***
"Sis san na 'yung ulam?" Excited na saad ni Reymundo at paulit ulit na inaayos ang sarili. Panay ang suklay niya sa kaniyang hanggang leeg na buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Easy ka lang Sis okay? Atat na atat ah?" Napatawa si Abi sa nagkukumahog na Amanda, "Oh ayan na pala siya!"
Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang isang papalapit na gwapo at matipunong lalaki. Nakasuot ito ng maluwag na sando at nakaitim na sweatshort kaya kita ang braso nitong matipuno.
"Kalma Sis." Saad ni Abi nang mapansing kinakabahan ang kaibigan.
4 pm, halos malapit nang mag alas singko ng hapon at papalubog na rin ang araw. Pansamantala nilang iniwan ang ibang kaibigan sa cottage na nirerentahan para i-meet ang kaibigan ni Abi na si Louwie at ipapakilala kay Reymundo.
"Hey Louwie!" Salubong ni Abi sa kaibigan. Nakipagbesohan siya rito.
"How are you?"
"I'm fine, by the way, this is my friend Reymundo a.k.a Amanda. She really wants to meet you." Pagprisinta niya sa isa pang kaibigan.
"Hi!" Nakipagkamayan siya kay Louwie. Libo libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan matapos siyang kamayan nito.
"Ikaw pala si Reymundo. Nice name!" Napatawa si Abi at Louwie samantalang mapagkunwaring tumawa rin si Reymundo. Hindi nakakatuwa besh!
"Pano? Maiwan ko muna kayo. Balik ka nalang Reymundo sa cottage if tapos na kayong magpakilalahan nitong si Louwie." Nakangiting saad ni Abi. Kinindatan nito ang kaibigan bago iwanan.
"I think you have a good personality and I can see that you're funny too. I think madali lang kitang makapagpalagayan ng loob." Panay ang ngiti nito sa kaniya.
Pasikretong napapalunok si Amanda dahil sa mapang akit na ngiti nito. Sige! Ngumiti ka lang uulamin na talaga kita! Hot mo Papa Louwie! Pero kalma self. Dapat maging nice tayo at wag aggressive.
"Maybe. Pero tingin ko hindi naman ganun ka good ang personality ko." Parehas silang napatawa.
Kagaya ng sinabi ni Louwie, nakapagpalagayan nga silang agad ng loob. Inamin ni Louwie na bisexual siya at gusto niya ang personality na kagaya kay Reymundo. Lumipas ang mga minuto at marami rami rin ang kanilang napag usapan.
***
"Tulungan niyo na kasi ako bro!" Pagpupumilit ni Kurt sa mga kaibigang lalaki ngunit panay ang tanggi sa kaniya ng mga ito.
"Kurt, alam na alam mo na kung paano dumiskarte kaya hindi mo na kailangang magpatulong saamin." Tanggi ni Rico.
"Kaya nga bro, bahala kana kaya mo na'yan!" Tinapik ni Carlos ang kaniyang braso tsaka ngumiti at iniwanan ng kaibigan.
"T*ng*na naman oh!? Pag ako tinutulungan ko kayo tapos sakin wala!? Pvtcha mga kaibigan ko ba talaga kayo!?" Inis na sigaw ni Kurt at walang pasintabing sinipa ang puno ng buko.
Napapikit nang mariin si Rico nang marinig ang sigaw niyon ni Kurt. Hindi na niya kayang magpanggap pa. Baka tuluyan nang magalit sa kaniya ang kaibigan.
"Hayaan mo siya bro. Huhupa rin 'yang galit niyan mamaya." Wika ni Carlos.
Nang matunugan ni Mika na galit na talaga si Kurt ay nilapitan na niya ito at hinawakan ang balikat.
"Kurt, galit kapa rin ba sakin?" Pag akto niya.
Napatingin sa kaniya si Kurt, "Hindi ako galit!" Sigaw niya. Mukhang totoong galit na ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...