasi 'yung dating e. Diba dati hindi ka naman nun hinahatid pauwi sa bahay ninyo?"
"Hindi."
"Oh, see? May gusto nga 'yun sayo. But speaking of Rico, papalapit na siya... at mukhang may dala nanaman..."
"Huh?" Napakunot ang noo ni Janine at tumingin sa direksyong tinitignan ni Reymundo. Hindi nagkamali ang kaibigan dahil papalapit nga sa kanila si Rico.
"Ang swerte mo teh! Ang hot ni Papa Rico oh! Nakawhite shirt na manipis pa! 'Yung biceps at abs niya halatang halata! Ulam! Omeged!"
Biglang napangiti ng lihim si Janine, "Loka ka baks!"
"Papalapit na siya!" Hindi mapigilan ni Reymundo ang mapatili.
Pawis na pawis si Rico. Magulo man ang buhok ngunit malakas parin ang dating nito. Nakasuot ito ng puting manipis na tshirt at jersey short saka nakarubber shoes na nike. Halatang kakagaling lang sa paglalaro ng basketball.
May ilang napapatingin sa binata. Napapangiti at napapatili. Marami kasing humahanga sa kaniya sa kanilang campus nang siya'y lumipat sa paaralang ito.
"Oh, kumain ka muna." Saad nito at ibinigay ang dala dala kay Janine. Nagpasalamat naman si Janine pagkaabot nito sa kaniya.
"Omeged! Kayo na! Kayo na! Nakakainggit ha!? Sana lahat noh?" Ani Reymundo habang nakanguso.
"Sira! Parang nagbigay lang, kung ano ano na ang mga pinagsasabi mo dyan." Suway niya.
"Oo nga naman, Reymundo." Singit ni Rico saka umupo sa tabi ni Janine.
Pinalo ni Reymundo si Rico sa ulo, "Tawagin mo pa akong Reymundo mahahalikan kita! Wag mo akong subukan Papi Rico!"
Napatawang bigla si Janine, "Kissan mo na dali!"
"Pano ba 'yan Papi Rico? Binibigyan na ako ng permission ng future girlfriend mo." Pilyang napangiti ang baklang si Reymundo. Tinutusok-tusok pa nito ang tagiliran ni Rico na ikinangiwi ng binata.
Bahagyang napalunok si Janine nang marinig ang salitang 'future Girlfriend'. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil sa sinabi ng baklitang kaibigan.
"Sira! Anong future girlfriend ka dyan?" Bagaman kinikilig ay mas pinili niyang huwag magpahalata. Kung maaari lamang tumili ay ginawa na niya ngunit hindi niya gustong magmukhang easy-to-get pagdating sa mga lalaki.
"Bakit? Wala bang possibility? Wala ba akong pag asa kapag nanligaw ako?" Maamong saad ni Rico habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"W-wala! Umalis ka na nga! Pawisan kana lahat lahat ang dami mo pang kirot!" Pilit niyang nilalabanan ang kabang nararamdaman.
"Kalerki! Wag mo nang tanggihan ang grasya, Janine. Palay na ang lumalapit oh! Kung ako 'yan? Nako! Lalapain ko na agad." Sinadyang iparinig ni Reymundo sa binata ang kaniyang mga sinasabi.
Nadismaya si Rico sa narinig na salita mula sa dalaga ngunit natuwa rin siya dahil lumakas ang kaniyang loob sa sinabi ni Reymundo.
"Anyways, tayo kaya Papi Rico? May possibility?" Kumindat ito kay Rico. Umaktong naduduwal si Janine sa sinabi ng kaibigan.
"Sus, Janine! Pakipot kapa! Hay nako! Ewan ko sa inyong dalawa! Bagay nga talaga kayo, parehas kayong nakakabuwisit!" Irita itong tumayo sa kinauupuang bleacher.
"Oh sha, mauna na ako. May lakad pa ako with the gays mamaya. Manhuhunting kami ng mga Papi. Babush!"
Pagkaalis ng kaibigan ay nagkatinginan ang dalawa at sabay na napahagalpak sa pagtawa. Parehas silang napahawak sa kanilang mga sikmura sa sobrang pagtawa.
"Naasar si Baks!"
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Ficção GeralTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...